CHAPTER 3.

8 1 0
                                    

⚠️ Typographical and grammatical errors.


MAKALIPAS ANG  dalawang buwan na pag lipat ni Fift sa paaralan namin ay siya lamang ang naging kaibigan ko. Palagi nya akong tinutulungan sa mga lesson kapag medyo hindi ko naiintindihan masyado. Hindi ka kasi nakikinig sa guro mo, yan tuloy!!!!

Nandito ako ngayon sa library at hinihintay si Fift, hindi ko kasi naintindihan yung isa naming subject kaya mag papatulong sana ako. Halos mag kakalahating oras na rin akong nag hahantay dito pero wala pa rin sya kaya naisipan ko na itong i text.

To FIFT:

asan ka na?

Send.

Ilang minuto lamang ay nag vibrate na aking aking cellphone nang tingnan ko ito ay nag reply na sa akin si Fift.

From FIFT:

Nasa room pa ako, tinutulungan ko pa si Nicole, wait lang matatapos narin kami.

To FIFT:

👍

SEND.

SEEN.

Napairap nalang ako nag i seen nya lang ang reply ko. Sabagay ano naman ang irereply nya sa like??

Sa dalawang buwan naming pag kakaibigan ni Fift ay unti unti akong nahuhulog sa kanya hanggang sa nagising nalang ako sa crush ko na siya. Hueyy landi!!!!
Ayaw kong umamin sakanya dahil baka masira lang ang pag kakaibigan namin. Lalo pa noong naaalala ko yung kinuwento nya sa akin noon.

"May balak ka bang mag ka jowa?" Tanong ko sakanya sabay kagat sa hawak kong burger.

Tinanong ko sya nang ganyan para malaman ko kung may pag asa ba ako.

"Wala pa." Tipid nyang tanong.

Na hurt ako dun. Wala na sad na ako!!!!

"Why?" Tanong ko ulit at uminom ng coke. Baka mabulunan ako sa kakatanong ko sakanya eh!!

"Wala pa sa isip ko yan." Saad nya. Huy nakaka hurt yun parang sinaksak ako ng katana ah!

"Gusto ko munang iahon sa kahirapan si Inang. Gusto ko na sa hinaharap ay maka tungtung sya sa isang bahay mayaman." Dagdag nya pa.

Sabagay may point naman sya. Sagabal pa naman ang love hmpp.

"Baka kainin mo yang sinabi mo kapag nahulog ka sa isang babae ah HAHAHAHA" Tumatawa kong saad sakanya kahit deep inside sinasaksak na ako dahil wala pa syang balak mag jowa. Landi mo Zeph!!!!

"Nahulog na nga eh." Sagot nya kaya nabuga ko ang ininom ko. The freak!!

"Huy inlove ka na ba?" Salubong na kilay na saad ko. Kanino kaya to inlove? Sakin ba?

"Yup." Tipid nyang sagot habang nakatingin sakin. Napalunok naman ako ng sariling laway. Yuck! Kadirdir!

"Ako ba yan?" Saad ko at tinaasan pa sya nang kilay. Tumawa naman sya sa tinanong ko at pinalo ang braso ko ng mahina pero dahil oa ako napasigaw ako ng OUCH!!

"NO." may diin na sabi nya. Halos maiyak ako sa sinagot nya. Napahiya ako dun ah! Hindi naman pala ako. Sakit! Saklap!

Napabalik ako sa reyalidad ng may pumitik sa noo ko. Nang tingnan ko ito ay siya pala yung taong iniisip ko.
Sinamaan ko naman ito ng tingin. Epal!!

"Problema mo ba?" Galit kong saad sakanya.

"Nakatulala ka kasi. Ano bang iniisip mo?" Tanong nya sakin at tumabi ng upo. Nang dumikit naman ang balat namin ay napaiwas ako para kasing may kuryente ang shakit.

"Iniisip ko kung pano ako aamin sa crush ko." Saad ko at ngumuso habang naka tingin sa kanya na nilalabas ang notebook nya. Napatango naman sya ng narinig ang sinabi ko. Hindi ba siya mag aadvice? Para gawin ko yun sakanya.

"Nakatitig sa kisame kakaisip kung
pano sasabihin sa iyo na gusto, gustong gusto kita ahhh!!" Kanta nya. Ganda pala nang boses nito di nag sasabi. Ngayon lang ako nakarinig ng demonyo na mala anghel ang boses.

'Makademonyo sya parang hindi hulog na hulog' Tinapik ko ang ulo dahil sa sinabi nito. Luh. May bibig ba ang isip ko o talagang praning lang ako?

"Pangit ng boses mo" Saway ko sakanya dahil hindi pa to tumitigil. Tumigil naman ito at natawa sa sinabi ko. Joke lang naman yun eh hehe. Peace!!

"Takpan mo tenga mo." Saad nya sa akin. Hindi nalamang ako umimik sa mga sinasabi nya.

Nag simula naman syang turuan ako. Bakit ba sa mga guro ko ang bagal kong maka intindi tapos pag sakanya ang dali?




HINDI KO MAPIGILAN ang aking sarili na hindi tumingin kay Zephanie. Ewan ko ba kung bakit na love at first sight ako sa babaeng to. Ginagawa ko naman ang lahat na maging cold sa kanya pero hindi parin umuobra.

Oo, may gusto ako kay Zephanie sa una palang. Kaso ayokong umamin, anak sya ng isang Gobernador at doktora samantalang ako anak mahirap.

"Tapos na." Saad ko sakanya at tumango naman sya.

Anyare sa babaeng to? Kanina ang daldal ngayon tameme.

"Na intindihan mo na ba lahat?" Tanong ko sakanya kaya tumingin sya saakin habang naka nguso.

"Oo, pero gutom na ako. Kain tayo sa labas. Libre ko!!!" Saad nya sa akin. Tumango na lamang ako habang tinutulangan syang ligpitin ang mga gamit ko.

"Saan mo ba gustong kumain?" Tanong nya sa akin.

San nga ba? Kumakain kaya sya ng street food? Tanga! Malamang hindi mayaman yan.

"Kumakain ka ba ng street food?" Tanong ko sakanya ng papalabas na kami ng library.

"Hindi pero gusto kong ma try." Saad nya sa akin.

"Sige." Tanging na sagot ko nalamang sakanya.

⚠️ UNEDITED.

Write: March 14, 2024.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TODAY. TOMORROW. FOREVER.Where stories live. Discover now