TBD 8

110 4 0
                                    

-Kath's POV--

Kasalukuyan kaming andito sa Gym dahil pinatawag kami,sasabihin na kasi yung ibang details about dun sa contest.Mga 4 pairs ang nandito, 1 represtative per year at kami nga ang napili nung walang kwentang lalaki na yun para magrepresent ng 4th.Nakakainis kasi,nang aasar pa, ako pa talaga ang pinili akala ko pa naman nag bago na. Aissssh!!

"Okay! Good Morning!"sabi sabin nung magtuturo ata, mukha naman siyang mabait, actually mukha ngang mga 20's lang eh

"Good Morning!"sagot naman namin

"I'm Ms. Gonazales at ako ang magtuturo sa inyo ng mga gagawin"sabi niya

"Okay,ito ang arrangement ng program.1st siyempre magpapakilala kayo tapos 2nd, talent portion, then last Q&A.Habang nagfafinalize ng magiging winner, magp-play muna ang banda nila mr. Padilla. Tapos announcing of winner na! Any Questions?"tanong samin

"No mam!"sabay sabay naman naming sagot

"sige,iwan ko muna kayo at mag-usap na kayo ng partner nyo kung anong gagawin niyo sa talent portion"sabi samin ng teacher namin at umalis na.Yung iba nagsisimula ng magplano.Ako naman,ito nakaupo lang.Kung pwede lang kasi talaga magback-out ng walang dahilan matagal ko ng ginawa,kailangan kasi may valid reason ka talaga bago kanila payagan.Tss.Kundi dahil kasi sa asungot na yun di naman ako mapapasali dito eh! Nakakabwiset talaga siya!!!! -___________-

"Huy!"

"Ay unggoy!"sabi ko ng napatalon ng konti, kasi naman sumusulpot ng kung san san eh! magugulatin pa naman ako

"Ako unggoy? baka gwapong unggoy!"sabi niya sabay tabi sakin, ako naman lumayo ng onti, ayoko kayang madikit diyan.Ewwww

"Tss"ako

"Huy!"tawag niya ulit saakin with matching kalabit pa

"Bakit ba?!"tanong ko sakanya ng hindi parin tumitingin,naiinis kasi ako sa pagmumukha niya

"wala ka bang balak magumpisa?"nagtatanong ako sagot niya sakin tanong din.Tss

"wala"diretso kong sagot.wala pa talaga akong balak magumpisa, ni hindi ko pa nga maimagine na mag-gaganito ako eh. Huhuhuhu T.T wala kaya akong talent.

"Pwes,ako meron na!"sagot niya

"Edi,mag um--"

"shhhhhh"sabay lagay niya ng index finger niya sa labi ko.

*DUB* *DUB* DUB* 

teka! Anong meron?Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?wala to!WALA!Hindi pwede!Siguro kaba lang to dahil sa maaring gawin namin.Yun lang yun! Wala ng iba!

Nabalik lang ako sa sarili ko ng bigla niya akong inalog

"Okay ka lang?"tanong niya. umirap lang ako

"Oh! may nahanap na akong kanta"ano kanta?! kakanta kami?

"Kanta?Kakanta tayo?!"ako

"Hindi sasayaw tayo,sasayaw"-_____-

"Hindi,Hindi ako marunong kumanta! Ayoko nun!"ako

"Edi tuturuan kita,kaya may practice diba?"sabi niya

"Aisssh!Ayoko,ayoko kumanta!"ayoko talaga >.<

"Eto naman! eto oh! May naisip  na nga akong kanta eh"sabi niya

"Ano?"mahina pero may inis ko paring sabi

"You make me smile"pagkasabi niya yun,bigla akong napatingin sakanya,Nakita ko naman siyang nakatingin sa mga mata ko at nakabingiti,di ko namanlayan na nagkakatitigan na pala kami.

*DUB* *DUB* *DUB*

parang yung inis ko kanina,bigla nalang nawala.Parang kanina lang ganitong ganito rin yung nararamdaman ko ah! Ewan,siguro kaba lang ulit to,kasi nga diba,di ako marunong kumanta?Ewan ko ba! ng ma-realize ko kung gaano na pala kami katagal nagtititigan,bigla kong iniwas yung tingin ko.

"Tara na nga!simulan na natin"sabi ko,nakita ko siya na parang bumalik na rin sa sarili niya.At kinuha na niya yung Iphone niya at nilagay na yung earphone

"Oh! ito na pakinggan mo"sabi niya skain at bigay nung isa at nilagay ko naman sa tenga ko,bale share kami,pero malayo parin yung distance namin sa isa't-isa ah.

Ang ganda!Ang ganda nung kanta!Ang sarap pakinggan! (nasa gilid po kung gusto niyo mapakinggan! :))) )

Inulit lang namin ng inulit para makabisado namin yung tono.Nagkakabisado na rin kami ng lyrics,sa iphone niya kasi,may naka-indicate na rin na lyrics dun.Ilang minuto rin,di lang minuto  kasi buong araw yun lang ang ginawa namin.Ng 4 na pinauwi na rin kami.Palabas na sana ako ng Gym ng may tumawag saakin.

"Kath!"si daniel.

"Bakit?"ako

"Hatid na kita"daniel.

"Wag na,kaya kong mag-isa"sabi ko sabay naglakad na muli

"Ito naman,hahatid na kita"pagpupumilit niya at sinundan ako,ako naman mas binilisan pa ang lakad para di niya ako maabutan

"wag na nga! Bahala ka diyan!"sabi ko.Bigla naman akong napatigil dahil hinawakan niya ang braso ko.

"Ako na magdadala ng libro mo"sabi niya sabay kuha ng libro ko sakin kaya wala na rin akong nagawa  kaya naglakad nalang akong muli.

(sa bahay)

"salamat.Makakauwi ka na!"sabi ko.Oo nga pala,naglakad lang kami.Ewan ko ba diyan! Ang lakas ng loob maghatid sakin tapos maglalakad din pala kami.Hindi naman sa nage-expect!Bayaan niyo na nga! pinauna nga niya yung driver niya sa bahay nila at magcocommute nalang daw sya.Magtataxi nalang daw siya,palibhasa di sanay sa jeep eh.Tss.

"Di mo man lang ba papapasukin yung bisita mo?"tanong niya

"Bakit inimbita ba kita?"ako

"Ito naman!Ang sungit mo talaga"sabi niya at akmang kukurutin pa ako sa pisngi.Tinabig ko agad yung kamay niya,ayoko kayang nagpapakurot sa pisngi!

"Umuwi ka na nga!"sabi ko

"Paano ako uuwi eh wala pa ngang taxi na nadaan?"siya

"Anong wala?Ayun oh! "sabi ko sabay turo sa taxi na paparating, buti nga walng laman eh.

"Hehehe!Sige uuwi na ko!Bye"sabi niya sabay para dun sa taxi.Pumasok na siya sa loob pero bago sila makalayo binaba niya yung window nung taxi at nagwave skain.Nagsmile naman ako sa kanya.

Teka? Kailan pa ako natutuong magsmile sa lalaki?!Ewan! Napailing nalang ako at pumasok na sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto at ayun dinalaw na ako ng antok kaya nakatulog na ako.

Truth By Dare!! (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon