Chapter 2

8 0 2
                                    

Luna's POV


Buti na lang lunch time na at makakaiwas iwas din ako sa Junhui na ito. Ang kapal kapal ng mukha! Kala niya super gwapo niya. Oo gwapo siya pero di niya kailangan magyabang! Nakapila na nga ako ngayon sa canteen para bumili ng pagkain. Pinauna ko na si Gela sa pila dahil gusto daw niya makakuha ng magandang seat agad kung san masasight niya si Wonwoo nang madali.


Pagkatapos ni Gela kumuha ng pagkain niya eh sumunod na ako. "Isa pong fried chicken ate" saad ko at binigay na nga sakin ng ate ang inorder ko. Ang bait ni ate kasi nakangiti lang siya. I was about to follow Gela sa kanyang spot pero napatigil ako nang marinig ko ang sigaw.


"WDYM WALA NANG FRIED CHICKEN?!" napalingon ako dun sa lalaking sumisigaw. Hindi ba siya nahihiya at nag aangas siya dito sa canteen kung saan kitang kita siya? "S-sorry po s-sir, binili na po kasi ng babae kanina yung n-natitirang f-fried chicken" nauutal na saad ni ate. Ako yata ang tinutukoy niyang bumili nun.


"DAPAT DI MO BINIGAY SA KANYA KASI DIBA YOU KNOW NA YUN ANG USUAL ORDER KO?! NASAN NA BA ANG BABAENG YUN?!" hala si kuya nagwawala na. Awang awa ako dun sa ate kaya lumapit na ako. "Excuse me? Ako yung bumili ng fried chicken. Ano ang problema?" tanong ko kaya napatingin siya sa akin at ang sama ng tingin niya.


"Miss ganto na lang oh, bigay mo na lang sa akin yung order mo para wala nang gulo" maangas na sabi niya. Aba kapal ng mukha neto ah. Napatingin ako sa tindera na natatakot na para sa akin at sinesenyasan na lang ako na iabot yung pagkain ko.


"Ayoko nga! Ako ang nauna sa pila diba? Ako ang una nakabili neto. Kaya sorry ka na lang kasi akin toh." Sinubukan niya pang hablutin yung pagkain ko pero naiilag ko agad. Para safe ay dinuraan ko na yun at sumubo para di na niya hablutin. Kita ko ang galit sa mata niya kaya napangisi lang ako.


"Hindi mo ba ako kilala miss ha?! I am fucking Lee Chan! Kilalanin mo binabangga mo!" saad niya na para bang may pake ako. "Wala akong pake kung Lee Chan or Jobel pa maging pangalan mo." nilagpasan ko na siya at umupo sa tabi ni Gela. Dun ko lang napansin na pinagtitinginan na ako ng mga tao. Eto na nga ba ang ayoko eh. Ang atensyon.


"Ateeee, si Lee Chan yun, isa sa mga kaibigan ni Wonwoo" natatakot na saad ni Gela sa akin. Oh ano naman? Parte pala siya ng kulto nila. Tinignan ko ulit yung Lee Chan tas nakita kong inaalo na siya ng dalawang lalaking kakadating lang sa eksena. Di ko na lang pinansin at kumain na lang ng pagkaing inaagaw kanina sakin ng Lee Chan na yun.


Pagkatapos ko kumain, tumayo na ako para bumalik ng room. "L-luna, y-ung palda mo" nauutal na bulong ni Gela sa akin kaya napatingin ako at may pula na sa palda ko. HUH? Di ko pa naman kabuwanan ngayon. Napatingin ako dun sa dalawang lalaking kasama nung Lee Chan at parang nagpipigil sila ng tawa. Hindi ko na lang pinansin at pumunta akong CR para linisin yung pula. Pinauna ko na si Gela pumunta sa room dahil baka malate pa siya.


Pagtapos ko linisan eh binuksan ko ang pinto ng CR, nasara lang siguro dahil sa hangin. Kaso pagbukas ko biglang may bumuhos sa aking malamig na tubig. Sumama na talaga araw ko. Nakita ko yung dalawang asungot na nakatayo dun sa gilid na parang bang inaasahan na ang ganung pangyayari. Napairap na lang ako habang umaakyat ng hagdan. Nakikita ko yung mga taong pinagchichismisan na ako. Ayoko ng ganito. Ayoko ng atensyon. Hindi ko na napapansin na naiiyak na pala ako.


Pumunta muna ako sa aking safe place pag gusto ko mapag isa kasi wala naman dumadaan dito. Inubos ko muna yung iyak ko kasi ayoko rin na makita yun ni Gela tas mag alala pa. Nung medyo kumakalma na ako, tatayo na sana ako kaso nakaramdam ako ng presensya. Bago pa ako makalingon eh naramdaman ko na na kumaripas siya ng takbo. Hindi ko na lamang pinansin yon at pinunasan ko na lang luha at sipon ko bago ako bumalik ng classroom.


Habang papabalik ako, nakita ko yung Cheol na nakikipagusap dun sa dalawang asungot na nanggulo sa akin kanina, tumatango tango lang sila. Nung nakita nila akong dumaan, napatingin silang tatlo sa akin. Yung dalawang asungot ay yumuko sa akin. Yun yata ang senyas ng kanilang pagsosorry. Umirap na lang ako at dumeretso na sa room.


Pagpasok ko ng room dun ko naramdaman ang lamig. Nakaaircon nga pala kami tapos dagdag pa na binuhusan ako ng tubig kanina. Wala ako dalang jacket. Haist magtitiis na nga lang ako. Pumunta na ako sa upuan ko at nakita kong wala si Junhui. Asan yun? Hindi ko siya namimiss ah, nagtataka lang ako at bat wala siya eh di pa tapos ang klase. 


Nanginginig na ako sa sobrang lamig nang naramdaman kong may umupo sa upuan dapat ni Junhui at inabutan ako ng jacket. 


"Kay Jun yan, mas malaki kasi jacket niya kesa sakin kaya yan muna binigay ko" nilingon ko ang tao sa tabi ko. Eto pala yung leader ng kulto, si Cheol. Nakatingin lang siya sa harap habang ako ay sinusuot ko yung jacket dahil di ko na kaya ang lamig.


"If you're wondering bat wala siya dito, nagpaexcuse siya kasi may shoot siya ngayon" kinwento niya kahit di naman ako nagtatanong. Uunahin pa ba ng estudyante magshoot kesa mag aral. Napairap na lang ako. In fairness ang laki ng jacket niya. Abot hanggang tuhod ko.


"Pagpasensyahan mo na ang pagwawala ni Dino, si Lee Chan kanina. Ganun talaga siya kasi siya pinakabata sa amin. Mama's boy din kaya spoiled." Genuine na saad niya pero napairap ako lalo. "Kung gusto niya magsorry, siya magsorry! May bibig siya diba? Siya ang gumawa ng kasalanan. Hindi niya kailangan na gawin kang utusan para magsabi sa akin. Ano toh? Naglalaro ba tayo ng pass the message?!" Sarkastikong sabi ko kaya napailing na lang siya.


"Nga pala, yung dalawang asungot na kasama niya kanina at kasama mo kanina? Yung may kagagawan sa uniform ko! Kasabwat mo ba yun ha?!" pag aakusa ko sakanya kaya agad niya akong pinatahimik.


"Chill ka lang pwede ba? Yung dalawang yun ay si The8 at DK. And no, di ko sila kasabwat, why would I do something that stupid? Pero pagpasensyahan mo na din kasi masyado silang protective sa grupo namin, lalong lalo na kay Dino dahil siya ang pinakabata." pag eexplain niya kaya napairap ako.


"Bat ka ba nandito? Dun ka nga sa upuan mo. Ginawa ang seating arrangement diba para sundin?" pagtataboy ko sakanya ngunit di siya nagpatinag kundi tinitigan lang niya ako nang mataimtim. Kitang kita ko ang kanyang matang kulay brown. Nalulunod ako sa tingin niya at napapalunok na lamang.


"One thing you need to know about me Luna." mas lalo pa siya lumapit sa akin. "I am a bad boy, and NOBODY dictates me on what should I do? Understand?" saad niya at pagtapos ay tinitigan pa ako ng limang segundo bago umayos ng upo. Uhm ano yun? Bat ang init?

Delulu Moments (no final title)Where stories live. Discover now