Luna's POV
First day ng aking school. Same old, same old. Ang boring na nga at gusto ko na grumaduate kasi nakakapagod lang ang high school. Buti na lang Grade 10 na ko at last year ko na as Junior High. Pagkatapos ko magagahan nagpaalam na ako sa mga tao sa bahay pati sa mga aso ko at umalis na.
Pagpunta ko ng school, may mga nakasalubong akong hindi ko once nakita sa buhay ko. Sino ba sila? Sumimangot na lang ako at dumeretso na sa lockers para kuhanin ang mga libro ko for my subjects sa oras na yun. Pupunta na sana akong classroom pero nakita ko si Gela na umiiyak dun sa may locker niya kaya nilapitan ko siya.
"Huy bat ka umiiyak?" nag aalalang tanong ko. Syempre mag aalala ako kasi kaibigan ko yan kahit minsan medyo siraulo yan. Nagkakilala kami nung Grade 7. Siya kasi pinili kong partner sa project na need ng drawing. Eh bukod sa walang pumipili sakanya most of the time eh gusto ko rin ng mataas na grade. Eh nagkasundo kaya ayan.
"Eh kasi nakita ko si Wonwoo tas balita ko ililipat siya sa isa sa mga sections natin" saad ni Gela kaya nabatukan ko agad siya. Akala ko pa naman kung ano eh nakita lang pala crush niya! Si Wonwoo lang naman ang long term crush netong si Gela. Ewan ko nga ba san niya nakilala yan.
Pinatahan ko na siya at babalik na sana kami sa classroom ngunit nakasalubong namin ang mga taong nakita ko kanina na hindi pamilyar. Napatingin ako kay Gela na naguguluhan ngunit nakikita ko siya na nagpipigil ngiti tas may tinitignan dun sa grupong dumaan. Tinignan ko kung sino tinitignan niya. Nakatingin siya dun sa lalaking nakasalamin. Maya maya eh naramdaman kong kinukurot na ako ng babaeng toh.
"Aray! Ano ba yon?!" saad ko pero mukhang kilig na kilig si g*ga. "Yan si Wonwoo" nakangiti at pigil tile niyang sabi sa akin kaya napairap na lang ako. Yun lang pala.
"Huh?! Yan mga type mo? Yung mga malamiyembro ng kulto?!" sarkastikong tanong ko. Kasi naman! Naiintindihan kong lahat naman sa high school may friend group pero kakaiba toh eh! kalahati yata ng classroom ay masasakop nila sa sobrang dami nila.
"Eto namang si Ate Luna ang OA" saad niya at hinila ko na siya sa classroom para umupo. Syempre tabi kami nagchichikahan lang kami habang hinihintay teacher namin. Onti onti dumadami ang mga tao at umiingay ang classroom. Ngunit tumahimik bigla nang naramdaman kong may pumasok. Akala ko teacher ko na yun pero pag angat ko ng ulo eh nakita ko yung tatlong miyembro ng kulto na nakita ko kanina. Isa dun yung Wonwoo na crush ni Gela kaya si g*ga ngiting ngiti at hinahampas ako.
"Classmate natin siya!" ipit na sigaw niya kaya tinampal ko siya. "Tumahimik ka nga at baka marinig ka niya at maweirduhan siya sayo!" pagsaway ko sa kanya kaya natahimik siya ngunit nakangiti pa din. Inobserbahan ko yung tatlo at parang lahat sila ay di natutuwa. Umupo sila banda dun sa column kung saan tatlong upuan ang magkakatabi. Yung isa nilang kasama ay nakita kong may dalang pocket mirror at tila ba nag aayos ng buhok at naglalagay ng kung ano man sa mukha niya.
"Oy Jun tumigil ka nga! Nasa classroom tayo oh at gwapo ka na" pagsaway sa kanya ng isa pa nilang kasama na mukhang sobrang angas. Siya pinakamukhang maangas sa kanilang tatlo. Actually ang presensya din niya napansin ko kanina nung nakasalubong ko siya. Meron siyang aura na something na di ko maintindihan.
"Master Cheol naman! May shoot ako mamaya kailangan maayos ako at mamaintain ko itsura ko." saad netong si Jun kaya napairap ako. Priority ba ang shoot kesa mag aral?
"Mamaya na yan. Kita mong pinagtitinginan ka ng mga tao dito oh. All these girls are salivating for you." napatingin tuloy ako sa paligid ko at oo nga. Nasa kanya ang atensyon ng lahat. Napatigil naman tong si Jun sa ginagawa niya. Pinagmasdan ko si Cheol na nakaupo lang at nakadekwatro na parang siya ang may ari ng mundo. Inobserbahan ko si Wonwoo at nakita kong nakaairpods siya habang gumagawa ng hand gestures. Nakikinig siguro toh ng upbeat music at napapasayaw.
Maya maya lang ay dumating na ang teacher namin kaya tumayo na kami pero etong tatlong maaangas na ito ay nakaupo pa din na parang walang pakialam. Pinasadahan sila ng tingin ni ma'am ngunit binaliwala lang ni ma'am ang pagbastos nila. Sanay na yata. Pinaupo na niya kami para makapagumpisa na ng kanyang lecture.
"Class alam kong naging kaklase niyo na ang halos lahat ng mga tao dito maliban sa tatlong lalaking nasa likod." Kilala ko na ang tinutukoy niya. Yung tatlong lalaking nasa kulto. "Boys, why dont you introduce yourself?" pakiusap ni ma'am. Mukhang hessitant pa nga sila tumayo pero sinenyasan na sila ni Cheol. Bakit tiklop tong mga toh dun sa isa?
Pumunta na sila sa harap at sinimulan na nga nila ang introduction.
"Hi I am Choi Seung Cheol. I am a leader of my group." saad netong si Cheol. Introduce yourself nga diba? Bakit sinama niya sa introduction grupo niya? Kaloka.
"Hi I am Wen Junhui. I act and do modelling." saad ni Jun, buti pa toh may sense ang introduction.
"Hi I am Jeon Won Woo. I am a leader of the dance club. Sali kayo pag gusto niyo." malamig na saad ni Wonwoo pero ramdam ko na naman ngiti netong ni Gela a tabi ko. Kilig siya dito?
"Okay boys you may take a seat. So since iniiwasan natin na maging maingay ang ating classroom. Magkakaroon tayo ng seating arrangement na ako ang nag ayos." Lahat naman ay nagreklamo dahil sa sinabi ni ma'am pero mas nanginigabaw ang reklamo ng tatlong lalaking nasa likod.
"Ma'am isn't this all too much?" tanong netong ni Cheol na umagree naman ang buong klase ngunit di nagpatinag si maam.
"May I remind you Mister Choi na kaya kayo na andito ngayon ay dahil your parents asked us to. Ang goal diba ay paghiwa hiwalayin kayo kaya nga di mo kasama ang ibang barkada mo ngayon?!" galit na saad ni ma'am na nagpatahimik kay Cheol pero mukhang namuo galit netong lalaking toh pero wala naman siya magagawa. Nagpaalam na ko kay Gela dahil nag aayos na si ma'am ng upuan. Tumayo na ako at nag abang na tawagin ang pangalan ko. Inabangan ko kung sino magiging katabi ko at laking gulat ko dahil katabi ko yung model.
Maangas lang siya na umupo sa tabi ko at tumingin lang sa harap. Tinignan ko ang mga labi niyang pulang pula. Anong ginamit niyang tint para dyan? Ang galing niya maglagay ng makeup.
"Kuhanan mo na lang ako ng picture. Mas tatagal yan. Magpopose pa ko para sayo. Sanay naman akong kinukuhanan ng picure both pag may consent or wala." Aba ang kapal naman netong mukha netong ni Junhui! Inaalam ko lang naman shade ng liptint niya eh!
"Hoy ang kapal naman ng mukha mo! Dyan ka na nga!" saad ko at napairap. Di manlang siya natinag at ngumiti pa. Inikot ko yung mga mata ko sa classroom at lahat sila nakatingin na sa amin. Yung mga babae eh ang sama sama ng tingin. Ano ginawa ko? Napatingin ako kay Gela na nakasimangot habang nakatingin dun kay Wonwoo. Kaya pala, may katabi palang babae yung crush niya. Pero mukhang wala namang pakialam si Wonwoo sa katabi niya kasi kanina pa nagpapapansin tong babae pero si Wonwoo ay nakikinig lang ng music ulit.
Tinignan ko ulit si Jun na ngayon ay nakasmirk na. Nako! Ang sarap hampasin netong lalaking toh ah. "You're stuck with me until the end of the school year, Luna." He grinned as he said that na nagpasimangot sa akin. Nako! Kelan ba uwian ha?
YOU ARE READING
Delulu Moments (no final title)
FanfictionA story I made just for fun. It's for my friend who likes Seventeen. This story is cringe so I won't recommend reading it if you're looking for something serious or if you don't know me.