5

2 0 0
                                    


Hindi nalang ako umimik buong meeting. Kapag tinatanong ako, simpleng tango lang ang binibigay ko sa kanila o hindi kaya simpleng ngiti. Sinubukan kong magpanggap na okay ako at hindi apektado ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko.

Hindi ko naman ugaling mag-isip ng kung anu-ano. Akala ko, sa loob ng ilang taon kong nag-hibernate sa probinsiya, natutunan ko na ang art of deadma at art of not caring towards the negative things that's happening to my life.

Pero hindi ko in-expect ang bagay na ito. Biglang umikot ang mundo ko. Parang sinampal ako nang malakas at nagising ako sa katotohanang nasa panganib ang buhay ko.

Andres' aura screams danger. Kung patuloy akong mapapalapit sa kaniya, baka dumating ang araw na kada-labas ko ng condo na tinitirahan ko eh makatanggap ako ng batikos sa mga tao sa paligid. Ayaw kong pag-piyestahan ako ng mga tao at ang pribadong buhay na pilit kong binuo sa nakalipas na mga taon.

Writer lang ako, hindi artista. Kaya hindi dapat nangyayari ito sa akin. Patapos na ang meeting nang mapansin kong seryosong nakatingin sa akin si Andres habang pinaglalaruan ang hawak na lapis. Pinagtaasan ko siya ng kilay at sinenyasan na makinig siya sa sinasabi ni Direk sa harapan. Pero ngumiti lang siya sa akin nang matamis.

Nakarinig naman kami ng tikhim sa mga taong kasama namin sa loob ng meeting room. Gusto kong tampalin ang sarili ko. Dapat hindi ko nalang siya pinansin, ngayon tuloy sa amin na naman lahat ng atensiyon ng mga tao. Kahit ang kaniyang magiging on-screen partner para sa movie, parang nakikisali rin sa pang-aasar. Mukhang hindi ito apektado hindi katulad ng ibang mga on-screen partners na parang mag-jowa na halos ang turingan sa isa't-isa.

Humarap sa akin si Sir Gino at si Direk Annie at pinagmasdan kaming dalawa ni Andres. Nakita kong umiling nang marahan si Direk at nauna nang umalis sa opisina. Ilang sandali lang may lumapit sa akin na staff at ganoon din kay Andres. Pareho yata kaming pinapatawag para kausapin ni Direk Annie.

"Naku, may napatawag sa Principal's office," tumatawang ani Kyline na parang inaasar pa si Andres.

Nginisihan lang siya ni Andres at napansin ko ang simpleng pagdila ni Kyline na parang bata sa binata. Kung titingnan, para silang malapit na magkaibigan kaya mukhang balewala lang ang balitang nagte-trending ngayon sa mga news portal.

"Look at what you did! Dahil sa'yo, nandito tayo sa ganitong sitwasyon!" inis na sabi ko kay Andres. Itinaas naman niya ang kaniyang dalawang kamay na para bang sumusuko. Tikom din ang bibig niya. Ayaw niyang magsalita, marahil ay dahil alam niyang siya naman ang may kasalanan. Hindi nawala ang paniningkit ng mga mata ko sa kaniya hanggang sa makapasok kami sa loob ng opisina ni Direk.

Naabutan naming itong nakaupo sa swivel chair niya at naghihintay sa aming dalawa ni Andres.

"Have a seat," ani Direk saka tinuro ang dalawang upuan sa harapan ng table niya.

"You might be wondering why did I ask for the two of you," panimula niya sa amin.

Isang marahang iling ang ginawa ko.

"I know why you asked for us. Tungkol po ito sa mga kumakalat na photos namin ni Andres sa iba't-ibang news portal at mga tabloids. And I know that it's bad considering Andres is just starting his career. At alam kong problema ang bagay na ito para sa upcoming project. Kaya gusto kong agad humingi ng pasensiya, Direk. Hindi naman po talaga—"

Nang itaas ni Direk ang kaniyang kamay sa ere ay napahinto ako sa pagsasalita. Narinig ko rin ang mahina niyang pagtawa dahilan upang mapakunot ang noo ko.

"Honestly, Iris, people nowadays in the industry doesn't care anymore if two working people in the same field or agency are dating. Labas na kami sa private lives niyo. Kung kayo man ni Andres o hindi, we're totally out of it. However, we noticed things about the two of you na baka maka-apekto sa upcoming works natin. What I want to ask for the two of you, is be professional in terms of handling anything with regards to your relationship. It's all up to you whatever you do. Just don't mess up this project. Ang laki ng potential ng project na ito na maging top grossing film sa buong Pilipinas."

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon