TBD 1

620 3 1
                                    

All Rights Reservered 2012 :*

---Kath's POV---

**Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Nagising ko dahil sa ingay ng alarm clock ko. Minulat ko yung mata ko at tinignan kung anong oras na. 6:30 na pala! Naku!!! Baka ma-late ako. Agad- agad naman akong tumayo at pumunta sa CR. Naligo na ako at nagtoothbrush. Para akong si flash kumilos, at para akong hinahabol na ayaw magpahabol sa bilis ng kilos ko.Nagbihis na ako at sinuot ko na ung uniform ko na malaki sa akin, eh sa ganito ako kumportable eh.. Tinupi ko ung sleeves ko para masaya :)) di, para naman maayos tignan.Pagkatapos kong magbihis kinuha ko na ung backpack ko at sinuot na ito.

Lalabas na sana ako ng may maalala ako. Yung Cap ko! Agad ko naman hinanap yung cap ko. 

Tingin dito......

Tingin doon....

Hmmmmmmm. Ah! sa ilalim ng kama! Agad agad naman akong yumuko para tignan at andun nga! Kinuha ko ito at nagtali na ako ng buhok. Minsan lang ako mag lugay noh! Kapagad importante bagay lang.

Pagkatapos kong magtali, sinuot ko na ung cap ko at lumabas na.Hindi naman ako naglalagay ng kung ano-ano. Para san pa! Lalaki ata toh! Hahahahah!!

Bumaba na ako at kumain, 6:45 na kaya binilisan ko nalang. Pagkatapos ay nagpahatid na ako kay manong sa school, siyempre alangan namang maglakad pa ako eh male-late na nga ako.

6:55 na ako nakarating sa school, Hindi naman malayo sa school ung village na tinitirhan namin. Bumaba na ako at naglakad na papasok.Didiretso muna ako sa tambayan, hindi pa naman ata nagbe-bell kasi marami pang students na nagkalat.

"Chandria!!" Salubong saakin ni Julia.Na Ano banaman ting babaeng to, ang ingay ingay.Nangaasar pa -_-  Ewan ko nga pano ko naging kaibigan yan eh, kasi siya babaeng-babae at andaming kaartehan na ginagawa, samantalang ako hindi mahilig sa mga ganyan ganyan.

"Hep Hep Hep!" pigil ko sakanya.

"Wag mo kong yayakapin"pano banaman, gusto pang yakapin ako, Ayoko nga!. Nakita ko naman na binaba na niya yung kamay niya na kanina ay nakataas upang yakapin ako

"Ang arte mo naman Chandria" sabi niya sabay Irap. Anong Chandria? Yuck!

"Chandria ka dyan. Kath nga! K-A-T-H! Kath!" sabi ko sakanya. ayoko ngang tinatawag akong Chandria. Pambabaeng pambabae eh.

"Ewan ko sayo Cha- este Kath. Ay teka!" sabi niya saakin at tingin mula ulo hanggang paa. Ano nanaman problema ng babaeng to?

"Huy,huy huy! Akin na nga yang cap ko!"sabi ko sakanya. Paano banaman kasi tinanggal niya yung cap ko, yan tuloy nagulo rin pati yung buhok ko.

"Ano banaman yan Kath, suot mo nanaman tong cap mo! Mukha kang tomboy!" Eh yun nga ang gusto ko eh. Bakit di ba ako Tomboy? Tsss.

"Eh bakit tomboy naman ako ah! Akin na nga yang cap ko" Sabay hila ko dun sa Cap ko na hawak ni Julia.Kaya hindi na siya nakaangal

"Naku Kath, Ewan ko sayo! Kailan ka ba kasi magpapakababae?"Julia.

"Kapag Dalawa na ang buwan.Atsaka kahit kailan wala akong balak magpakababae, sakit lang sa ulo yan noh!!" sabi ko kay julia.sabay punta na dun sa table ng barkada, Sila Ej, Kiray at Yen.Dahil rin siguro kay julia kaya puro babae.Pero okay lang kasi masaya naman silang kasama.

Truth By Dare!! (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon