KABANATA 3

92 3 0
                                    


ALLYSIAH POV:

Sumapit ang lunes ay naghanda na akong pumasok. At nong nakalipas na dalawang araw mula nong nakarating ako dito ay naging maganda naman ang nangyari kahit papano.

Yong mga pagkain namain ng umaga ay libre ngunit ang gabi ay sa amin na. Medyo okay na dij yon dahil balak ko din naman maghanap ng trabaho kung meron.

Nagtanong ako sa matandang babae kanina bago ako pumasok kung may naghahanap ba ng trabaho sa loob ng paaralan kasi naman sa  halfday lang ang klase ko.

Sa M,W,F ay umaga ang klase ko at sa hapon ay wala. Sa T,TH naman ay sa hapon ang klase ko at sa umaga ay wala.

Kaya marami akong vacant time. Kaya binalak ko magtanong kong meron kasi sayang naman yong kalahating araw diba.

Mabuti na lang at meron daw pero sa Librarian ang hanap nila. Kung paoayag sila na halfday lang ako ay mas maganda yon.

Since maaga pa ako ay dumaan na muna ako sa Library para tanungin yong librarian don. Para makarating don ay linakasan ko ang loob ko para magtanong kung nasaan ang Library.

Mabuti na lang at mabait yong napagtanungan ko kaya mabilis akong nakarating sa Library.

Pumasok ako at pumunta sa desk ng Librarian. Mukhang may edad na din kaya siguro naghahanap siya ng kasama.

"Goodmorning po, naghahanap daw po kayo ng makakasama dito" sabi ko

"Oo iha, bat mo natanong" Librarian

"Balak ko po sana mag apply kung pwede po, kasi po halfday lang ang klase ko" sabi ko

"Okay lang din naman iha kaso mga anong araw ba yong halfday ang klase mo" tanong niya

"M,W,F po ay umaga ang klase ko tapos po sa T,TH po eh hapon ang klase ko" paliwanag ko

"Okay lang din naman iha, kaso kalahati lang sweldo ang ibibigay ko kung ganun" sabi niya

"Okay lang po sakin, basta po may trabaho po ako, magkano po ba ang sweldo?" sabi ko

"Since malawak ang library eh 1 k pag buong araw kaso since kalahating araw ka lang magtratrabaho eh 500 a day ang matatanggap mo" paliwanag niya

500 okay na din sa kalahating araw, kaya ko naman siguro kasi wala naman ako ginagawa tyaka ayaw ko umasa lagi sa padala ng magulang ko.

" Anong oras po magsisimula ang trabaho?" Tanong ko

" kapag umaga ay magsisimula sa 7 am hanggang 12 pm na yon. Pag tanghali naman e magsisimula ng 1 pm hanggang 6 pm. Okay ba sayo un iha?" Sabi niya

"Okay lang po. Kailan po ako pwede magsimula" tanong ko

"Kung gusto mo ay ngayon na para may kasama ako dahil madami din estudyante na nagpupunta rito lalo na yong nga scholar" sabi niya

"Okay lang po" sabi ko

"Teka iha bat kailangan mo ng trabaho?" Tanong niya

"Scholar din po kasi ako at ayaw ko umasa sa parents ko lagi kasi mahirap lang naman po kami" sabi ko

"Ganun ba , ang bait mo namang anak kung ganun tiyak na proud sayo ang magulang mo" sabi niya

"Sana nga po" sabi ko

"O sha may klase ka pa diba lunes pa naman ngayon mahigpit ang SSG President pagdating sa oras lalo na ang mga scholar" sabi niya

"Sige po mauna na po ako, kita na lang tayo mamaya Manang? Ano po pala pangalan nyo?" Tanong ko

"Tawagin mo na lang akong Nanay Linda" sabi niya

"Ako po si Allysiah, Sige po mamaya na lang po Nanay Linda" sabi ko

THE SCARY PSYCHO BADBOYWhere stories live. Discover now