Entry #2: Best Man

143 10 11
                                    


Written by: @rampadora

******************
Entry to: ONE SHOT WRITING CONTEST
Credits to Jomer and his poem and to my lovely sister.
June 2015
Copyright © 2015 by rampadora
***www.wattpad.com/user/rampadora***
ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.
Enjoy!
-----------
Napakalamig ng gabi dulot ng malakas na ulan. Mag isa akong umiinom ng paborito kong alak habang pinagmamasdan ang litrato namin ni Thea, ang pinaka magandang babae sa paningin ko.
Natigilan ako sa tunog ng cellphone. Agad akong napangiti nang makita ang pangalan ni Thea sa screen.
"Hello Alvin!" Kakaibang saya ang naramdaman ko pagkarinig ko ng boses niya.
"Hmmm?" Nag isip ako ng dahilan ng pagtawag niya ng ganitong oras. Tungkol siguro sa kasal bukas.
"About tomorrow. Haha. Hindi kasi ako makatulog Alvin eh. Excited na ako, sobra. Hoy ikaw ah baka di ka sumipot bukas, naku naku!" Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Bakit mo naman naisip na hindi ako sisipot?"
"Eh kasi baka bigla kang mag back out." Napa iling na lang ako. It's almost midnight. She should be sleeping right now
"Thea, matulog ka na. Baka bukas sa kasal ang laki laki ng eye bags mo."
"Ikaw talaga! Okey okey. Matutulog na po. Tumawag lang naman ako to remind you Mr. Alvin Rivera na kailangan mo akong siputin bukas dahil kung hindi...hmpt!"
"I'll be there, don't worry. Now, go to sleep miss bride to be."
I heared her laugh from the other line before she ended the call.
Mabilis kong tinapos ang iniinom ko at saka ako pumanhik sa kwarto.
Pagbukas ko ng ilaw, una kong napansin ang isusuot ko para bukas na nakalatag sa kama.
I need to take a rest now. Hindi ako dapat malate bukas.
*******kinabukasan********
Dinaig ko ang lahat sa sobrang aga. Inaayos pa lang ang loob ng simbahan pero nandito na ako, naghihintay.
Maya maya ay unti unting nagsidatingan ang mga bisita, mga ninong at ninang pati mga abay. Pero hindi ang pagdating nila ang inaabangan ko kundi ang pagdating ni Thea. Nasasabik na akong makita siya.
Napakaraming tao. Narito ang pamilya namin at gan'on rin ang pamilya at mga kaibigan ni Thea. Halos mapuno ang loob ng simbahan.
Naka ilang ulit na akong tumingin sa aking relo. Mag aalas dyes na pero hindi pa rin nagsisimula.
Gusto kong kunin ang cellphone ko na naiwan sa loob ng kotse para tawagan siya at itanong kung nasaan siya o kung ayos lang ba siya.
Lumabas muna ako ng simbahan para makalanghap ng hangin. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.
Lumayo muna ako at nagpunta sa sulok. Inilabas ko ang sigarilyo mula sa bulsa. Sinindihan ko iyon at saka hinithit. Nag isip ako ng mga araw namin ni Thea. Mga masasayang araw naming dalawa.

"Hoy Alvin! Ano pa bang ginagawa mo diyan? Nandito na ang bride! Nagsisimula na!" Agad akong natauhan sa sinabi ni Mico. Mabilis kong itinapon ang sigarilyo. Napamura ako sa isip ko. Ganon ba ako katagal na nag isip kanina?

Nagmadali akong pumasok sa pintuan na ang deretso ay sa harap. Pagdating ko ay nagsisimula na ang tugtog. Eto na.

Isa isa ng naglalakad ang mga abay kaya napako na ako sa kinatatayuan ko. Malapit na siya.

Isinara ang pinto at pagbukas noon ay ang pagbungad niya. Napatulala na lang ako sa kanya.

She's so beautiful.
I watch her as she march from the entrance, walking towards me wearing a great smile.
Unti unti ay parang naglalaho ang mga tao sa paligid at parang kaming dalawa lang ang nandito. Halos hindi ko na rin marinig ang musikang pinapatugtog dahil sa mabilis at malakas na tibok ng puso ko.
Thea Fernandez. The most beautiful woman I have ever seen. The woman that I love for almost six years is now walking on the aisle wearing a beautiful white wedding dress.
Bawat paghakbang niya ay pinagmasdan ko. Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang makalapit. Nagtama ang paningin naming dalawa. She gave me her sweetest smile so I smiled back.

But as she reached out, a hand held out beside me.
That's when I drew my self out of delusion and came hurdling to reality.
Ang araw na ito ang pinaka hihintay ni Thea. Ang araw ng kasal niya. Ang araw na hindi para sakin.
Pinanood ko ang paglakad niya at ang kapatid ko papunta sa harap ng altar.
Kung sinabi ko ba noon sa kanya na mahal ko siya, hindi siya magpapakasal ngayon? Mamahalin niya rin ba ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya?
Mula sa pwesto ko ay kitang kita ko kung gaano siya kasaya. Sa tagal naming magkaibigan, ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya.
I watched them exchange their vows. Gusto kong maiyak hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa sakit at awa para sa sarili ko.
Am I stupid for not telling her what I feel?
Pero kung sinabi ko, may magbabago ba?
I love her. But she's inlove with my brother.
Napangiti ako ng mapait.
Why did I let her go and let her get married?
I watch them both as they walk towards me.
"Alvin!"
"Bro."
They both greeted me. Pinilit kong ngumiti sa kanilang dalawa.
"Congrats Thea, Kuya." You're so lucky kuya. Ikaw ang minahal niya. Ikaw ang pinakasalan niya.
"Alvin ha! I thought hindi ka dumating! Hindi kita nakita sa entourage kanina. Wala tuloy kapartner ang bride's maid ko. Ikaw talaga."
"Pwede ba naman 'yun. I told you that I am coming. Hindi ko pwedeng palampasin ang makita kang nakasuot ng wedding gown. Misan ka lang ikakasal."
Kahit na ito ang pinaka masakit na araw para sakin, sigurado akong ito naman ang pinakamasayang araw mo Thea.
Kaya hindi ko palalampasin ang araw ng kasal mo. Ganito kita kamahal.
And now I am standing here witnessing both of their joy as they both thank me for being the best man.

One Shot Story Contest 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon