CHAPTER 2.

5 2 0
                                    

⚠️ Typographical and grammatical errors.




MAAGA AKONG GUMISING dahil may pasok pa ako. Saktong alas sais nang umaga ako nagising. Alas otso pa naman ang pasok ko kaya nag tagal akong naligo sa banyo.
Pag katapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo para mag bihis.

Matapos kong maisuot ang uniform ko at maayos ang aking sarili ay nag desisyonan kong bumaba na para maka pag almusal.

"Good Morning" Bati ko sakanila ng maabutan ko sila sa kusina na kumakain na.
Binati naman nila ako pabalik.

"Zeph, sumabay kana sa kuya Zander mo." My mom said.

"Why? I have my own car." I said

"Wag nang matigas ang ulo." Si dad.





FIFT'S POV:

ITO ANG ARAW na nilipat na ako ni Inang ng paaralan. Nang maka pasa kasi ako sa scholarship exam ay hinanapan ako ni Inang ng magandang paaralan. Ang sabi nga ng aking mga kaibigan ay pang pribadong paaralan daw iyon. Kaya hindi mawala sa isip ko na makaka salamuha ako ng mga matapobreng tao.

"Anak, kumain ka ng marami para may mga isasagot ka sa guro mo." Saad sa akin ni Inang. Hinalikan ko naman siya sa pisngi at umupo na sa upuan upang maka pag simula ng kumain.

"Opo , inang." Sagot ko sakanya.

"Ano pala anak ang kinuha mong kurso?" Tanong nya saakin. Makaka limutin na talaga tong si Inang.

"About sa business po Inang" sagot ko kay Inang.

"Ayy oo nga pala, makakalimutin na talaga ako." Saad nya natawa ako ng mahina.

"Diba anak, 2nd year collage ka na?" Dagdag nyang tanong.

"Opo, Inang." Sagot ko sakanya at ipinag patuloy na ang pag kain.

Matapos kong kumain ay nag ayos na ako ng aking sarili upang maagang maka punta ng paaralan.





NASA LABAS NA ko nganyon ng bagong paaralan na papasukan ko. Nag lalakad ako papasok ng biglang may maka bangga ng likod ko. Nakita ko naman na nahulog ang mga dala nyang folder.

"Ayy sorry." Saad nya. Ang ganda ng boses nya!

"Ayos lang" tanging na sagot ko sakanya.

Tumingin naman sya sa akin. Parang natigil ang pag hinga ko nang napag masdan ko na ang maganda at mala anghel nyang mukha. Kulay kayumanggi ang kanyang mga mata at medyo mapula pula ang kanyang labi. Mukhang hindi ito nag lalagay ng make up, dahil natural na kutis nya ang aking nakikita.

"Bago ka dito?" Napabalik ako sa reyalidad ng maring ko ang kanyang tanong. Tanging tango lamang ang aking nasagot. Wala lumalabas na salita sa bibig ko.

Sabay kaming nag lakad papasok sa paaralan.

"Anong course mo?" Tanong nya sa akin habang nag lalakad kami.

"Business Management." Sagot ko sakanya.

"So we're same." Saad nya sa akin. Ito talaga ang pinaka ayaw ko ang nakiki pag usap sa akin ng ingles. Marunong naman ako mag ingles pero di lang talaga ko sanay.

"Ahhh anong year ka na?" Tanong nya sa akin.

"Second year collage." Tipid kong sagot sa kanya. Naiilang ako sakanya dahil kilala ko sya.

Sinong hindi makakakilala sa anak ng Gobernador dito sa amim. Anak lang naman sya ng Gobernador dito sa amin at ang nanay nya naman ay isa sa pinaka magaling na doktor sa Pilipinas.
Nakakapag taka nga at patungkol sa negosyo ang kinuha niyang kurso samantalang sa pag kaka alam ko ay lahat silang mag kakapatid ay patungkol sa politiko ang pinag aaralan. Ang isang kapatid nya lang ang abogado pero sinasabi nila na nag aral daw yun sa Canada ng Political Science.

"Wow, parehas nanaman tayo. Ano pa kaya ang parehas satin?" Saad nya. Hindi na lamang ako umimik.

"By the way I am Zephanie Marie Montero. Nice to meet you and you are?" Saad nya ng tumigil kami sa pag lalakad. Inilahad nya pa sakin ang kamay nya.

"Ako si Fift Dylan Hererros." Saad ko at inabot ang kamay nya upang maki pag kamay sa kanya.

"Ang cute ng name mo." Saad nya at ngumuso pa.

Pumasok kami sa parehas na room kaya tuwang tuwa sya dahil parehas na naman daw kami. Hindi ko ba alam pero napapangiti nalang ako sa inaasta nya.


ZEPHANIE'S POV

HINDI KO ALAM pero ang gaan agad ng loob ko sa lalaking yun. Bago lang daw sya dito sa school. Siguro isa sya sa naka pasa sa scholarship na ki nunduct ni kuya.

Nakita ko syang umupo sa likuran. Siguro nahihiya pa sya. Tahimik rin sya doon. Kaya hindi na ako nag dalawang isip na tumabi sa kanya. Nang mapansin nya naman na may tumabi sa kanya ay lumingon sya nabugla pa sya nang makita ako pero umiwas rin naman sya agad sa akin. Kaya hindi nalang ako umimik ang importante ay hindi sya nag iisa bago pa naman sya dito.

Natahimik ang mga kaklase namin dahil sa dumating na ang unang guro namin ngayong araw.

"Good Morning, class" bati nya sa amin.
Tumayo naman kami at sabay sabay syang binati.

"Okay class before we start. Let me introduce to all of you your new classmate." Saad nya kaya umangat naman ng tingin sa kanya si Fift.

"Mr. Hererros, please come in front and introduce your self." Dagdag nya pa kaya tumayo si Fift sa upuan nya at pumunta sa unahan kung nasaan ang guro namin.

"Magandang araw po sainyong lahat ako nga po pala si Fift Dylan Hererros." Pag papakilala nya sa amin. Biglang nag hiyawan ang mga kaklase kong babae.

'Ang gwapo nya'

'His so hot'

'His so cute and handsome'

'I want him to be my boyfriend'

'He is so pogiiii'

Rinig kong mahihinang tili ng mga kaklase kong babae. Umayos ako saking pag upo ng nakita ko si Fift na pabalik na sa upuan nya.


Halos lahat ata ng tanong ng guro namin ay alam nya dahil taas sya ng taas ng kamay kapag may tinatanong si ma'am. Bago palang sya dito pero paborito na sya ng mga guro namin. 98!!!!!!!!

⚠️ UNEDITED.

Write: March 13, 2024.

TODAY. TOMORROW. FOREVER.Where stories live. Discover now