CHAPTER TWELVE

10 4 0
                                    

SUMMER

"Alam mo kung anong mangyayari pero hinahayaan mo pa rin! Kung totoong nagaalala ka sa kaniya, bakit mo hinayaan na pumunta siya roon?!" nagising ako sa nanggagalaiting boses ni Florence sa galit.

"Florence, please calm down. It wasn't my intention. Sinabi niya sa akin na kakausapin niya ang kapatid ko tungkol sa isang importanteng bagay. I didn't expect for it to end this way." malumanay at kalmadong sambit ng isang boses ng lalaki. Panigurado akong kay Russel galing iyon.

Ano naman kaya ang ginagawa niya rito? Teka, nasaan ba ako? Ano ang nangyari sa akin? Bakit nandito si Florence?

"Tangina, Russel! Ang ayos-ayos na ng buhay niya kasama ako! Kami nina Rhys!" sigaw muli ni Florence. Sa lagay ng boses niya ay umiiyak na ito dahil sa galit. Pero, bakit? Ano ang ibig sabihin niya sa mga sinasabi niya?

"You know damn well that she doesn't belong to that kind of life that you're forcing her to live, Florence!" rinig ko ang pagtaas na rin ng boses si Russel.

"Punyeta! Walang sino man ang may karapatan na diktahan ako kung paano ko siya poprotektahan! If I want her to live this way, far away from all of you, then you don't have anything to say about it!" sigaw pabalik ni Florence sa kaniya.

"Naririnig niya kayo." sabi ng boses ng isang lalaki, hula ko ay si Cain iyon.

Idinilat ko ang mata ko at nakita ang nagtatakang mata nina Florence at Russel na nakatitig sa akin. Sa gilid ko ay nakangising nakatitig sa akin si Cain.

"A-Anong nangyari? Bakit kayo nandito? How did I end up like this?" sunod-sunod kong tanong kay Cain.

"Something triggered your mind to remember something from your past, Summer. Wala ka bang naaalala?" sagot ni Cain sa akin.

Umiling naman ako at ibinaling ang atensyon ko sa dalawang tao na nagpapataasan ng boses kanina.

"Florence, it was my decision to come to the manor. It wasn't Russel's fault. He's innocent." walang gana kong turan.

"Bakit ka pumunta roon? Hindi ba't sabi ko naman sa iyo na huwag kang pupunta kay Milan? Bakit hindi mo na lang siya hintayin sa campus? Bakit sinundan mo pa siya sa manor? Paano kung napahamak ka?" pangangaral muli sa akin ni Florence.

"Mamamatay ako sa pagaalala noong nabasa ko yung text ni Russel sa akin. Akala ko may nangyari nang masama sa iyo. Ang tigas tigas talaga ng ulo mo." tuloy na panenermon ni Florence.

"Flo, please. Not today." daing ko sa kaniya. Nagpasalamat naman ako nang sinunod niya ang pakiusap ko sa kaniya na huwag na muna akong pagalitan. 

"Nasaan ako?" pagiiba ko ng paksa. 

"You're still at the manor." sagot sa akin ni Cain. Lumingon ako sa gawi niya dahil doon.

"Can I ask you something, Summer?" aniya.

I nodded as a response. "Why did you come here?"

"Dahil kay Milan.." agad kong tugon. "I want her to stop what she’s trying to do. Alam kong hindi siya madadaan sa tawag o text kaya pinilit kong makausap siya sa personal."

They were silent. All three of them. Hinahayaan lang nila akong magpaliwanag kung bakit ako naparito na pinapasalamatan ko.

"And.. Uh.." I trailed off. Natatakot ako na sabihin ang mga susunod kong sasabihin.

Sinubukan ko silang tingnan isa-isa. The three of them were looking at a different direction with the same expression plastered in their faces.

It was guilt. And I didn’t understand why.

"Florence, I know you are hiding something from me." I confronted her. Pinagmasdan ko kung paano lumaki ang mata niya sa sinabi ko dahil sa gulat. It was the reaction that I expected her to have.

"At alam kong may alam rin kayo Russel at Cain," dagdag ko pa.

"Huwag kayong magalala. Hindi ko pa alam kung ano 'yong tinatago niyo sa'kin." pilit akong ngumiti sa kanila at tumayo. "Pero sana kapag nalaman ko ang lahat ng iyon, maintindihan ko kung bakit mas pinili niyong itago iyon sa akin."

Nanghihina akong naglakad papunta sa pinto para lumabas mula sa kwartong iyon. And again, I thanked the three of them silently for just letting me despite the bitterness that I am feeling.

I laughed dryly after sensing a sense of familiarity with the surroundings. Sobrang pamilyar ang lahat ng naroon. Isa ba ito sa mga nakalimutan ko?

There was a series of paintings displayed in the walls in the hallway that I was currently in. Kakaiba ang mga ito. Halata rin na gawa ito ng isang propesyonal.

I want to touch it so bad. But there is something inside me that prevents me from doing so.

"Do you like the paintings?" sambit ng isang boses mula sa likod ko.

Hindi ko magawang lumingon sa direksyon ng boses na iyon. Tila para bang nakapako ang mga paa ko ngayon dahil hindi ito kusang gumagalaw kahit pinipilit ko.

Isa ba ito sa mga Aguirre? Bakit hindi ko siya nakikilala pa? At ang boses niya.. kagayang kagaya ito ng mga napapakinggan ko sa isip ko. Hindi kaya siya iyon?

"O-Oo. Ang ganda nila." kinakabahan kong sagot.

Halos lumabas sa dibdib ko ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito ngayon. Napahawak ako rito upang subukan na pakalmahin ito. Bigla kong naalala ang sinabi ni Cecilia sa akin habang hinahaplos ko ang dibdib ko.

"Do you feel it too?" nagulat akong muli sa tanong ng lalaking iyon.

"The heart never forgets." I said in a faint voice, scared that the guy behind me might hear it.

"It’s too early for us to meet, Augustine."

Nasasaktan ako. Hindi ko alam pero nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Parang dinudurog ang puso ko sa tonong ginamit niya para sa mga katagang iyon.

He made it sound like he was hurt. I could feel the pain in his voice while he was saying it.

"Hindi pa tayo dapat nagkikita.." inulit ko ang sinabi niya. "Bakit?"

"I can’t." I could hear his heavy breathing so close to my nape. "I can’t tell you yet."

"Lagi na lang.. Lagi na lang hindi pwede.. Bakit hindi pwede?" matabang kong saad.

Parang napaso ang mga balat ko nang hawakan niya ang balikat ko at haplusin iyon.

"Remember, Summer. And when you’ll start to remember, you’ll find yourself coming home.." mahina niyang saad.

"Remember what? What happened after august last year?" matapang kong tanong.

Dahil alam ko kung anong nangyari sa akin noong mga panahong iyon. Makalimutan ko man ang lahat ngunit hindi ang nangyaring iyon. That was the only thing that I wished I forgot. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko.

Siguro ay karma ko na iyon dahil nakalimutan ko ang lahat ng importanteng bagay sa buhay ko maliban doon.

Muli niyang hinaplos ang balikat ko na para bang alam niya kung ano ang iniisip ko ngayon at kung paano ko kinakailangan ang mga haplos na iyon.

"Gusto kong makalimutan ang lahat." wala sa sarili kong sambit habang dinaramdam ang init ng mga luhang pumapatak sa mata ko.

"How can you come back to me if you’ll forget everything?"

After August (Aguirre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon