D O S

2.3K 70 15
                                    

I don't know how but I managed to bring this unconscious and severely wounded man inside of the convent. Halos himatayin sila Sister dahil imbis na mga grocery ang dala ko ang dala-dala ko ay naghihingalong tao.

"Sister."

Napukaw ang atensyon ko nang marinig ang tawag sa akin ni Sister Diane. Sumenyas ito sa akin kaya lumapit ako sa kaniya.

Kakatapos ko lang kasing magpalit ng damit. Sila sister Diane at Anne muna ang nag-asikaso sa lalaking dinala ko dahil sila ang may alam sa paggagamot. Dati kasing nurse si Sister Diane.

"Bakit, sister?" Tanong ko dito nang makalapit. Hinawakan naman ako nito sa braso at hinigit papalapit sa kaniya.

"Saan mo ba nakita ang binatang iyon, sister? Ang lalim ng pagkakabaril sa kaniya. Mabuti na lang at hindi ito tinamaan sa delikadong parte ng kaniyang katawan!" Bulalas nito.

Napatingin naman ako sa paligid bago sumagot dito, "I saw him laying in the back alley, sister. Ayaw magpadala sa hospital kaya dito ko na dinala. I'm sorry," turan ko.

Umiling naman ito bago hinawakan ang aking mga kamay. Hinimas niya ito bago pinatong ang kaniyang noo.

"These hands help someone in need, sister." Nagtaas ito ng tingin sa akin, "You don't have to say sorry because there's nothing wrong with what you did."

My lips make a thin line. Muntik na akong maiyak kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

Sister Diane gently smiles, "Sister, Fr. Maurice would like to talk to you regarding that man. You should see him, okay?"

Tumango ako dito kahit na nga ba kinakabahan na ako. Father Maurice is the head priest in our church. Pangalawang beses ko pa lang itong makikita dahil palagi naman itong wala dito sa simbahan. Na sa mission kasi ito sa iba't ibang lugar.

"I will sister. Thank you."

Sister Diane nodded before leaving me behind. Huminga naman ako ng malalim bago tuluyang pumunta sa opisina ni Father.

I didn't do anything wrong but I'm still getting nervous for unknown reasons. Strikto kasi si Father at ang pinakaayaw nito ay ang mga bagay na magdadala ng kaguluhan sa simbahan.

And I just did that. Nagdala ako ng lalaking mukhang gulo ang ibibigay sa simbahan.

Mary, you're too quick to judge!

Turan ng isang bahagi ng isipan ko. Hindi ko man mapigilan pero ganoon kasi talaga ang naiisip ko sa binata. Because in the first place who would shoot someone dahil lang trip nila?

Hindi naman siguro ganoon kababaw ang mga tao.

Dahil sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa labas ng opisina ni Father Maurice.

Mas tumambol ang puso ko at parang nagkaroon ng bara sa aking lalamunan. I can't believe that I'm getting cold feet because of nervousness.

Huminga muna ako ng malalim bago dalawang beses na kumatok sa nakasarang pintuan ni Father.

Ilang segundo lang naman ang hinintay ko bago ko narinig ang strikto nitong boses.

"... Come in."

I bit my lower lip before gently opening the door and then dragging my feet inside Father Maurice's office.

"Father," I called him almost a whisper.

Busy itong nagbabasa ng mga papeles sa lamesa niya. May  suot itong salamin sa mata at makikita ang bahid ng katandaan sa mukha niya at buhok na halos purong puti na.

JudasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon