Entry #10: "I HATE YOU BUT I LOVE YOU"

120 6 5
                                    

Written by: ROBERTSUICO

(Episode 1)
Minsan kelangan mo masaktan para malaman mong hindi ka manhid.
"Sometimes it hurts more , nang masabihan ka ng i love you lalo na kapag alam mong hindi naman ito totoo"
"Minsan ang puso kailangan munang mabasag para malaman kung sino o ano ba talaga ang nilalaman nito"
Naisip ko! Maari pala natin ikumpara ang buhay natin sa Pagtae.
Na kahit minsan sobrang sakit na, na kahit minsan na sobrang hirap na, at kahit minsan na nanaiisip mo na na hindi mo na kaya.. hindi pa rin natin nakakalimutang ngumite kapag umiire .
HUWAG MO HANAPIN ANG TAONG MAKAKAINTINDI SAYO ! HANAPIN MO YUNG TAONG IINTINDIHIN MO.
Kung nasira ang sasakyang sinasakyan mo. At wala na itong pag-asang muling umandar pa. Pwede ka namang maglakad para makarating sa kabilang dako na kung saan may taong naghihintay sayo
Sinusubukan ko na nga mag MOVE-ON. Napansin ko Nagmomove nga ako pero pabalik naman sa kanya. DAMN!!
Mahirap hanapin ang mga bagay na wala ka, Pero mas mahirap hanapin ang mga bagay na meron ka pero winala mo!!
The more ko siyang kinakalimutan the more ko siyang naalala. Sa mga sandaling niloloko ko ang sarili kong hindi ko na siya mahal, Lalo ko lang napapatunayan na mahal na mahal ko siya.Lungkot at sobrang paghihirap ang nararamdaman ko sa tuwing nangungulila ako sa kanya kapag umaga. Tapos sa gabi, takot naman ang nangingibabaw na baka bukas pagkagising ko, Mas mahirap na pangungulila ang mararanasan ko.
"nagbabakasakali na sana muli siyang magbalik. Natigil ang lahat ng napansin ko na ang taong pinaglalaban ko at ang taong kinakalaban ko ay iisa lang."
Habang naglalakad ako patungo sa Campus University Hindi ko maiwasan pagmasdan ang babaeng matagal ko ng pinapangarap, alam ko malabo na maging kami pero masama bang mangarap lalo na kung siya ang pangarap. Libre naman mangarap diba???
" Excuse me!"sabi ng malambing niyang boses.
hindi muna ako sumagot bagkus pinagmasdan ko Lang ang mala anghel niyang mukha.
Maya-maya pa "Bakit?" Sabi ko sa kanya ng nakangiti at nakatingin parin sa mga mukha niyang mala anghel.
"Anong bakit nakaharang ka kaya"
Agad bumalik yung katinuan ko, tinignan ko yung lugar nasa classroom na pala ako at nakaharang sa pinto.
"Sorry" sabi ko.
pumasok na ako at umupo sa pinakadulo, pagkaupo ko tinignan ko kung saan na si shila at yun ay nasa covered court na siya, may kasama pala siyang babae si Kristyl kaklase din namin. Tanaw ko kasi sila mula dito sa classroom dahil sa open na bintana pinagmasdan ko Lang sila at kitang-kita na napakasaya nila Hindi ko alam kung bakit sila tumatawa. Basta tinitignan ko Lang siya "ang ganda" tanging nasabi ko Lang.
"Tol!"
Nagulat ako ng may sumigaw kaya napatingin ako sino yung sumigaw at yun ay walang iba kundi ang kaibigan kong si James.
"Bakit tol?" Sabi ko sa kanya. Tinignan ko Lang siya sandali at agad ko naman ibinalik ang pagsulyap ko kay shila.
"Ang ganda!"muli kong sabi habang nakatanaw kina shila.
" Sino?"
Nabigla ako ng nagsalita si James napalakas ko pala yung boses ko.
"A-ah si shila Gadiano ang ganda tlaga niya" sabi ko kay James.
"Type mo?"
"Sino ba naman hindi magkaka crush sa kanya ang ganda kaya niya"diretsahan Kong sabi
"Wala kanang pag-asa dun mayaman yun mahirap ka Lang"
Mahirap man tanggapin pero tama siya mahirap Lang ako at Hindi kami bagay.
" Ano ba ginagawa mo dito diba sa kabilang section ka?"sabi ko
"Sasabihin ko Lang Sayo na may practice tayo sa soccer tsaka wala kanang pagasa dun liligawan ko na siya! ahaha"
Loko yun ha makasigaw napakalakas tinitignan na nga siya ng mga classmates ko eh kaya ayun tumakbo naman siya palabas ng room.
------
Tapos na pala ang klase namin ngayon at ito tambay Lang sa rooftop ng library meron pa kasing 40minutes break.. kaya napagpasyahan ko muna na dito muna ako tumambay kasi napaka tahimik presko ang hangin at higit sa lahat ako Lang mag-isa.
Pag nalulungkot ako o kapag wala akong magawa dito ako namamalagi dahil nga sa tahimik at walang esturbo...
Nakahiga ako ngayon dito sa sofa ng rooftop at pilit kong pinipikit ang aking mata.
"Shila!" - sabi ko kay shila na nasa harapan ko
"Ano yun justin?"
"May sasabihin ako sayo gusto kita matagal na"diretsahan kong sabi hindi ako nagpakatorpe.
"Bakit ngayon mo lang sinabi gusto din kita at mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon"
Hindi ako makapaniwala dahil sa sinabi niya, agad ko hinawakan ang balikat niya at sabay nilalapit ang mukha sa kanya, hanggang sa nagdampi ang aming mga labi, ilang oras ang lumipas ay nanatili kami na ganun ang posisyon, bawat oras ay nagkadampi lang ang aming mga labi hanggang sa may nagsalita.
"Ano gagawin natin dito?" sabi ng isang pamilyar na boses..
Nagising ako dahil dun sa boses, nakatulog pala ako at lahat ng yun ay panaginip lang parang ayaw ko ng bumangon parang gusto ko ipagpatuloy ang naudlot pero kailangan bumangon eh.
Tumayo ako at hinanap Kong sino ang nagsalita kaya pala pamilyar na boses kasi siya si shila kasama si Kristyl.
"Tambay lang tayo dito may 10 minutes pa kasi eh"kristyl
Agad ko naman sila nilapitan at halata sa mukha nila ang pagkagulat.
"Justin!?"-shila & Kristyl
Napangiti nalang ako ng makita ko si shila parang bumalik muli ang aking ngiti gaya ng hinalikan ako sa panaginip.
"Nandito ka pala?" Sabi ni shila sa akin ng nakangiti ang ganda talaga niya para talaga siyang anghel.
"Pwde ba kitang makausap nang Tayo Lang"sagot ko sa kanya.
Nakita ko naman si shila na sinenyasan si Kristyl na umalis na.
" OK sige na nga kainis"sabi ni kristyl na nagmamaktol siya ka umalis.
Naiwan nalang kaming dalawa nakatayo sa rooftop.
"Ano ba sasabihin mo?" Pagtataka niya. Gusto ko na kasi magtapat sa kanya ayaw ko ng maging torpe..
"Matagal ko na dapat itong sinabi sayo pero wala akong lakas na harapin ka" sabi ko sa kanya ng nakatingin ng seryoso sa mata niya.
" Ano"
"Gusto kita matagal na" diretsahan kong sabi at tsaka bigla ako napayuko ng sabihin ko yun.
"I HATE YOU!"
Parang nakaramdam ako ng sakit at parang dinurog yung puso ko sa sinabi niya.. tama nga si James baka Hindi kami bagay. Langit siya lupa lang ako.
Ngitian ko lang siya na kunwari Hindi nasasaktan..
"Aalis na ako sorry"sabi ko sa kanya.
Pinigilan ko yung mga luha ko na ayaw pumatak dahil baka makita lang ni shila, ayaw ko makita niya na nasasaktan ako.
" Bat ka aalis tsaka bat ka nagsosorry Hindi mo ba ako tatapusin magsalita"
Hindi na ako sumagot bagkus umupo ulit ako at nakayuko.
"I HATE YOU BUT I LOVE YOU"
Napaangat ang ulo ko ng marinig ko siyang nagsalita muli ako nakaramdam ng pagasa parang bumalik yung sigla ko.
"Mahal mo ko?"sabi ko sa kanya na abot tengang ngiti.
"Oo matagal na ikaw kasi eh napaka torpe"
Nilapitan ko siya at niyakap sabay bulong ng katagang "I LOVE YOU"
bumulong din siya at sabay sabi din ng katagang "I LOVE YOU TOO".
Magkayakap lang kami ngayon. Hanggang sa nag bell sinyales na para pumasok sa next class..
Ayaw ko siyang bitawan pero kailangan gusto ko yung buong araw kami magyakapan Hindi ako makapaniwala sa naradamdaman ko yung taong pangarap ko ngayon girlfriend ko na at pag-aari ko na, hindi ako makapaniwala pero nangyari na, yung hanggang tingin lang dati ngayon kapiling ko na.
"Tara na baka malate pa tayo"
Hindi ako sumagot bagkus muli ko siyang niyakap at sabay sabing "SALAMAT".
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako.
" Salamat?"
"Salamat kasi minahal mo ako kahit na mahirap lang ako, pero pinapangako ko sayo mamahalin kita at araw-araw kitang ligawan." Sabi ko.
Mas Hindi ako makapaniwala sa aking nararamdaman ng hinalikan niya ako sa labi. Parang nanalo ako sa lotto kumbaga jackpot..
"Tara"
Magkahawak kamay kaming bumalik sa room..
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari.
Yung impossible naging possible..
napatunayan ko talaga na masarap mainlove kung nahanap muna yung taong para sayo...
NEXT: YOUR LOVE (Episode 2)
(6:30am)
Maaga akong nagising dahil ngayon ang aming first day of school, excited na ako pumasok sa school smile emoticon nagaaral pala ako sa EWA o East West Academy.
BTW I'm Christina Pierra Reyes, 19 years old. I'm second year college and taking up bachelor of science in business administration major in marketing, ayaw ko talaga ng business Ad kaso yung daddy ko kasi pinipilit ako kumuha nun para daw pagnakatapos ako, eh di ako na daw ang mamahala ng aming Toy Company, wala naman ako magagawa diba edi pumayag nalang ako squint emoticon psh.
Kumuha na ako ng towel sa aking kabinet at pagkakuha ko mabilis ako pumasok sa rest room upang makaligo na.
"Sh*t wala palang shampoo"- yun lang ang nasabi ko ng walang lumalabas na laman sa shampoo bottle, nakalimutan ko kasi bumili eh, sige na nga ano ngayon kung walang shampoo squint emoticon
After 10 minutes and 50 seconds, naks! Nabilang ko talaga. Basta mabilis lang naman ako natapos eh, lumabas na ako ng rest room ng nakabihis na, nasanay na kasi ako na dun ako nagbibihis nagdadala lang ako ng damit ko.
*tok tok tok*
Tatlong beses ko narinig ang pagkatok ng pinto ng kwarto ko, kaya mabilis akong pumunta sa pinto at binuksan ito ng bahagya.
"Oh bakit?"- asar kung sabi ng makita ko si kuya, eh kasi naman nakakainis kasi siya lagi nalang niya ako inaasar nakakatampo na *pout*
"Bilisan mo muna dyan at aalis na ako!"
"Sige mauna ka nalang"- sabi ko sabay sarado ng pinto, bastusan lang hehehe.
"HOY! CHRISTINA PIERRA REYES! Iiwan na kita"
"Okay po!"- sigaw ko, ayaw ko sumabay sa kanya baka kasi aasarin na naman ako *pout*, huwag niyo ng alamin kung bakit ako inaasar may oras tayo jan.
-----
Nandito na ako sa harap ng gate ng EAST WEST ACADEMY, sa gate palang makikita muna ang mala palasyong gate. Pumasok na ako sa loob, Academy ba talaga ito o Mansion ang gara kasi makikita muna kasi yung mga puno nakatanim sa gilid ng daan kaya hindi ka maiinitan sa paglalakad dahil sa mga punong ito.
"Babe!"- napalingon ako agad ng may biglang sumigaw at saktong natanaw ko si Christian na kumakaway sa akin.
"Babe!?"- Hindi ko mapaniwalang sabi kasi naman eh, nasa states siya tapos nung tumawag siya sa akin sabi niya next week daw siya babalik dito sa pinas. Tapos ngayon pala di man lang sinabi edi sana sinaundo ko siya sa airport T_T.
*FLASHBACKS *
( ITO YUNG FLASHBACK KUNG PAANO SILA NAGKAKILALA )
- 3rd person P.O.V -
Note: first year pa sila nun
Naglalakad si Christina papunta sa library ng akademya habang yakap-yakap ang kanyang bag, habang naglalakad siya sa ground ng academy hindi niya napansin ang isang soccer ball na lumilipad papunta sa kanyang kinaroroonan.
"Miss!"- napatingin siya agad sa kanyang likuran upang makita niya ang tumawag sa kanya.
Pero sa minalas-malasan ay sa paglingon niya saktong tumama ang bola sa kanyang mukha, na sanhi ng kanyang pagtumba at tumama pa sa pwet niya ang bato, na para dahilan ng kanyang pagdaing "aray ko!" .
Agad napatakbo ang isang lalaking sumigaw kanina, pinaparamdaman ni Christina ang paligid, puro tawanan at masasakit na salita ang kanyang naririnig, upang dahilan ng kanyang pagpatak ng kanyang masaganang mga luha.
Naririnig niya ang paang tumatakbo papunta sa kanyang kinaroroonan, ayaw niya tignan kung sino dahil ayaw niya makita ang mga taong tumatawa na para bang may nakikitang komedyante, napayuko na lamang siya habang pinupusan ang mga patak ng luha na dumadaloy sa kanyang matambok nitong pisnge.
"Miss okay ka lang?"- sabi ng lalaki ng makarating kay christina.
Pero hindi niya ito pinansin bagkus nakaupo parin ito habang ang mukha nito nilagay sa tuhod nito ( gets niyo kung wala edi huwag niyo ng alamin )
"Miss samahan na kita sa clinic may masakit ba sayo?"- pagalala ng lalaki sa kanya, unti-unti niya tinitignan kung sino ang nagsasalitang lalaki mula sa paa nito hanggang makarating sa mukha.
Si CHRISTIAN ZINN SCOTTISH ang sikat na soccer player ng kanilang campus, at varsity din sa larangan ng basketball, ang kanyang nagiisang ULTIMATE CRUSH.
"miss okay ka lang?"- sabi ulit ni Christian habang tinutulongan itong tumayo.
Hindi siya sumagot bagkus tumango lang ito habang hindi inaalis ang tingin nito sa mukha, nakaramdam si Christina ng pagibig para bang wala siyang nakikitang ibang tao tanging sila lang dalawa, may mga hugis puso ang nagliliparin dito, tumigil ang paggalaw ng mundo na para bang senyales na LOVE IN FIRST SIGHT Hindi niya mawari ang saya ng makita ang kanyang crush.
"Hoy!!! Miss!"- natauhan lang siya ng sumigaw ulit si Christian.
"Huh? Bakit?anong nangyari?"- sabi niya na may halong pagtataka, madami na rin kasing mga estudanteng nakalibot sa kanila inshort napagitnahan sila.
"Kasi miss natamaan ka sa bola, itatanong ko lang sana kung may masakit ba sayo?"
"Ah eh wala ayus na ako sige salamat"- sagot ni Christina sabay umalis ng dire-diretso, naiwan naman si Christian ng nakatayo at mag isa.
Aalis narin sana si christian para makabalik sa team niya ng may natapakan siya, agad niya itong tinignan at nakita niya ang bag ng babaeng natamaan ng bola, mabilis niya itong kinuha at sabay bumalik sa kanyang mga kateam mate.
-----
Nang makarating si Christina, sa library dun niya lang naalala na naiwan pala ang bag niya.
"Bag ko?"- sabi niya sabay lumakad pabalik sana sa ground para makuha ang bag, pero hindi na pala kaylangan.
"Ito ba hinahanap mo?"- sabi ng lalaki habang niyuyugyog ang bag pataas.
"Salamat pero kukunin ko na"
"Opps! Bawal!"
"At bakit naman akin naman yan!"
"Yes sayo nga ito pero ibabalik ko sayo ito sa isang kundisyon!"
"Ano!?"
"Magdadate tayo!"
"Ano!? "
"Choosy kapa! Ikaw na nga yung niyaya ko"
"Okay fine! Sunduin moko"
"Ano!?"
"Bakit ayaw mo? Ang lalaki naman talaga ang sumusundo sa babae eh *pout*"
"Kung Hindi lang talaga..."
"Kung Hindi lang ano?"
"Wala sige na fine susunduin kita!"
"5:30pm pagkatapos ng klase ko, sa room ng mga business Ad second year "
"OK smile emoticon"
"Anong ngiti-ngiti mo dyan? May binabalak ka noh!"
"Wala, ito na bag mo catch!"
"Hoy! Loko ka paano kung diko nasalo!"
"Ano ngayon wala naman yan mababasag"
"Anong wala! Nandito cellphone ko!"
"Huh? Sige kita nalang tayo mamaya bye!"
"Hey sanda---"- di na tuloy sasabihin ni Christina dahil agad nalang ito tumakbo.
Agad naman niya binuksan ang bag niya para makuha ang cellphone niya, pero pagkakita niya sa cellphone niya nagulat siya dahil basag basag na ang salamin ng kanyang iPhone5s
"Lagot ka sa akin mamaya!"- sigaw niya nito.
------
Mabilis natapos ang last subject niya, kaya agad siyang lumabas ng classroom, pero paglabas niya madaming mga estudyante ang kanyang nakikita, na kumpol kumpol sa daan, na halos mga at karamihan ay mga babae.
"Ayyieee!"- kanyang naririnig mula sa mga taong nakikiusyoso ng papalapit sa kanya ang kanyang ultimate crush.
"Let's go!"- sabi ni Christian sabay lahad ng kamay nito, tumango lang si Christina bagkus nagpatuloy lang ito sa paglalakad at sabay tanggap ng kamay ni Christian, inshort magkahawak sila ng kamay, habang naglalakad patungo sa gate ng academy.
-------
(5:30pm)
Nandito na sila ngayon sa mall, magkahawak kamay padin habang tinutungo ang timezone.
"Sigurado kaba talagang di kapa nagugutom?"
"Hindi pa nga Christian ang kulit mo! Busog pa ako!"
"Okay huwag ka naman magagalit smile emoticon" " alam ko na maglalaro nalang tayo sa timezone kiki emoticon"
Pagdating nga nila sa timezone, agad bumili ng card si Christian at mabilis pumunta sa (hindi ko alam pangalan kiki emoticon basta yung pwede kang kumuha ng teddy bear tapos ihuhulog mo sa butas para makuha mo talaga yung teddy bear ^_^)
"Pili ka jan saan kukunin ko para sayo?"
"Talaga kaya mo?"
"Oo ako pa smile emoticon"
"Okay sige yung Mickey mouse na may hawak na puso"
"Sige watch and learn"
Isa
Dalawa
Tatlo
Tatlong subok na si christian pero di parin niya ito nakuha, si christina naman panay tawa lang.
"Hahahaha"
"Huwag ka nga tumawa! Kitam mong hirap na ako dito"
"Hahaha yabang mo kasi eh, pwede makisubok!"
"Huwag na di ka naman marunong sayang lang yung points"
"Isang subok lang naman eh *pout*"
"Okay fine! Ito oh"
"Galit ka?"
"Hindi bilisan mo nalang jan, di ka naman makakakuha eh!"
Nagsimula na nga maglaro si Christina, Hindi niya talaga makuha si mickey mouse, concentrated siya, kabado at hinihiling na huwag mahulog huwag mahulog habang nakapikit pero sa utak niya lang sinabi yung hiling niya.
1
2
3
4
5
Limang Segundo bago siya pumikit at pagtingin niya wala na sa loob ang mickey mouse.
"Nakuha ko?"
"Tignan mo nalang dyan!"
Agad naman niya tinignan yung butas at nandun nga ang mickey mouse kaya mabilis niya itong kinuha at sabay talon talon dahil sa saya.
"Waaahh!!! Nakuha ko yehey!"
"Ano ngayon?"
"Bat ba ang sungit mo?"
"Nakakainis kasi eh! Nung ako ayaw makuha tapos sayo baka may favoritism yang daga na yan!"
"Huwag ka ng bitter dyan, ako sayo kumanta kana lang"
"Ayaw ko nga kakahiya daming tao"
"Please naman *pout*"
"Okay fine! Haist squint emoticon"
Agad pumunta sa mini stage ng timezone si Christian at sabay may pinindot sa videoke, at biglang tumugtog ang kantang favorite ko ang your love.
"Itong kantang ito ay para sa taong gusto ko, ilang oras lang kami nagkakilala pero nahulog na ako sa kanya, dahil ang bait niya, CHRISTINA PIERRA REYES para sayo ito smile emoticon"
*ayiiieeee*
Nagsimula na siyang kumanta,
♪♪♪ YOUR LOVE BY: ALAMID ♪♪♪
You're the one that never lets me sleep
To my mind, down to my soul you touch my lips
You're the one the I can't wait to see
With you here by my side in ecstasy
I am all alone without you
My days are dark without glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see
Chorus:
Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I fell chill inside
Habang pinibigkas ang chorus ng kanta Kay Christina lang siya nakatingin.
Everytime I hear our music
Reminds me of the things that we've been through
In my mind I can't believe it's true
But in my heart the reality is you
I am all alone without you
My days are dark without glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see
Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I fell chill inside ♪♪♪
Christina I love you and I like you!
*ayieeee*- sigaw ng mga taong nakikiusyuso
*ang sweet naman nila*
Pagkatapos kumanta ni Christian agad siyang bumaba sa mini stage at nilapitan si Christina agad sila magkayakapan.
"I Like you! Can I court you?"- sabi ni Christian habang magkayakap sila.
"I like you too, oo naman"- sagot ni Christina habang magkayakap parin sila.
Agad bumitaw si Christian sa pagkayakap at magkaharap na sila sa isat-isa.
"Your love is like a sun that lights up my whole world."- Christian
"Your love is like the river
That flows down through my veins"- Christina
"I fell chill inside"- both in chorus
Pagkatapos nilang Sabay magduet agad sila nagkayapan muli, at muling bumitaw sa pagkayakap at sunod unti-unti nilang nilalapit ang kanilang mga mukha sa isat-isa, saksi ang madaming tao, sa kanilang paghahalikan na siyang ikinagulat ng lahat at siyang kinilig naman ng iba. Pagkatapos agad na silang lumabas ng timezone ng magkahawak kamay.
------
After 4 months
Magkasama sila ngayon nakaupo sa damuhan ng academy sa bermuda grass magkayakap sila habang nakaupo at tanaw nila ang magandang tanawin ng kanilang academy.
"Babe may sasabihin ako sayo"- Christian
"Ano iyon babe?"
"Aalis kasi ako pupunta ako sa state"- Christian
"Huh? Kailan alis mo?"
"Bukas na, dun ko itutuloy ang first year ko. Pero dont worry araw-araw kitang tatawagan, itetext at sa pagbabalik ko hindi na kita iiwan"- Christian
"Bat ngayon ka lang nagsabi? *crying*"
"Huwag ka ng umiiyak, pinapangako ko sayo ikaw lang ang mamahalin ko. Basta ipangako mo rin na hihintayin mo ako"- Christian
"Oo babe, maghihintay ako Sayo asahan mo yan"
"Stop crying na"- Sabi ni Christian sabay pahid ng mga luha ni Christina.
KINABUKASAN nasa airport na sila habang naghihintay ng flight ni Christian, maya-maya pa umalis na siya at umuwi na din si Christina.
*END OF FLASHBACK *
"Babe!"- sigaw ko habang tumatakbo papunta kay Christian at mabilis sinalubong ako ng mahigpit na yakap, namiss ko siya halos isang taon kami Hindi nagkikita eh, dahil sa saya ko tumulo nalang biglang ang aking mga masaganang luha.
"*sob* kainis ka di mo man lang ako sinabihan edi sana sinundo kita sa airport *sob*"- sabi ko
"Babe, huwag ka ng umiiyak gusto lang naman kita e surprise eh"
"Babe I love you *sob*"
"I love you I love you babe"
Then agad kaming naghalikan, nagdampi ang aming mga labi sa isat-isa, thankful ako kasi mahal namin ang isat-isa at masasabi ko talaga na forever kami magmamahalan kiki emoticon...
"I LOVE YOU CHRISTINA PIERRA REYES!!!"
"I LOVE YOU TOO CHRISTIAN ZINN SCOTTISH!!!"
♪♪♪ YOUR LOVE BY: ALAMID ♪♪♪
You're the one that never lets me sleep
To my mind, down to my soul you touch my lips
You're the one the I can't wait to see
With you here by my side in ecstasy
I am all alone without you
My days are dark without glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see
Chorus:
Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I fell chill inside
Everytime I hear our music
Reminds me of the things that we've been through
In my mind I can't believe it's true
But in my heart the reality is you
I am all alone without you
My days are dark without glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see
Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I fell chill inside ♪♪♪
*** THE END ***

One Shot Story Contest 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon