Chapter 43: Gising na siya?

3 0 0
                                    

Amber P. O. V.

Habang kumakain kami ay iniisip ko pa rin ang multong iyon, nasaan na kaya siya, nasa langit na ba siya?

"Amber."

Hindi man lang ako nakapagpaalam o nakapag-sorry sa kanya.

"Amber, tinatawag ka ng mommy mo." sabi ni Lien doon lang ako nagising sa pagkatulala ko.

"Ha? Ano po iyon, mommy." sabi ko.

"Anong iniisip mo, kanina pa ako dito na kinakausap ka." Sabi ni mommy.

"Sorry mommy, iniisip ko lang po sina mama at papa." pagsisinungaling ko.

"Gano'n ba, magiging maayos din sila at makakasama mo pa sila, anak." sabi ni mommy.

"Talaga mommy, paano?" Tanong ko.

"Ipinasundan ko ang mga tauhan ko sa abandonadong bahay at nandoon na raw ang mga pulis." sabi ni mommy.

"Salamat po, mommy ligtas po ba sila?" Sabi ko.

"Hindi ko alam, anak." sabi ni mommy.

"Gano'n po ba." malungkot kong sabi.

"Oo, huwag kang malungkot anak, sa tingin ko naman maliligtas sila ng mga pulis." sabi ni mommy.

Nandito ako sa kwarto ko kasama ko ang mga kaibigan ko.

"Pwede ba akong magtanong sa inyo." sabi ko.

"Oo, ano iyon?" Sabi ni Lien.

"Naniniwala ba kayo sa ghost?" Tanong ko.

"Hahaha, hindi ako naniniwala riyan." sabi ni Dina.

"Ako naniniwala riyan, bakit mo pala natanong sa amin." sabi ni Lien.

"Kasi magsusulat ako ng kwento tungkol sa ghost." sabi ko.

"Gano'n ba, noon pa man ay gusto mong magsulat ng kwento pero ngayon matutuloy na." sabi ni Dina.

"Oo nga eh." sabi ko.

'Ringgg, Ringgg.' tunog ng cellphone.

"Hello." sabi ni Dina.

"Talaga, gising na ang kaibigan n'yo." sabi ni Dina.

"Lien, gising na si Ralph." sabi ni Dina.

"Good news iyan." sabi ni Lien.

"Sige, aalis kami rito bukas." sabi ni Dina.

"Anong good news?" Tanong ko.

"Malalaman mo rin." sabi ni Dina.

Hector Villamartin P. O. V.

Nailigtas namin ang mag-asawang Aguirre at kinwento nila ang nangyari sa amin kaya nalaman namin kung sino ang nagpadukot sa kanila.

"Dapat n'yang malaman na buhay ang anak ng mga Villafuerte." sabi ni Roberto.

"Buhay ang anak namin ni Anne?" Tanong ng paparating na tao.

"Mr. Mark Villafuerte, anong ginagawa n'yo rito?" Taka kong tanong.

"Totoo ba iyan? Nasaan siya ngayon?" Sunod na sunod na tanong ni Mark.

'Riingg, Riing' tunog ng cellphone ko.

"Hello." sabi ko. Nag-excuse ako at lumayo.

"Anong good news, Dok." sabi ko.

"Talaga, gising na siya?" Sabi ko.

"Sige, pupunta na ako riyan, Dok." sabi ko ulit.

Binaba ko na ang cellphone ko, tumakbo at naghanap ng kotse. Pumara ako ng kotse para puntahan ang aking anak.

Third Eye Where stories live. Discover now