Chapter 36: Anak

6 0 0
                                    

Calvin P. O. V.

Maya-maya ay may tumawag kay Anne Villafuerte at binaba niya ang cellphone niya.

"May bisita pa pala kayo." sabi ni Anne Villafuerte.

"Sino na naman ang bisita natin?" Tanong ni papa.

"Hindi ko alam pero kung sino man sila ay kailangan natin harapin." sabi ni mama.

'Tok!!! Tok!!!' may kumatok sa pinto.

"Tao po, tao po." boses babae.

"Ako na po magbubukas ng pinto." sabi ko.

"Sige Calvin." sabi ni Anne Villafuerte.

Pumunta ako sa pinto para pagbuksan ang kumakatok.

"Anong kailangan n'yo." sabi ko.

"May nakalimutan kasi ako na bagay dito sa bahay n'yo." sabi ng babae at may nakita pa akong dalawang babae.

"Tuloy kayo." sabi ko.

Amber P. O. V.

Nandito na kami sa loob ng bahay at may nakita ako na tatlong nakaupo sa upuan.

"Anong kailangan mo, Amber." sabi ni Cassandra.

"Amber?" Narinig kong sabi ng babae parang may iniisip siya.

"May naiwan kasi akong isang bagay dito sa bahay n'yo." sabi ko.

"Naiwan? Anong bagay naman iyon?" Tanong ni Cassandra.

"Yung kwintas po." sabi ko.

"May nakasulat doon pero maliit lang ang pagkakasulat." dagdag ko pa.

"Villafuerte ba ang nakasulat doon sa kwintas mo, Amber?" Tanong ni Calvin habang nakatingin sa babae at ang babae parang nagulat at napatingin sa akin.

"Oo, bakit nakita mo ba?" Tanong ko.

"Ito ba iyon." sabay pakita ng kwintas sa akin.

"Anong pangalan mo, iha?" sabi ng babae.

"Ako po si Amber Ann Aguirre, pero 'yang hawak ni Calvin ay bigay sa akin ng nagligtas sa akin na babae." sabi ko.

"Oo. Iyan nga, saan mo nakita yan." dagdag ko pa.

"Sina Jane at Roberto Aguirre ba ang mga magulang mo?" Tanong ni Cassandra.

"Opo, bakit po?" Sabi ko.

"Natatandaan mo ba na sinabi ko sa'yo noon na may tumulong sa akin na magkasintahan." sabi ni Cassandra.

"Opo, ang sabi mo pa nga kapag nagkita kayo ay pasasalamatan mo sila." sabi ko.

"Dahil ang magkasintahan na iyon ay walang iba kundi sina Jane at Roberto." sabi ni Cassandra.

"Natatandaan ko na kaya pala pamilyar kayo. Ikaw po si Cassandra Medina ang nagligtas sa akin at si Alvin Mangubat ang pangalan mo di ba?" Sabi ko.

"Oo, patawarin mo ako." sabay luhod ni Alvin.

"Hindi kita mapapatawad dahil sa'yo ay ikaw ang sumira ng pamilya namin." sabi ko.

"Anak." sabi ng babae at nakita ko ang babae na naluluha.

Third Eye Where stories live. Discover now