𝐒𝐘𝐍𝐓𝐇𝐑𝐄'𝐒 𝐏𝐎𝐕
Kumakain kami sa isang karenderya hindi naman gaano kalayo sa may mall alas dose na ngayon ng tanghali at kailangan naming bumalik sa puwesto namin ng ala-una.Kasama kong kumakain ang katrabaho ko na kaibigan ko nadin si Nika.
" Alam mo synthre hindi magtagagal itong mall na ito.Alam mobang baon na baon na sa utang si Mr.Philip dahil sa paglalaro niya sa casino.Palagi namang talunan " ani ni nika sa akin ,mahina ang pagkasabi niya at hindi naman ito nadinig ng iba.Hinampas ko si nika hindi naman gaano kalakas.
" Pssttt..Lagot talaga tayo kapag may makarinig na iba.At saka saan mo nalaman na naglalaro si Mr.Philip sa casino? " nagtatakang tanong ko kahit na ako'y kumakain.
𝑁𝑎𝑘𝑖𝑘𝑖𝑚𝑎𝑟𝑖𝑡𝑒𝑠 𝑛𝑎𝑑𝑖𝑛 𝑎𝑡𝑒𝑛𝑔 𝑛𝑖𝑦𝑜....
" Ahmmm.Nakita ko siya nung isang araw na may kausap na lalake sa harap ng casino at pareho silang may dalang briefcase at pumasok sila agad pareho.Hindi nakakapagtataka diba? " hambog niyang ani mukang alam niyang masamang mag-accuse ng walang ebidensya.
" Tama na.Kumain ka nalang jan.Baka ibang tao lang yung nakita mo or nagillusyon kalang at masamang mambintang ng walang proof " bumalik na ang tuon ko sa kinakain ko.
" Basta.Illusion man yun oh hindi may kutob ako " pagdradrama niya.
" Kumain ka nalang ,babalik pa tayo sa trabaho natin papagalitan na naman tayo "
𝐁𝐔𝐌𝐀𝐋𝐈𝐊 na kami sa aming puwesto.Marami-rami ang mga customers ngayon kaya sobrang focus ko sa pag-scan nang mga pinamimili nila.Si nika naman nandun siya sa secondfloor same kami ng position 'cashier'.
𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 kumakain si Sendria sakanyang upuan sa kanilang silid-aralan ay nakapalibot sakanya ang grupo ng mga bullies.Tinutukso siya ng mga ito...
" ahhh sendria ,toyo ang ulam...sabi mo mayaman ang tatay mo bakit ka naguulam ng toyo...kawawang sendria.." Tukso sakanya ng lider ng grupo.Pinalampas na iyun ni sendria ang sinasabi ng mga lalake.
Siya'y napuot lamang sa galit nang mabanggit nito ang tungkol sa kanyang tatay na sinasabing patay na.Hindi iyun gusto pang marinig ni sendria ang sabihan siyang walang tatay.Galit siyang napatayo at tinulak ang lalakeng nagsabi.
" Puwede ba.Tigil-tigilan muna ako.Wag mo naring banggitin ang tungkol sa tatay ko! Hindi pa patay ang tatay ko "
" Sabi ni mommy.Patay naraw ang tatay mo kaya wala na siya sainyo ngayon.Sendria walang tatay ,mahirap " paulit-ulit na banggit ng batang lalake sumabay narin ang mga kasama nito.
Sendria fist starts forming furiously.Hinablot niya ang kanyang kutsara at galit na ibinato ang lider na lalake gamit ito.Umiyak at sumigaw ang lalake dahil sa sobrang sakit nasugatan ang noo nito dahil sa talim nang kutsara.The teacher whose sitting in her desk heard the scream and cry of a kid.She rushed to come and see the blood dripping down in the floor.
" Anong nangyari? " takang tanong ng teacher.
" Binato po siya ni Sendria ng Kutsara Ma'am " ani sa kabilang linya.
Napatingin si Sendria sa guro at itinuro ang lalakeng bully.
" Ma'am sya po yung nanguna " reklamo niya.
" Hindi parin maganda ang ginawa mo.Mamaya ipapatawag ko ang mama mo sa principal office.Tara na dalhin natin siya sa clinic " sabi ng teacher at lumabas na upang dalhin ang batang sugatan sa malapit na clinic.
Nang hapon na ay pinatawag ni Mr.Philip ang buong mga employado dahil sa iaanunsyo niya hindi ko alam kung ano iyun.
Magkasabay kaming pumunta ni Nika pareho kaming sumiksik sa harap kung saan makikita namin si Mr.Philip na nakatayo at nagsasalita.
" Magandang Hapon sa lahat.Ipinatawag ko kayo.Hindi man christmas ngayon nais kolang sana bigyan kayo nang advance na ampaw para sa inyong lahat " iniisa-isang binigay ni Mr.Philip ang mga ampaw sa bawat employado niya kasama narin kami ni nika.
𝐍𝐀𝐆𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐃 na kami pauwi ni nika.Huminto si nika sa terminal dahil don daw siya magaabang ng bus medyo may kalayuan yung tinitirhan niya.Umuna na ako sakanya dahil traysikel yung sasakyan ko papuntang school ni sendria para sunduin siya.Sumakay ako sa isang traysikel na suki ko narin kapag sumasakay ako.Sa kalagitnaan ng byahe ay tumunog ang cellphone ko na nasa bag.Kinuha ko ito at unknown number ang number ng tumatawag.Sinagot ko naman ito.
" Hello? " taka kong tanong kung sino ang tumatawag sakin.
" Magandang Hapon po Miss Fernandez ito po yung principal ng school ni sendria.Pinapatawag po kayo ng magulang ng batang binato ni sendria.Dito po sa school " laking gulat ko nalang ng mabalitaan iyun.Binaba na ng tumawag sakin ang tawag sinabi ko kay manong na bilisan.
Nagaalala ako para sa anak ko.Baka may mangyaring masama sakanya.

BINABASA MO ANG
Tinaguan Ko Nang Anak Ang Apo Ng Milyonaryo
RomanceSi Devone Jazz Emualde ay isang matagumpay na business man, anak ng kilalang mayamang tao sa pilipinas. Dahil napilitan siyang tumakas sa arranged marriage ng kanyang mga magulang at sa hindi inaasahang pangyayari, aksidenteng napasok ng isang babae...