PANIMULA

4 1 0
                                    

"Tahimik!Mga pastilan!"

Agad na tumahimik ang buong classroom nang sumigaw na ako at tumayo mula sa kinauupuan.

Jusko lorr...Kung pwede ko lang sana sila busalan isa isa ay ginawa ko na sana.

"Psssst!"saway naman ng P.O. namin,si Andrew na kanina nya pa ginagawa habang nag-iingay ang mga kaklase namin.

Ehh hindi naman siya pinapansin.

"Guys!"Diniinan ko talaga ang para matawag ang atensyon nila na nagawa ko naman,"parang awa nyo na ,please,tumahimik naman kayo.Kanina pa nagsasaway ang mga officers hindi naman kayo nakikinig!Para saan pa ang pagboto nyo sa mga iyan kung hindi nyo sila pakikinggan!"

Mas tumahimik pa ang buong klase at bukod tanging mga nagsasayawang dahon dahil sa hangin at ingay ng electric fan ang maririnig.

Imposibleng hindi sila tatahimik o makikinig gayong ako na na president ang nagsalita sa kanila.

"Sa susunod na maulit to...maiiwan ang buong klase sa gabi."saad ko pa na ikinasinghap ng karamihan.

Alam na kasi nila kung anong punishment ang gagawin nila once na maiwan ang buong section o iilan sa mga estudyante rito sa school sa gabi.At nasisiguro kong hindi iyon magugustuhan ng kahit na sino kahit pa masaya at maganda ito pakinggan.

Lahat kami rito ay alam iyon kahit na mga transferee students pero syempre naninibago pa sila roon at hindi sila maaaring tumakas dahil mas mapatatagal ang paglabas nila ng campus.

"Guys,parating na ang next period natin.Ayusin nyo mga upuan nyo at bumalik na kayo sa mga pwesto."
Malalim nalang akong napabuntong hininga at umupo sa upuan ko.

Ang maging president ng isang klase ay mahirap at madalas nangungulelat ako dahil ito ang first time ko bilang president.Kaya thankful ako na may mga mababait akong officers at syempre ang vice p namin na si Marvic.

Swerte namin dahil siya ang nanalong vp ng klasrom.Dahil doon ay natutulungan n'ya ako sa paghawak at pag control ng mga bagay bagay sa klase dahil dati narin pala siyang naging president ng klase nila.Kaya hindi ako masyadong nahihirapan.

Pagkatunog ng bell,hudyat na uwian na kaya nagpaalam na kami sa isa't isa bago kanya kanyang lumabas ng classroom.

Public school lang 'to pero ang nagsisilbing pader namin lalo na sa harap mismo ng kada building ay purong mga salamin na makakapal.Yung tipong ni bala ata ay hindi ito kayang butasin.

Pero syempre hindi na ako magtataka kung bakit ganun iyon at kung bakit nila pinasadyang puro salamin lang.

Pagkababa sa 5th floor dahil nandun ang classroom namin,dideretso na sana ako sa exit gate nang marinig ko ang pagtawag sa akin na ikinahinto ko.

"Bakit?"tanong ko rito nang makalapit s'ya.

May mensahe na naman siguro mula sa principal.

"Lahat ng mga officers...pinapatawag ni sir sa faculty..."aniya habang hinihingal pa.

Officers?First time to ahh.

"Ganun ba..."sambit ko habang kinukuha ang tubigan sa bag at iniabot ito sa kaniya na agad naman niyang kinuha."nakauwi na yung iba,sina Filbert at Rheam na lang ata ang nasa itaas."dugtong ko pa rito kahit hindi ako sigurado.

Mga cleaners kasi ang dalawang iyon ngayon kaya alam kung nasa itaas pa sila kasama ang mga members nila ngayong araw.

"Hintayin nalang natin sila dito para sabay-sabay na tayo sa faculty."saad ko na sinang-ayunan naman niya.

Siya si Exequil.Actually last name nya yan dahil Mattheus talaga ang pangalan nya,at siya ang P.I.O. namin.

P.I.O. na laging huli sa mga announcement.

Bloody CardsWhere stories live. Discover now