Chapter 9: Shared Moments

6 2 0
                                    

Sa katahimikan ng gabi, mabilis na itinago ni Lia ang sarili sa matataas na damuhan, matamang pinagmamasdan ang isang pigura na dahan-dahang umuusad papunta sa kubo kung saan sila tinutuluyan. Walang pag-aalinlangan, tumalon si Lia at hinarang ang pigura bago ito makalapit. Nang makita siya, itinaas nito ang isang sandata bilang depensa, na nakahanda sa paghampas. Ngunit mabilis na umiwas si Lia sa pagwasiwas nito at mabilis na hinawakan ang gilid ng kanyang kutsilyo sa lalamunan ng pigura.

"Who are you?" she asked the stranger.

"It's Ethan."

A brief silence followed. Slowly, the blade lifted from his neck. Lia, who exhaled deeply, looked both relieved and embarrassed. "Ethan, I'm sorry," sabi niya sabay baba ng kutsilyo. "Akala ko kalaban ka."

Huminga ng malalim si Ethan, kinakabahang ibinaba ang kanyang sandata. "Walang problema. Better safe than sorry."

Ibinalik ni Lia ang kanyang kutsilyo sa gilid ng kanyang beywang, sa sheath nito. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ni Lia. "Paggising ko wala ka kaya agad kitang hinanap. Akala ko may nangyari na sayo."

Hindi maitago ni Ethan ang kasiyahan ng marinig na nag-aalala si Lia, ngunit mabilis din nawala ang ngiti niya ng maalala kung bakit siya lumabas ng kubo. "I saw someone. Someone's out there."

"Sino? Sino nakita mo?" Her eyes were wide with fear as she scanned the darkness around them.

"Di ko alam," Ethan admitted, shaking his head.

Bahagyang nabawasan ang tensyon ni Lia. "Let's go back inside," she suggested.

"Okay," sagot ni Ethan, ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya dahil sa engkwentro niya kay Lia.

Nakatitig si Ethan kay Lia na nasa kanyang unahan habang naglalakad pabalik sa kubo. Ilang sandali pa ay narating nila iyon at mabilis na pumasok sa loob. Naupo sa silyang kahoy si Lia at nakatayo naman si Ethan sa kabilang bahagi ng lamesa.

"Paano mo nagawa 'yon?" tanong ni Ethan, his voice low and tense. Sumulyap si Lia sa kanya. "Sabihin mo nga, dati ka bang basagulero? Hindi man lang kita napansin kahit maliwanag ang buwan. Para kang camellon!"

"Silly!" Lia smirked. "I'm simply used to blending in."

Naupo si Ethan sa kabilang silya sa harapan ni Lia. "Mag-usap tayo para hindi tayo matakot."

"Hindi ako takot."

"Ikaw hindi, paano ako?"

"Natakot ba talaga kita kanina?" sumulyap si Lia sa leeg ni Ethan, may bakas ng dugo doon na posibleng dahil sa paglapat ng kanyang army knife. Bigla siyang nakaramdam ng guilt. "I'm sorry, sa ganitong sitwasyon dapat high alert ang lahat ng senses mo. Mabuti na lang ako ang nakakita sayo, what if ang kalaban?"

Ethan nodded, grateful for her. "Pero mas nakakatakot ka sa mga kalaban natin. Kung hindi ako nagpakilala baka magkahiwalay na ang ulo at katawan ko."

Lia chuckled. "Yeah, may tendency na tuluyan kita kung di ka nagsalita."

Napahawak sa kanyang leeg si Ethan. "Kakaiba ka talaga. Ang galing mo lumangoy tapos ang resourceful mo pa at hindi lang 'yan, parang wala kang kinatatakutan."

"Tao din ako, syempre may kinatatakutan din ako." sabi ni Lia. 'Takot akong maiwan mag-isa.'

"Huwag mo sabihin na lahat ng iyon natutunan mo sa pagiging girl scout?" hirit ni Ethan. "Hindi ako maniniwala. Sa palagay ko sanay ka sa ganitong sitwasyon dahil part ng kabataan mo or maybe trabaho mo."

"Tama ka." sabi ni Lia saka sumulyap kay Ethan. "Isa akong sundalo, an army officer."

"Army? Seryoso?" gulat na tanong ni Ethan. "Opisyal ka din? General? Captain? Anong ranggo mo?"

HERS TO PROTECT - TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon