"Yownnnn! Grade 7 malala na nga" rinig kong sigaw ng isang babaeng ubod ng lakas ng boses.
"Ingay, umagang umaga. Tinalo pa bell ng school" bulong ko sabay tingin sa babae.
That girl is wearing a white top paired with a denim long skirt. Singkit at hindi naman sya kaputian...
Teka. Bakit ko ba sya tinitigan. Kainis! Hanapin ko na nga lang classroom ko.
Habang sa paghahanap ko ng letche flan na classroom na yan. Nakabangga pa ako. At kung swineswerte nga naman.
"Sorry sorry po" sabi ng babai na maingay kanina
"Ayos lang, alis na ako" balik sa paghahanap ng room
~~~~ End of Flashback~~~~~
"Doon kita unang nakita" sabay tingin kay Fhaye na nangingiti na ngayon.
Trip neto."So crush mo na ako noon, Juls Ceasar?" Kindat pa nya
"Crush? Yuck ka! Tska college ma Tayo crush crush ka parin dyan" iritang sabi koAno ba yon? Crush eh first year college na kami
"Duh? Boring mo naman! Pati crush basher" singhal nya saken sabay alis. Hindi manlang ako hinayaan na sumagot.
Totoo yan. Nagkita uli kami nong babaeng maingay ng first day hindi ko rin expect na magiging mag kaklase kami ngayong first year college. Hindi ko naman alam na psychology rin pala. Humss rin sya tapos kaibigan nya rin yung kaibigan ko na si Aneesha.
"Boyyyy! Nagawa mo na ba research mo?" Eto namang si JM parang tae
Hindi ako sumagot at sinuksuk ko nalang ang earpods ko. Narinig ko pa ang singhal nyang suplado daw ako. Atleast supladong pogi.
Natapos ang lahat ng subjects ko, isa lang naman ang subject ko ngayong araw. Nagaayos na ako ng gamit ng tinawag ako ni babae
"Hoy! Juls! Kape tayo!"
Dedma tayo syempre
"Julss! Sige na libre ko"
Ayaw paawat! Dedma pa rin
Palabas na sana ako ng bigla akong hinila at hinarap sakanya
"Bakit ba nilalayuan moko? May nagawa ba akong mali?" Pagalit na tanong nya.
Bakit nga ba?
"Ilang linggo mo na akong nilalayuan. Pwede ka naman magsabi diba kung may nagawa ako. Hindi yung ganito!" Patuloy ko lang syang tinitignan habang nagagalit sya saken
Ang cute nya magalit.
"Ano?!" Sigaw nya uli saakin
What if halikan ko to?
"JULS! ANO!" Nakataas na isang kilay na parang manununtok oh
Hindi parin ako sumagot
"Ok sige bahala ka" umalis na sya ngunit ako para akong naestatwa sa lapit nya kanina saken
Tinignan ko ang pinto nakaalis na nga. Malala ka na bro.
Lumipas ang apat na araw na hindi nya ako nilapitan at hindi tinignan. Nakakainis pero kasalanan ko naman. Pero maiinis diba??? Sino ba sya??
Hanggang sa isang linggo umabot sa isang buwan. Pero never rurupok to boy!
"Hey, fhaye" kinausap ko na hindi ko na kaya eh
"Oh?" Nakatuon parin ang tingin sa binabasang libro. Baby tignan mo naman ako dejoks lang
"Kape tayo, libre ko" kinakabahan sa sagot
Yon tinignan na rin ako, sa mata pa. "Pagkatapos mo akong iwasan sa hindi ko alam na dahilan. Mag-aaya ka ng kape? Nababaliw ka ba?" Halata sa mata at boses ang pagkairita.
Akmang aalis na sana si fhaye ng magsalita ako.
"Manhid kaba?" Ng hindi sya tinitignan
"Manhid? Naguguluhang tanong nya
"Oo fhaye, manhid kaba o nagka amnesia ka?" Tanong ko habang nakatingin sakanya
Akmang sasagot na sya ngunit mas nauna na akong nagsabi.
"Hayaan muna. Wag mo ng isipin yon. Pasensya na.
Nakalabas na ako ng classroom ngunit medjo narinig ko pa syang tinawag ako.