Third person pov
At the hospital
"Love pede mo ba ako tulungan, gusto kong makalanghap ng sariwang hangin kahit sandali lang, pede mo ba akong itakas mula rito sa hospital?"ang nag mamakaawang saad ni lian."Love alam mong hindi pede baka mas mapaaga yung pagkamatay mo kahit na mahirap saakin ito pero ayaw ko gusto pa kitang makasama pa pag lumabas tayo baka mas bumilis ang pagkawala mo sakin love"ang naiiyak na ani nito dahil sa pagkaawa sa kanyang minamahal na babae.
"Love okay lang yon ramdam ko na. Ramdam ko na katapusan na ng buhay ko at kunting oras na lang ang natitira saakin kaya kahit saglit lang pede mo ba akong pagbigyan sa aking hiling?"ang pagsasamo nito sa minamahal niyang lalake.
Kaya kahit na natatakot siya na baka mas bimilis ang pagkawala ng kanyang mahal na babae ay walang siyang nagawa kung hindi ang sumunod nalang sa hiling nito. Itinakas niya si lian mula sa hospital hanggang sa makarating sila sa paborito nilang lugar dalawa dahil dito silang dalawa nag kakilala sa ilalim ng punong narra na alam niyang may pinakasariwang hangin.
Inihinto ni laurenz ang wheelchair at naglatag ng blanket at ibinaba ni laurenz si lian sa lupa na may nakalatag na blanket dito at niligpit ang wheelchair nito.
At ng matapos nya na ang ginagawa niya ay agad niyang inayos si lian upang makahiga ito ng komportable sa kanyang nga hita.
Kung makikita mo sila tila aakalain mo ay nasa isang palabas sila dahil sa dahon na nahuhulog mula sa narra. At sa ilalim ng puno ng narra ang isa ay nakabalot ng damit at may bonnet sa ulo, ang isa naman ay malungkot lang na nakatingin sa babaeng may heart cancer.
"Love, pagwala na ako, wag kang malungkot ah, at humanap ka ng taong para talaga sayo at mamahalin ka ng sobra at aalagaan ka sobra pa sa alaga na binagay at inalay ko sayo".
"But you are the only thing in it, and I don't know what I will do if I lose you," umiiyak nitong tugon habang nakapatong ang kamay sa dibdib ni lian.
"Pero mas masasaktan ka lang kapag palagi kang nag-aalala sa akin. Pagod na ako mahal ko. Pede bang mamahinga na ako?" ang nahihirapang saad nito.
"Oh sige mahal na matulog ka na. Alam kong hirap na hirap ka sa sitwasyon mo. I love you."umiiyak na tugon ni laurenz at hinalikan ang nuo nito.
"I love you more, love. "at saka siya pumikit ngunit habang siya ay nakapikit may isang butil na luha ang pumatak galing sa knayang mata.
Ngunit pag katapos niyang pumikit ay dun na rin binawian ng buhay ang kanyang pinakamamahal na lalake na si laurenz dahil sa sakit na leukemia.
Ng malaman ng hospital na nawawala si lian ay agad nila itong hinanap sa kung saan-saan ngunit agad na may nakakita sa kanila sa may ilalim ng narra na nakahiga kasama ang lalakeng mahal nito na wala ng mga buhay.
Wakas.