Entry #3: Ransom Note: Del Monte Massacre

130 10 2
                                    


Written by: FickleMindedGal

Lumaki ako sa pamilyang kilala sa aming bayan. Ang Papa ko ang kasalukuyang Vice Mayor at si Mama naman ay isang Doktora. Dalawa lang kaming magkapatid. Ako ang bunso, ako nga pala si Clarissa Del Monte 18 taong gulang, ang ate ko nama'y 20 na.
Lahat nakukuha namin, lahat napapasunod namin at lahat iginagalang kami. Siguro nga takot lang sila kila Papa't Mama kaya maganda ang pakitungo nila samin.
"Alas-onse na ng gabi, pero wala paring tao sa bahay." Ang mga yaya, guards at ang mga kasangkapan lang ang kasama ko. "Alam niyo ba yung ganitong feeling? Oo, mapalad nga ako, kasi lahat kaya nilang ibigay sakin, lahat ng hingiin ko agad ko ring nakukuha."
Pero matatawag nga ba talaga akong mapalad? Sagana nga ako sa materyal na bagay pero ang kanilang atensyon, pagkalinga at pagmamahal di ko naman maramdaman.
Tama na pala muna ang kadramahan, baka nagtataka na kayo kung ano ba 'tong binabasa nyo. Inuulit ko, ako si Clarissa Del Monte. Kasalukuyang nyong binabasa ang aking bestfriend, ang aking Diary.
Medyo baduy hindi ba? Akala niyo siguro dina uso ang magsulat sa Diary at ishare ang kahit na ano? Para sa'kin hinding-hindi to malalaos, at syanga pala hindi rin ako yung tipo ng anak mayaman na maarte, attention-seeker at pa English English pa, hello? Nasa Pilipinas tayo, dapat Filipino ang gamitin! HAHAHA
Masasabi kong una kong pag-ibig ang ating wika. Bata pa lamang ako adhikain ko ng gamitin at palawigin ito. Hindi nga ba't sinabi narin ng ating bayani na dapat nating mahalin ang sariling atin?
Maiba tayo, pasensya na kung madrama ako. Wala lang kasi akong makausap, si Ate buong araw wala dahil graduating na. Si Mama nasa ospital at si papa naman syempre nasa munisipyo.
"Ooops, teka may narinig akong sasakyan! Sila Papa na yata yan. Bababa na muna ako."
**
Yung sasakyang narinig ko mabilis ding umalis.
Laking gulat ko ng makitang nakabulagta ang mga kasambahay pati narin si kuya guard. Lahat sila duguan, napasigaw nalang ako. Nataranta narin ako, pero naisip kong tawagan sila Papa o ang kahit na sino sa kanila...ilang minuto na ang nakakalipas wala paring sumasagot sa kabilang linya.
May napansin akong pluma at papel sa may lamesa, kinuha ko iyon. Hindi ako makagalaw, nanginginig ang buo kong katawan habang binabasa ang nakasulat, "NASA KAMAY NAMIN ANG 'YONG MGA MAGULANG AT KAPATID. SA LOOB NG ISANG ORAS KAILANGAN MONG MAGBIGAY NG 50M KUNG AYAW MONG PATAYIN KO SILA. 265-43-12"
Nakakagulantang, di ko alam ang gagawin. "Saan naman ako kukuha ng ganung kalaking pera?" Tanong ko sa'king sarili. Tatawag na sana ako sa mga pulis ngunit napansin kong may nakasulat pa sa likod ng papel. "HUWAG KANG HUMINGI NG TULONG SA MGA PULIS O SA KAHIT NA SINONG KILALA MO, ISANG MALING KILOS MO LANG MAMAMATAY ANG ISA SA PAMILYA MO."
Biglang tumunog ang telepono. Agad ko itong sinagot.
"H-hello," kinakabahan kong sagot. Ilang minuto na ang lumipas pero wala namang sumasagot sa kabilang linya.
Maya-maya may lalaking nagsalita. "30 minutos na ang nakalipas, kailangan na namin ang pera kung hindi mamamatay ang pamilya mo!"
"M-maawa na po kayo! 'Wag nyong gawin yan, gagawa ako ng paraan para maibigay ang kailangan nyo." Sabi ko habang umiiyak at ibinaba na ng lalaki ang telepono.
**
Agad akong umakyat sa kwarto nila papa. Naghalungkat ako sa bawat drawer, kinuha ko ang mga passbook na makita ko, binuksan ko rin ang drawers sa office ni Mama pero wala akong nakuhang kahit na ano.
Tumatakbo ang oras, sampung minuto nalang ang natitira. Tuluyan na 'kong nawalan ng pag-asa.
Nanlumo ako, napaluhod habang napapahagulgol sa iyak. Bigla nalang akong nakarinig ng mga yabag na tila papunta sa aking kinaroroonan.
Malakas na binuksan ng lalaki ang pintuan. May inihagis na kung ano, isang bag na puno ng putik at pinaputukan ang buong kwarto.
Di ako gumagalaw sa sobrang pagkatakot ko.
"MAGBABAYAD ANG PAMILYA MO!" sigaw niya ng malakas at saka umalis.
Sa aking pagkagulat, may ulong lumabas sa bag. Ang laman pala ng bag ay mga ulo nila Papa, Mama at Ate.
Hinawakan ko ang bag at niyakap. Umiyak ako, hindi tumigil sa pagpatak ang aking mga luha. Di ko alam kung totoo ba ang lahat ng mga nanyayari.
Isang tunog ang nagpatigil sa'king pag-iyak. Sigurado ako, isang bomba ang naririnig ko.
Agad kong kinuha ang lahat ng mahahalaga kong gamit at pati narin ang bag.
Ilang minuto pagkalabas ko, sumabog ang aming bahay at tuluyang lumiyab...habang ako'y tigalgal na nakatitig at umuusal ng dasal.
Nakita kong nagsilapitan ang aming mga kapitbahay. Sa di kalayuan, nagsimula akong maglakad. Ni hindi ko alam kung saan ang aking pupuntahan.. Isa lang ang nasa isip ko noon, "MAGHIHIGANTI AKO!"
**
Apat na taon na ang lumipas, muli akong tumuntong sa aking bayan. Marami na ang nagbago at tuluyan nilang nilimot ang malagim na pangyayari sa aking nakaraan; ang pagkawala ng aking pamilya.
Hanggang ngayon, dipa rin ako maaaring lumantad. Apat na taon na ang nakararaan, naframe-up ako, ako ang itinurong salarin. Kaya gayon na lamang ang pagkamuhi sa'kin ng aking mga kamag-anak at ng mga kababayan ko.
Samantala, sa malayong kabundukan, doon bumuo ako ng bagong katauhan, gumawa ng bagong buhay at nagkubli sa pangalang Claire Villafuerte.
Nagsanay ako. Sa aking pagsasanay marami akong nakilalang NPA at maging MILF. Ngayon nga ay kasapi na ako ng isang kilusan.
Inaamin ko, tinalikuran ko ang aking bayan, bayang lunggaan ng mga katiwalian at kasinungalingan.
Nais kong ipaghinganti ang aking pamilya. Sa aking pagsisiyasat, nalaman kong isang pulitiko ang nasa likod ng pagkamatay nila Papa. Isang ganid, sakim at demonyong nilalang na nararapat ng mawala sa mundo!
Ngayong gabi, lahat ng aking plano'y aking isasagawa. Pagbabayarin ko ang tunay na nagkasala.
Ilang oras narin akong nagtatago, dina ako makapaghintay, nasa harap ako ng tahanan ng demonyong salarin!
Habang nagmamasid sa di kalayuan, hawak ko ang sulat na nagmula sa isang matalik na kaibigan ng aking mga magulang. Siya ang aking Ninong Bernard, ang nag-iisang nakakaalam ng bawat detalye sa pagkamatay nila Papa.
Sa mga taong lumipas, tinulungan niya ako. Siya ang naging gabay ko, at tanging nagmalasakit sakin...
Maya-maya....nakita kong pinatay na ang lahat ng ilaw sa bahay na aking minamatyagan. Yun na ang hudyat ng aking pagsalakay.
Mabilis akong nakapasok sa marangyang bahay. May nakita akong isang kwarto na nakabukas pa ang ilaw, maingat ko iyong nilapitan.
Waring may nagtatalo sa loob ng kwarto. Isang aninong palakad-lakad ang aking nakita, lumapit pa ako ng bahagya.
Pamilyar na boses ang aking naulinigan, "Ang salarin!" bulong ng aking isip.
Punaputukan ko ang bawat sulok ng bahay. Bago ako umalis, patago akong nag-iwan ako ng cctv camera sa kwarto ng salarin. Nag-iwan din ako ng sulat..
Nakita ko kung paanong namutla ang ganid, sa kayang kwarto may tinawagan siyang isang tao.
Matapos niyang tumawag, binasa niya ang sulat. Napamura siya ng malakas at kitang-kita ko ang pagkadismaya't galit sa mukha niya.
Sa puntong iyon, nakaramdam ako ng katuwaan! Anumang oras maghaharap na kami ng ganid!
**
agdating ko sa tinutuluyan ko, agad kong sinet-up ang laptop. Lahat ng galaw ng ganid namomonitor ko.
Magbubukang liwayway palang ng abilis na gumayak ang salarin. Nakita kong dala niya rin ang sulat.
"6 NG UMAGA, PUMUNTA KA SA ITAAS NG BUROL SA LIKOD NG SIMBAHAN! 'WAG KANG TUMAWAG SA PULIS O HUMINGI NG TULONG SA KAHIT NA SINONG KILALA MO! ITIKOM MO ANG BIBIG MO KUNG AYAW MONG PASABUGIN KO ANG BAHAY MO! TANDAAN MO, 6 NG UMAGA! IKAW LANG MAG-ISA!"
"DAMN! This is not real!" sigaw ng ganid habang naglalakad palabas ng bahay.
Maya-maya..mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan.
**
Malapit na ang ganid, inihinto niya ang sasakyan nya sa may gilid ng lumang simbahan.
Pagkalipas ng ilang minute sumabog ito. Mabilis naman siyang tumakbo palayo.
Nagsisigaw siya. Galit na galit at waring papatay anumang oras. "Lumabas kang demonyo ka! "Wag kang parang duwag na nagtatago sa 'yong lunggaan. Harapin mo ako!"
Tinawagan ko siya. "Teka, teka galit ka naba? Magtigil ka, hindi ako ang demonyo, IKAW! Ikaw ang demonyo, at ngayong araw puputulin ko ang sungay mo!" sabi ko na punong-puno ng poot.
"Wag ng maraming pang satsat, magpakita ka nalang!" sagot naman nito na mukhang naiinis na.
Paikot-ikot siya sa kanyang kinalalagyan habang hawak ang baril niya.
Ilang minuto ang lumipas, nagpakita na ako.
Lumapit ako, "sino ngayon ang demonyo?" sabi ko. Namutla bigla ang ganid, at tila hindi siya makagalaw.
Tumawa lang ito ng malakas. "Hahahaha! Ikaw pala 'yan mahal kong inaanak! Kamusta na?"
"I-inaanak?" taka kong tanong.
"Clarissa Del Monte, ang nag-iisang nakaligtas sa Del Monte Massacre."
"N-ninong Bernard? P-paanong--" di ako makapagsalita sa sobrang pagkagulat.
Agad itong may tinanggal na kung ano sa kanyang mukha. Ilang Segundo lang, nagbago ang kanyang mukha na parang may dalawang magkaibang katauhan.
Lahat ng pangyayari'y muling bumalik sa'king isipan. Nanghina ako. Di ako makapaniwala.
Unti-unti saking lumapit ang ganid kong ninong. "Nagtataka kaba? Oo, demonyo ang kaharap mo!"
Napaatras ako, "HINDI!!!!!!! Alam kong mabait ka ninong! Hindi ba't tinulungan mo akong bumangon? Inalagaan mo ako!" sigaw ko habang umiiyak.
"Nagkakamali ka bata! Hindi ako mabait gaya ng akala mo!'
"K-kung gayon, paano at bakit nyo pinaslang ang pamilya ko?"
"Hindi mo nanaising marinig. Mabuti pang manatili itong lihim."
"Sabihin muna ninong, kung hindi papatayin kita!" pinaputukan ko siya sa may paa pero agad naman siyang nakaiwas.
Nagsimula siyang tumakbo at nagtago sa kakahuyan.
"Lumabas ka ninong! Ipagtapat mo na ang lahat!" sigaw ko habang hinahabol siya.
**
Marami akong itinanim na bomba sa paligid. Isa-isa ko yon pinasabog.
Naupo ako sa gilid ng isang puno habang umiiyak.
Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit, bigla akong naalerto at napatayo. "Si nong!"
"Alam mo bang napakasama ng magulang mo!..."
Di ako nagsalita at hinayaan ko lang siyang makalapit.
"Buntis noon ang asawa ko at wala akong pera. May sakit siya at manganganak na. Humingi ako ng tulong sa iyong Ama ngunit tumanggi siya. Nilapitan ko rin ang Doktora ngunit inuna niya ang ibang pasyente pagka't wala raw akong pera!"
"Ilang taon akong nagsilbi at nagging tapat sa'yong pamilya pero ni konting tulong wala akong natanggap! Makalipas ang ilang araw, namatay ang mag-ina ko."
"Nagtanim ako ng galit! Lubha akong nagdamdam at napoot sa'yong pamilya. Kaya naman ninais ko makapaghiganti!"
"Namasukan ako sa isang pulitikong kalaban ng Ama mo. Malupit ang pulitiko at kanyang asawa, isang araw di ako nakapagpigil..pinaslang ko siya at ang pamilya niya."
"Ginamit ko ang katauhan niya at kayaman upang maghiganti sa'yong pamilya!"
Tumigil ito sa pagsasalita at bigla nalang tumawa.
"Isa kang demonyo ninong!!!!!!!! Napakasama mo! Mapupunta ka sa impyerno!"
"Tama ng satsat bata, matagal ng sinusunog ang kaluluwa ko sa impyerno at isasama kita!"
**
Parehas na kaming nanghihina at duguan sanhi ng sunod-sunod na pagsabog. Pagod narin kami sa ilang oras na paghahabulan sa kakahuyan.
Sa isang iglap binaril ko siya sa ulo. Naalala ko ang dahilan ng lahat. Hindi ako naniwalang ginawa iyon ng mga magulang ko. Alam ko nagsisinungaling siya.
Unti-unti akong tumayo, dipa ko nakakalayo ng may biglang bumaril. Sumirit ang dugo saking katawan dahil natamaan ako.
"Kinalimutan ko ang payak kong buhay. Nagsanay ako upang pumatay, ngunit nag lahat pala'y wala ring saysay." Tangi kong nasambit bago magdilim ang aking paningin at tuluyan na akong mawalan ng malay.
Habang pumipikit ako, nakita ko sila Papa, Mama at Ate na nakangiti at waring inaantay ako..
~~***~~
Thanks! Sana po magustuhan niyo siya..

One Shot Story Contest 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon