Chapter 2: Expectations.

19 1 0
                                    

Authors note:

Maraming salamat po sa mga nagbabasa nitong story. it means alot to me. comment lang po kayo kahit na nega. para po ma-improve ang writing skill ko. thank you!

Abangan ang mga paghihirap na mararanasan ni Anna sa piling ni Gabriele pag tung tong nila ng college. 

______________________________________________________________________

Lubos akong namamangha sa nakikita ko ngayon.  This is the best place I've ever seen.  parang fairy-tale na nakikita ko lang sa mga pelikula at palabas sa telebisyon. ginala ko pa ang mga mata ko upang tignan ang kabuuan ng lugar.  Napakaganda ng mga palamuti na naka disenyo sa mga lamesa at upuan, puting tela na may mga nakaburdang pulang bulaklak at mga ribbon na naka-kabit dito. nakita ko rin ang signage sa harap ng stage.  Napakaganda ng pagkakagawa dito.  "JUNIORS, SENIORS PROMENADE".

Nagsisidatingan na ang aking mga schoolmates na namamangha din sa kanilang nakikita.  Napaka-gara nang mga suot nila. ang mga lalaki'y naka tuxedo at amerikana, ang mga babae naman ay nakikipag-tagisan sa mga makukulay at magaganda nilang mga gown. 

Ilang sandali pa ay umalingaw ngaw na ang boses ng M.C.  sa stage hudyat ng pagsisimula ng okasyon.

"Goodevening Ladies and Gentlemen!" Ang masiglang panimula ng mc.

"We are here today to celebrate the much-awaited Juniors and Seniors promemade,  where our 3rd years and 4th years are poised to take-off the craze,  fashion and socialization!" Biglang nag- hiyawan at palakpakan ang mga estudyante. 

"Hindi ko na patatagalin pa ang gabing ito!  Let the party begin! " ang sigaw ng mc na mas lalong kinabaliw ng mga taga saint theresa. 

Nagsimula ang okasyon sa pag awit ng national anthem at school march at sinundan ng opening remarks ng aming butihing principal, at sumunod naman ang turn over ceremonies at cotillion de honor kung saan pili lang ang mga sumayaw. 

Hanggang sa nakarating kami sa pinaka huling parte ng okasyon.  Ang SOCIALIZATION. 

Hinanap ng paningin ko si gabriele. Hindi ko pa siya nakikita mula kanina. nakiki-pag landian nanaman siguro yuon. palibhasa campus hearthrob.

hanggang sa napadako ang tingin ko sa mga grupo ng lalaki sa likuran.  Mukhang nagkakasiyahan sila, at nagtatawanan na tila nagpapaligsahan kung sino ang kanilang maisasayaw. Nandun si Gabriele. Lubos akong namangha sa kanyang postura.  Napaka-gwapo niya.  Mala prinsipe ang hitsura niya ngayon.  Ang gray coat at gray pants niya ngayon ay bumagay sa kanya.

Ilang sandali pay umalingaw ngaw na ang tugtog sa buong lugar.  Pinatugtog ang I'll be ni Edwin McCain. Biglang nagsitayuan ang mga lalaki upang humanap ng kanilang maisasayaw. tinignan ko ang lugar kung saan nakaupo si Ivan ngunit wala na ito duon.  Malamang sa malamang nakahanap na iyon ng kanyang isasayaw. At siyempre first song ito.  At siyempre first dance din niya. 

Lubos akong nanlulumo dahil wala man lang mag invite sa akin upang isayaw ako. Ayaw ko din naman kasi si Ivan ang gusto kong first dance.  Pero mukhang hindi na mangyayari iyon. 

The strands in your eyes

That color them wonderful stop me and steal my breathe.

Marami nang mga pares ang nagsasayawan sa saliw ng kanta sa gitna. Nakaupo lang ako dito at naghihintay parin.  Hindi naman kasi pwedeng ang babae ang mag invite ng maisasayaw.  kung pwede lang kanina ko pa hinila si Ivan. kaya eto ako ngayon nagiisang nakanganga na naghihintay sa table ko. Wala na kasi yung mga ka-table ko. 

Emeralds from mountains, thrust towards the sky

Never revealing their depths

And tell me that we belong together

Dress it up with the trappings of love

I'll be captivated,  I'll. Hang from your lips. 

napayuko nalang ako sa aking kinauupuan at hinihintay na matapos ang kanta.

Instead of the gallows of heartaches that hang from above.

"May I dance with you?" Agad kong nilingon ang nagmamay-ari ng boses na iyon at nakita ko si ivan na nakangiting nakalahad ang kamay sa akin. 

tug dug tug dug tug dug.  My heart is beating so fast. Hindi ako makakibo. 

"Yyyyes" ang nauutal kong sagot at inabot ang kanang kamay sa kanya. 

I'll be your crying shoulders.

I'll be love suicide.

Nilagay niya ang mga kamay niya sa aking bewang at nilagay ko naman ang mga kamay ko sa kanyang balikat. Is this for real?  

Nakatitig siya sa akin ngayon.

"you look beautiful tonight" sabi niya.  Waaaaah!  Beautiful!  Maganda daw ako.  Ngayon niya lang sinabi na maganda ako.  As in never! 

"boks ikaw ba yan?  May sakit ka ba? " at dinampi ko ang kamay ko sa knyang leeg.

"Hindi naman. Pero thank you ha. " pagpapatuloy ko.

"Hmm what if I love you? "

anu daw? 

"Siyempre kasi bestfriend mo ako kaya ganun din ako sayo" sagot ko. 

"No.  Mas malalim pa doon."

"Boks pinagtritripan mo ba ako? " 

"I've been hiding this for too long anna.  I love you best hindi dahil best friend  lamang kita kundi dahil ikaw ang babaeng minamahal ko." at bigla nalang niyang nilapit ang mukha niya sa akin.  At ang buong paligid ay nag blur at unti unting nag-swirl. 

Na na na na na

Come on

Na na na

Come on, come on, come on

Na na na na na

Feels so good being bad (Oh oh oh oh oh)

There's no way I'm turning back (Oh oh oh oh )

Naalimpungatan ako sa malakas na tug tog ng aking alarm clock. biglang kumunot ang noo ko nuong ma-realize kong panaginip lang pala ang lahat..

"Hayup ka! panira ka ng moment! andun na eh!" at hinagis ko yung alarm clock sa couch. sa couch lang baka masira. regalo sakin yun ni gab.

haaay! Expectations! nakakainis. lalo lamang akong nahuhulog sa kanya. hindi ko na kaya. >.<

pero mamaya na ang prom sana magka-totoo ang panaginip ko. pero mali kabaligtaran daw ng panaginip ang mangyayari.  waaaah! sana hindi na ako nagising! T.T

Masakit maging kaibigan ang taong mahal mo, di mo alam kung san ka lulugar. Di ka na dapat umasa pa kasi

dakilang bestfriend ka lang!!

itutuloy....

abangan din ang tunay na prom..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love me like I am (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon