CHAPTER NINE

10 4 0
                                    

SUMMER

Natapos ang mga masasayang araw namin ni Flo kasama ang mga mailap naming kaibigan sa isang iglap.

Linggo na kasi at kakailanganin na nilang umalis para bumalik sa kani-kanilang mga buhay. Sinta with her student life in Baguio, and Madeleine with her actress life in the city. Kami naman ni Flo ay babalik na rin sa mga responsibilidad namin sa kolehiyo na pansamantala naming kinalimutan para sa dalawa naming kaibigan.

"Make sure to keep in contact, especially you, Sinta. You tend to ghost us sometimes." paalala ko kay Sinta na ngayon ay nakabusangot. Hula ko ay kulang ito sa tulog dahil sobrang aga siyang sinundo ng kaibigan niyang si Sincere.

"You take care of yourself, Mady. Don’t let your haters get in you. Lagi mong tatandaan that if you feel like you want to run away from that life, we are here to run away with you." harap ko naman sa artista kong kaibigan ngayon ay naluluha. Kanina pa siya emosyonal sa ideya na aalis na ulit silang dalawa ni Sinta at matatagalan na ang pagbalik nila.

"I'll call you guys once I arrived." Mady smiled at me which I gladly return with an even wider one.

"Flo, wala ka bang sasabihin?" udyok ko kay Flo na tahimik lang na nagmamasid.

"Ingat kayo." tanging sambit ni Flo bago pumasok sa loob ng bahay namin.

I apologetically looked back at our bestfriends because of her actions, "Sige na. Baka gabihin pa kayo ng uwi."

"Bye, Summer." kumaway si Sinta sa akin at pumasok na sa loob ni Sincere.

Yumakap naman sa akin si Mady at tinapik ang kotse kung saan nasa loob na si Sinta. Pumasok na rin siya sa dala niyang kotse at pinaandar ito.

Nanatili akong nakatayo doon hanggang sa hindi ko na maaninaw ang dalawang sasakyan ng mga kaibigan ko.

Nadatnan ko si Florence na nakakunot ang noo habang seryosong nakatitig sa laptop niya. Flo easily sensed my arrival kaya sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya upang tingnan din iyon.

"What the heck?" usal ko.

My pictures that was taken by Milan the other day was posted at our department’s page.

"Tangina talaga ni Milan. Hindi ka talaga tinigilan 'no?" gigil na bulong ni Flo.

"These pictures were posted without my consent!" nangingilid ang mga luha sa mga mata kong sambit.

"I know. The caption is misleading rin. We need to take down the post." sabi ni Flo.

Tiningnan ko rin ang caption ng post dahil sa sinabi ni Flo. Nakasaad doon na ako raw ang magiging muse ng aming department sa nararating na pageant ng university namin. Bukod pa roon, may mga estudyante rin na nagpahayag ng kanilang dismaya sa balitang iyon.

Our department was expecting Tiana Jane Romulus as our representative for this year’s pageant since very vocal si Milan na susuportahan niya ang blockmate namin na iyon. The girl was preparing ever since. Hindi ko alam kung anong trip niya at bakit last minute ay ako ang ipinalit niya.

Sa dulo ng caption ay may nakalagay roon na ‘endorsed and supported by Maria Milan Aguirre’ which was mostly the topic by our batch in the comment section.

Gulo 'to panigurado at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil doon. Dapat ba akong kabahan?magalit? o mainis?

Maraming kaibigan si Tiana at nakakatakot akong baka sa akin nila ibuntong ang galit at pagkadismaya nila kahit wala naman akong kasalanan.

Nasanay ako na si Florence lang ang nagtangkang kumakausap sakin sa tuwing pumapasok kami sa campus. I even considered myself as a ghost dahil sa takot na masangkot sa ano mang gulo roon. Pero dahil sa trip ni Maria Milan ay mukhang hindi na magtatagal ang desisyon kong iyon.

After August (Aguirre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon