TBD 2

193 5 0
                                    

---Daniel's POV---

Andito kami ngayon sa canteen, lunch na rin kasi. Naisip ko lang, 2 Days na ang nakalipas simula nang napagkasunduan namin ng barkada yung about doon sa DARE na yun! Pero ni isang move wala pa akong ginagawa.Ang hirap niya kayang i-approach! Paano ba naman sa tuwing magkikita kami ni Kath eh parang nag-iinit yung dugo niya sakin. Lagi akong tinatarayan. Ang sungit, kahit pala tomboy siya marunong ding magsungit noh? Kahit mag seat mate nga kami di niya ako kinakausap eh, Lagi ko siyang tina-try kausapin pero ni isa di siya sumasagot. ang taray talaga. Paano ko naman uumpisahan tong Dare na toh?

"Pre, ano na? Paano mo uumpisahan yung dare mo?Ilang araw narin ang nakakalipas ah" Wow ha! May pagkamind-reader pala tong si Kats.

"Di ko nga alam pare eh!"sabi ko. Paano nga ba? Ang Hirap naman oh!

"Eh bakit di mo muna kaibiganin?Bat di ka muna makipagkaibigan sa kanya?"suggest naman ni lester.

"Eh paano? Baka mamaya masapak pa ako nun eh! Parang sa tuwing nakikita niya ako ang init-init ng dugo niya sakin?ako.

"Pre, bakla ka ba? Baka isang araw mabalitaan nalang namin na "DAKILANG BADBOY NA SI DANIEL PADILLA ISANG BAKLA?!" hahahaha!"sabay tawa nilang tatlo.

"Lul pare!"sabi ko nalang sa kanila

"Eh paano na nga? Anong gagawin mo?"tanong ni Seth.

"Siguro tama nga si Lester. Makikipagkaibigan muna ako pero..."Tumigil muna ako ng mga 5 seconds.

"Ano pare? Pabitin ka naman eh!"sabi naman ni kats.

"Tutal lagi namang nagiinit yung dugo niya sakin, edi panindigan ko na.  Makikipagkaibigan ako pero yung pang-asar."sabi ko sabay evil smile.

"Loko ka talaga Daniel. Hahahaha!"tawa nanaman nila.Binigyan ko sila ng aking infamous Death Glare, kaya't nagsitigil naman sila.

"Go na Pare!"sabi saakin ni seth at tinutulak tulak pa ako.Andito rin kasi sila Kath at ang mga kaibigan niya. Nandun sila sa table na di naman kalayuan saamin.

"Ito na nga, tatayo na oh!"kaya't tumayo na ako

--Kath's POV--

Andito kami ngayon sa canteen ng mga kaibigan ko, Kwentuhan sila ng kwentuhan tungkol sa mga boys. Sus! nakakarindi na! kaya ako kung saan-saan lang nakatingin.

This Past Few day wala akong naiintindihan sa mga lessons ko. Paano ang ingay-ingay ng katabi kong ASUNGOT ! ansarap sapakin eh, daldal ng daldal! Ako naman No response! 

"Hi Girls!"Tss. Speaking Of! Kahit di ka nakatingin, kilala mo na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. Eh ang yabang ng dating eh!

"Oh! Hi Daniel! Uhmm... Bakit? Any problem? Anong kailangan mo?"Si Julia, ito namang sila Kiray, todo ang iritan.

"Oh Shocks. Guys! Kinakausap tayo Ni Daniel Padilla! Yiee!!" Bulong ni Kiray kay Yen pero rinig ko

"Anong sabi mo kiray? Para atang narinig ko yung name ko?"sabi ni daniel with a sweet voice. Tsss. Plastic.

"Ah. wala! wala! Sabi namin, Yung pagkain! tama, baka gusto mong food?!"pagdedepensa ni kiray.

"Ah! Ganun ba? Sige. salamat nalang"sabi ni Daniel. Ako naman Umiiling -iling lang. Ang plastic niya! Tssss.

"Look Girls oh! Si Papa Daniel, Kausap yung kaibigan nung mga Tomboy!"Girl 1.

Truth By Dare!! (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon