Chapter 23: Balita

8 0 0
                                    

Someone‘s P. O. V.

“Anong balita sa kanila.” sabi ko.

“Ma‘am, okay naman at may tinulungan po si Cassandra Medina, may tumigil kasi na sasakyan sa tapat ng bahay at ang sasakyan ay na-overheat, kaya tinulungan nila ng anak n‘ya.” sabi ng isa sa mga tauhan ko.

Hanggang ngayon pala ay matulungin pa rin si Cassandra.

“Umalis na ba riyan ang tinulungan ni Cassandra?” sabi ko sa mga tauhan ko.

“Hindi pa po, kasi uulan ng malakas siguro hindi pinayagan ni Cassandra Medina sila.” sabi ng tauhan ko.

“Basta ituloy n‘yo lang ang ginagawa n‘yo.” sabi ko.

“Opo Ma‘am.” sabi ng tauhan ko.

Pinatay at binaba ko na ang cellphone ko.

Mark P. O. V.

Nandito ako sa bahay, nag-iisa at nag-iisip. Sana hindi na lang ako umalis noon, para hanggang ngayon ay kapiling ko pa ang aking asawa't anak ko.

“Sir, may naghahanap po sa inyo.” sabi ng katulong ko.

“Papasukin mo.” sabi ko.

“At saka kumuha ka na ng maiinom namin.” sabi ko.

“Opo sir.” sabi ng katulong.

“Inaasahan mo na pala ako.” sabi ng lalaki na pormal ang suot.

“Syempre, inaasahan ko na darating ka. Anong balita sa iniimbestigahan mo?” sabi ko.

“Excuse me, sir ito na po ang maiinom n‘yo.” sabi ng katulong.

“Salamat.” sabi ko.

At umupo ang imbestigador at nag-usap na kami.

“Sabihin mo sa akin sino nandoon sa bahay n‘yo sir noong ipinagbubuntis ng asawa mo ang anak n‘yo.” sabi ng imbestigador.

“Sina Carlito De Leon, Cassandra Medina at ang aking kaibigan na si Menandro Octavio. Mga katulong at mga ibang bodyguard ay nandito rin. Bakit mo naman naitanong iyan?” Sabi ko.

“Si Carlito De Leon ay isa ring bodyguard, siya ang isa sa pinagkakatiwalaan namin, si Cassandra Medina ay kaibigan ni Carlito at siya rin ang nagpaanak sa aking asawa.” sabi ko pa.

“Kung gano‘n ay si Cassandra Medina ang nakakaalam ng lahat ng nangyari kasi nandoon siya at sa tingin ko rin ay siya ang kumuha ng anak n‘yo.” sabi ng imbestigador.

“Oo nga ‘no? Kung gano‘n ay pwede mo bang hanapin si Cassandra Medina.” sabi ko.

“Oo, aalamin ko na rin kung bakit niya kinuha ang anak n‘yo sigurado may dahilan para kunin niya ang anak n‘yo.” sabi ng imbestigador.

“Ano ang ibig mong sabihin.” sabi ko.

“Kasi si Mr. De Leon ay bago siya namatay ay sinulat niya ang taong pumatay sa kanya at ang taong iyon ay hinabol niya si Cassandra Medina para patayin ang asawa't anak mo.” sabi ng imbestigador.

Third Eye Where stories live. Discover now