Chapter 12

74 10 2
                                    


--------------------------------------------------------
                 Chapter--12: Twin Flame

Matapos ang ilang sandali, agad nang nagpaalam ang mga Golden Hob Goblin kay Silver. Pabalik na sila sa Malawak na parte ng gubat, at doon ay magpapahinga na sila. Isinarado na rin ang Malaking tarangkahan, at ang naiwan na lamang ay ang dalawa nina Earthorat Allastor.

Kasalukuyan ngayong nakatitig si Allastor sa dalaga mula sa mataas na gusali. At ang bawat paggalaw ng dalaga ay talaga namang nakakahalina sa paningin ng binata. Maya-maya pa ay agad na napalibutan ng dilaw na liwanag ang kabuuan ng dalaga. Lumutang ito papalabas ng bintana, at nagtungo sa kinatatayuan nila Allastor.

Nang makalapit sa sapat na distansya, dahan-dahang nawala ang dilaw na liwanag na siyang nakapalibot sa dalaga. Kasalukuyan ngayong umaapak ang walang saplot na mga paa ng dalaga sa lupa, at ngayon, mas malinaw nang nakikita ni Allastor kung gaano kaganda ang dalagang ito sa malapitan.

"Magandang gabi, Pinunong Uzuri! Ikinagagalak kong makita kayong muli!" Agad na yuko ng Dambuhalang Golem sa direksyon ng Dalaga.

"Ikinagagalak ko rin na makita kang muli, Silver," naka-ngiting sambit ni Uzuri. Tumingin muna ang dalaga sa mata ng dambuhalang Golem, at saka napadako ang paningin sa Paa nito.

"Ang kabilang paa mo? Anong nangyari sa kabilang paa mo?" Nag-aalalang tanong ng dalaga.

Napakamot naman sa kaniyang Ulo ang Golem, at saka tumugon, "Sa akin pong paglalakbay, na-engkuwentro ko ang isa sa apat na panganib sa lugar ng malayong kanluran, ang EarthorFanged Lion. Totoo pong malakas ang nilalang na iyon, kaya naman hindi ko inaasahan na malalagasan ako ng isang paa."

Napahinga naman ng malalim si Uzuri sa kaniyang narinig, at saka sinabing

"Alam kong mahirap ang magkaroon ng kakulangan sa sarili, at alam ko ang pakiramdam noon. Ngunit 'wag kang mag-alala--" Ani Uzuri at saka itinaas ang kaniyang Kanang Kamay

Wala pang ilang segundo, agad na naglabas ng dilaw na liwanag ang kanang kamay ng Dalaga. Tumungo ang liwanag na ito sa Katabing paa ng Golem, at doon ay nagkorteng paa ang liwanag. Maya-maya pa, agad na nagbalik ang nawalang paa ng Golem.

Nasilayan ito ni Allastor, at hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita. Gusto niyang magsalita at magkumento, ngunit hindi pa ito ang oras niya upang sumingit sa usapan ng dalawa. Sa totoo lang ay kanina pa gusto ni Allastor na mapansin ng dalaga, ngunit dahil sa mahalagang usapan ng Dalawa ay wala siyang mapili kundi ang maghintay.

"Maraming salamat po, Pinuno!" Muling Yuko ni Earthorsa direksyon ni Uzuri. Malinaw na makikita ang kagalakan sa mata ng golem na ito, gayong naibalik na ang nawalang kapares ng kaniyang kabilang paa. Kaya naman ganoon na lang ang kaniyang pasasalamat sa dalaga.

"Wala lang iyon. Kung sana lang ay pinasama ko sa 'yo ang aking Guro sa pag-iimbita kay Allastor, siguro ay maiiwasan ang ganitong pangyayari... T-teka... Si Allastor, Nasaan na?!" Gulat na napabulalas si Uzuri. Pinagmasdan niya ang kanang kamay ng Golem, at doon ay nakita niya ang nakaipit na binata... Nagkatama ang kanilang paningin ni Allastor, dahilan upang mamula ang mukha ng dalawa. Ang pinakahihintay ng binata, ang mapansin ng dalaga ay agad na nangyari.

"N-natutuwa akong makita kang muli Binibining Uzuri. Akala ko ay hindi na mangyayari ang bagay na ito." Namumula't naiilang na sambit ng Binata.

"S-salamat! Ganoon din ako, ikinagagalak kitang makitang muli" Ani Uzuri habang ang kaniyang mukha ay mas lalo pang namula.

"S-Silver, Maaari mo nang bitiwan si Allastor..." Dugtong pa ng Diwata.

"Masusunod po." Sambit ni Silver, at dahan-dahan nang binitawan ang Binatang kaniyang Hawak-hawak.

Allastor Frauzz(Raw Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon