KABANATA 5

110 4 1
                                    

ALLYSIAH POV:

Maaga ako nagising dahil umaga ang duty ko sa library kaya pagkatapos ko maligo ay agad na akong nagpalit ng simpleng damit at lumabas ng dorm.

Kagabi kasi ay tinawagan ko si Allyson para ipaalam na okay lang naman ako rito. Para di rin nila ako mamiss masyado kasi pag di ako tumawag magtatampo na yon kasi miss na niya ako pero di man lang ako tumawag.

Kaya tinupad ko ang pangako na tatawag ako sa kaniya para na rin makausap sina Nanay at Tatay.

Nang makarating ako sa library ay binati ko na si Nanay Linda at nag ayos na ako. Kunti pa naman pumupunta dito sa library ng ganitong kaaga kaya nag ayos na ako ng  libro sa bookshelf.

Pero ilang oras na ang nakalipas ay iilan lang ang pumapasok kaya mukhang kaya naman ni nanay linda yon. Kaya pinagpatuloy ko ang pag aayos.

Hanggang sa may nakita akong nakaupo sa pinakadulo kung san madilim dito sa library. Kaya linapitan ko siya at tinignan kung sino.

Pero nagulat ako kasi nakilala ko agad kung sino siya.  Siya lang naman si Kairus Jei Styles kaya lumayo na ako kung san siya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Pero nong malapit na ang time ng klase ko ay akmang aalis na ako pero naalala ko si Kairus. Hayss Allysiah naman wag ka na makialam sa kaniya kaya na niya sarili niya, pagkausap ko sa sarili ko.

Pero diko mapigilan ang sarili kong mag alala at ginising ko siya pero diko alam kung paano kasi baka magalit siya sakin. Hayss bat ba kasi ako nakakaramdam ng guilt eh natutulog din naman siya sa klse namin hayss.

Ilang sandali lang ay nagising siya at tumingin sakin kaya nakaramdam ako ng ilang dahil don.

"What?" Masungit niyang sabi

"Ahh a-ano kasi hmm mag o-one pm na , b-baka malate ka pag di ka n-nagising" utal utal na sabi ko

Pansin ko lang may pasa siya sa mukha at mukhang may iniinda siyang sakit. Kaya napatingin ako sa barso niya na may bandage.

Hays tumigil kana Allysiah, curiosity can kill you okay, paalala ko sa sarili.

Kaya nong tumayo siya ay agad din akong umalis sa harap niya. Mabuti na lang at di naman siya nagalit dahil sa nagising siya.

Nang makarating ako sa room ay naupo na ako nakita ko pa yong nga kaibigan ni Kairus na mukhang inaantay siya kasi may tinatawagan yong Hendrix.

Hindi lang pala si Kairus ang may pasa at sugat pati mga kaibigan niya. Hmm napaaway ba sila? Haysss tama na self ano ka ba, sabi ko ulit sa sarili ko.

Ilang sandali pa ay dumating na si Kairus at lumapit na sa mga kaibigan niya. Narinig ko naman silang nag usap.

"Where did you go?" Hendrix

"Kanina kapa namin tinatawagan" Ark

"Kala ko di ka papasok" Yael

"Maaga ka pumasok?" Reiv

"Yeah" sabi lang ni Kairus

"Mukhang si Reiv lang yong narinig niya" pout na sabi ni Yael

"Tsk" Kairus

Hayss tama na nga pakikinig sa usapan ng iba nagiging tsismosa na ako nito eh. Sakto naman at dumating na yong prof namin. Kaya nakinig na lang ako dahil alam niyo na scholar ako kaya di ako pwede pachill chill lang.

Nang matapos na ang unang klase namin ay nag antay lang kami para sa sunod na klase. Kaya tulad ng dati ay nagbasa lang ako ng libro ko.

Habang nagbabasa ay parang may nakatingin sakin kaya linibot ko ang paningin ko. Nagulat ako nong si Kairus yon. Kaya agad din akong umiwas ng tingin.

THE SCARY PSYCHO BADBOYWhere stories live. Discover now