CHAPTER SEVEN

17 4 0
                                    

SUMMER

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Mapapansin ang karangyaan nito dahil sa disenyo at estruktura ng paligid nito.

Nagtataka kong pinagmasdan ang kwartong iyon at kung bakit narito ako ngayon. Kaninong kwarto ito? Nasaan sina Florence? Bakit wala akong kasama?

Then, it hit me. Bago ako mawalan ng malay ay naalala ko ang sinabi ng lalaki.

Agad akong napasinghap. He is an Aguirre. That explains how fine as hell he was. Wait. Hindi ko dapat iniisip ang mga ito. I should focus on my current situation at hindi sa mga ganoong bagay.

It really bothers me now that everytime I encounter an Aguirre, my head suddenly hurts. Hindi kaya ay konektado ako sa kanila? Wala namang ibang rason para ganito ang maging reaksyon ng katawan ko, hindi ba?

I let go a frustrated sigh. I really need to call my parents. As in ngayon na.

Tumayo ako mula sa kama at sinubukang maghanap ng kahit na anong gadget doon. Luckily, I found a phone placed on the sofa near the bed.

Patuloy akong nagdadasal nang hinihintay kong bumukas iyon. Naka-power off kasi ito.

Bumungad sa akin ang larawan ng isang golden retriever. Stolen ito dahil tumatakbo ang aso sa picture na iyon. Hindi ko na pinansin ang iba pang mga detalye bukod sa tumatakbo ito patungo sa isang garden.

Bago ko pa man mabuksan ito ay may kung anong tunog ang lumabas mula rito. Kusang na-unlock 'yong cellphone kahit wala akong ginagawa roon. Ang weird. Kanino ba 'to?

Nakita ko naman na agad ang hinahanap ko. Mabilis kong dinial ang number ni Papa para makausap sila.

Habang hinihintay na sagutin ako ay hindi maalis sa isipan ko ang wallpaper ng cellphone na ginagamit ko ngayon. Kung kanino man ito, ngayon pa lang ay magso-sorry na 'ko kasi ginamit ko iyon na walang permiso niya.

The phone's wallpaper was a picture of the same golden retriever, the only difference was, there was someone patting its head. Nakatalikod ito sa camera kaya hindi ko makita ang mukha nito.

Natigil ako sa pagiisip nang i-reject ni Papa ang tawag ko. Mukhang hindi sinasagot ni Papa 'yong mga natatanggap niyang tawag mula sa hindi niya kilala.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan ngunit hindi niya ito sinagot ulit. Sa pangatlong beses na pag-dial ko ng number niya ay hindi ko na talaga ito matawagan. Mukhang blinock na nga niya ako.

Dahil nabigo ako kay Papa, si Mama naman ang sinubukan kong tawagan. Ngunit kagaya rin ni Papa ay hindi ako nito sinagot.

Napakamot naman ako sa gilid ng ulo ko. Naiintindihan ko naman sila kahit papaano. Dinekwat ko lang sa sofa ang cellphone na gamit ko. Malamang hindi nila ito sasagutin kasi hindi nila alam na ako 'yon.

"You're awake." nabitawan ko ang cellphone na hawak ko dahil sa pagkagulat.

"Ano ka ba! Bakit ka naman nanggugulat? Hindi ka ba marunong kumatok?" taranta kong saad.

The guy chuckled heartily before leaning against the door, "Sorry. I got too excited checking you."

"T-Teka.. Nasaan sina Florence? Saan mo dinala mga kaibigan ko?" tanong ko sa kaniya kahit nadi-distract ako sa mukha niyang nakakaakit.

"They're at the living room, waiting for you. Are you okay na ba?" balik na tanong niya sakin.

Wala sa sarili akong napatango, "S-Sino ka?"

"Oh, sorry. I forgot to introduce myself." nakangisi niyang nilahad ang kanang kamay niya sa akin.

"Cain Tennessee Aguirre-Oliveros." kumindat siya. "But you can call me Cain."

After August (Aguirre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon