Prologue

15 0 0
                                    

Luna's POV 


It was just a normal day for me. Araw araw naman ganito ako. Papasok sa school para umattend ng subjects ko then uuwi na ko. Hindi ako nagsestay for extra curricular activities dahil  nakakapagod lang yun at personally, di ko naman yun kailangan para grumaduate. So in short, boring ang buhay ko pero I prefer it this way.


Ganyan ang buhay ko noon


Namimiss ko na ang buhay ko noon. Kung maibabalik ko lang ang ganung klaseng buhay gagawin ko. Kaso hindi na eh, yung boring kong buhay noon na wala halos nakakapansin sakin eh ngayon kuhang kuha ko na ang atensyon ng buong school.


"Lunaaa wait lang hintayin mo na akong matapos, magwewelcome lang naman kami ng new members tas uuwi na ko" tugon ni Gela sa akin. Bestfriend ko. Napakamot na lang ako ng ulo kasi wala nga akong extra curricular pero parang meron na din dahil pinaghihintay niya ko sa ganap niya. Officer lang naman siya ng drawing club nila.


Ano pa bang magagawa ko kundi umupo na lang muna sa sahig dun sa hallway kasi wala na rin naman ako magagawa. Nilabas ko na lang mga assignments na pinapagawa ng mga teacher ko para masimulan ko na at mabawas bawasan din ang workload ko.


Kinuha ko ang earphones ko para makinig ng music habang gumagawa ng assignment pero wala pa ko sa kalahati ng ginagawa ko ay naramdaman kong may humawak sa palapulsuhan ko at hinatak ako patayo. Lumakas tibok ng puso ko nang makita ko kung sino yun.


"Ano ginagawa mo dito? Diba dapat nakauwi ka na?" saad niya habang mahigpit na nakahawak sa palapulsuhan ko. Nakikita kong namumula na kamay ko sa ginagawa niya. Ang sakit niya, nakakasakit na siya. Nakakasakit pa din siya.


"Shinso wala ka nang karapatan diktahan ang buhay ko. Tapos na tayo!" Tumaas na ang boses ko dahil sa takot, galit, lungkot, dismaya, lahat na. Siya lang naman ang ex boyfriend ko na niloko ako. Nakakatakot pa din ang presensya niya lalo na ngayon at ramdam ko ang galit sa mga mata niya. Ang lapit namin sa isa't isa.


"Oh my Gosh nandito na naman ang malanding girl na ito. Inagaw mo na nga sakin si Cheol tapos ngayon nilalandi mo din si Shinso na nanliligaw sa akin? And I saw you din nung isang araw kasama mo si Jun. Sobrang kati mo ba girl?" saad ng isa sa mga babae sa school kasama ng kanyang mga alipores. 


"Wala akong inaagaw sayo dahil di naman ako interesado sa mga taong binabanggit mo!" tumaas boses ko gawa nang pagkakahawak nang mahigpit ni Shinso sa kamay ko at takot dahil sa babaeng toh. Dahil sa ginawa ko, agad na sinugod ako ng babae. Napapikit na lang ako sa maaaring mangyari ngunit may narinig akong boses.


"Ano nangyayari dito?" narinig kong saad ng papalapit na si Jun, napairap ako dahil isa siya sa mga taong kinamumuhian ko. Siya! Siya ang isa sa dahilan bat nasa ganitong sitwasyon ako ngayon. Lahat naman ng babaeng umaaligid sa akin ngayon at yung mga nakikinuod sa gulo dito sa hallway ay nabaling ang atensyon sa lalaking toh. "Luna, let's go" sinubukan akong hilahin ni Jun ngunit mahigpit talaga ang hawak sa akin ni Shinso "Pare bitawan mo siya." kalmadong saad ni Jun ngunit hindi nagpatinag si Shinso. "Wala kang pakialam sa ginagawa namin dito pare" maangas na saad ni Shinso na nagpairap kay Jun.


"Sinabe niyang bumitaw ka diba?" nagulat ako sa isa pang parating. Ano ba toh?! Sobrang taas na nga ng atensyon dahil nandito si Jun dumagdag pa tong katropa niyang si Cheol?! Pero buti na lang napabitaw si Shinso sa akin dahil sa kanya. Siya kasi pinakanakakatakot dito sa school na ito. Tinitigan nang masama ni Cheol ang mga tao kaya lahat sila ay kumaripas ng takbo at nawala ang atensyon sa amin.


"Ayos ka lang?" tanong nilang dalawa ngunit napairap na lang ako at umalis. Itetext ko na lang si Gela na umuwi na ko dahil di ko na kaya. Sila yun eh. Sila dahilan bat kalat na kalat ang pangalan ko ngayon. Kung di ko lang nakilala ang 13 bad boys na popular dito sa school edi sana payapa ang buhay ko!

Delulu Moments (no final title)Where stories live. Discover now