Prologue
“Nag-sasakit sakitan ka nanaman ba jan?”
Ito nanaman tayo. Pamilyar itong pangyayaring ito. De javu much? buti nalang ready ako. expected ko naman na papasok ito sa kwarto ko at mangungulit.
“ha? Anong sinasabi mo? aray ang sakit ng ulo ko. ARAAAAAY!. Kailangan ko ng tubig” sigaw ko na tila may iniinda talagang sakit sabay salpak pa ng dalawang palad sa ulo ko para realistic. Ito nalang kasi ang tangi kong paraan para tumigil ang kumag na ito.
“weh? Lumang style nayan.. Feeling mo pang famas ang arte mo pero not this time. Huli na kita eh” Nakabusangot na sabi nito. Nakakapag taka ha. Hindi siya naniniwala.
“oy! Totoo ito. Hindi ako nagsisinungaling. Tignan mo kaya ang init init ko”
“Magtaka ka kung malamig ka na dahil baka ipa-embalsamo na kita” sabay tawa ng pagkalutong-lutong. ang hard. Bat ba ang hirap niyang paniwalain this time
“Bat ba yaw mo maniwala?”
“bat ba ang galling mong magsinungaling?”
“eh bat kasi ayaw mo maniwala?”
Medyo sumama ang tingin sakin nito at parang may dinukot na kung ano sa bulsa.
“Sige laklakin mo itong paracetamol lahat yan ha” sabay lahad sakin ng palad niyang sa tingin koy may 10 paracetamol.
“Ano?! Papatayin mo ba ako edi na-overdose ako niyan! ”
“Exactly! Sinungaling ka kasi!”
“Abat! Nakakaloko ka na talaga!"
"Bat ba kasi ayaw mong umattend ng JS Prom?!" Ito naman talaga ang dahilan kaya lagi akong nagpapanggap. Taon taon ito. Simula kasi nung tumungtong kami nang higschool kaliwat-kanan na ang mga parties. May kung ano-anong ball, Semester parties, foundation day parties at kung ano-anong eklat parties na kailangang naka-gayak ka. Kung tutuusin naman hindin na kailangan. compulsary pa! Eh kahit naman compulsary eh hindi parin naman ako naattend. nagkasya na lamang ako sa mga penalties na ipinapataw tuwing hindi umaattend ng mga programs.Ewan ko ba kailangan daw ito to build ourselves socially.
“E sa ayaw ko eh! Di ako bagay dun!”
Ayun napaamin din ako.
“Eh di umamin ka din!!I don’t even understand kung bakit ayaw mong umattend ng mga parties.”
“eh hindi nga ako bagay dun! Gusto Unli much?!”
“Pwede ngayon umattend ka? Wag mo namang palampasin itong huling JS prom na ito! Last na to eh! Nung una freshmen night bigla bigla na lamang sumakit tiyan mo, Pangalawa nung fairy tale ball dahil natatae ka, pangatlo last year’s JS Prom dahil nilalagnat ka kuno.” Pagpapaalala nito sa mga pagpapalusot at kalokohan kong ginawa.
“Wow ha? Naalala mo pa yun mga yun? ilang memory plus ang nilalaklak mo raw araw?” sarcasctic kong tanong sa kanya.
“Che! Hindi ako makakapayag na di ka umattend this time!”
“And why so?”
“You’ll regret it.”
“Ano namang gagawin mo aber?”
Biglang sumeryoso ang mukha nito at titig na titig sa akin. Aray ha nakakasugat ang mga titig niya. Natutunaw ako.
Bigla itong humakbang sa akin. Hes walking inches by inches palapit sa akin.
“Hep! Hep! Ano ginagawa mo? layo! Chupi!”
“sasama o hinde?”
“Hinde!” pagmamatigas ko parin. Waaaa hindi ako makatitig ng matagal sa mukha niya! Those eyes, that red lips, that pointed nose. Seems like he was carved by a great sculptor into perfection. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.Eh kasi naman. Pogi nito eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/4634021-288-k343445.jpg)
BINABASA MO ANG
Love me like I am (on going)
Teen FictionBestfriend ko siya. Bestfriend niya ako. mahal ko siya. mahal kaya niya ako? Sasabihin ko ba? o forever NGANGA?