Almira's pov
*Field*
"Hoy mirang! Sino nanaman yung kasama mo kanina?" Aliyah ask as she sits right in front of me
Tumingin muna ako sa palgid dahil himala lang at di niya kasama sila Abelle at Aezie
Hininto ko muna ang pagdo-doodle ko "Nasan sila?"
"May klase pa yung mga yon anu ka ba?" Nang magtanong nanaman siya "You didn't answer me, sino nga yon?"
Para matapos na ay sinagot ko na siya
"Dencio, my new doll" sagot ko ng hindi tumitingin sakanya
"What?!"
"I said, Dencio! My new doll!" Nilakasan ko pa lalo ang boses ko para marinig niya at maintindihan pa
"No! I mean, ang cute niya kaya tapos pagt-tripan mo lang?
Hindi ko iniintindi ang sinasabe niya dahil busy ako sa pagd-drawing
Kaya bigla niyang inagaw ang sketch pad ko na ikina-pikon ko naman
"Ano ba?! Istorbo ka alam mo yon?!" Asik ko
Pero napangiti lang siya..
"Istorbo.." Nagpout pa siya
"Isa! Di mo ibibigay yan?!"
Sa takot niya ay agad na niya itong binalik.
"Mirang naman eh--"
"Please lang! Wag mo nga akong tawaging mirang!"
"Okay hindi na.. Basta ipakilala mo ko kay dencio"
Talande talaga -_-
"No, akin lang siya!"
But that doesn't mean na gusto ko siya, what i mean is AKO lang dapat ang mag may-ari sakanya. Co'z he's my doll ^__^
***
"Manang? Where's dencio?" Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng bahay ay hinahanap ko na agad siya
"Mira, naglalampaso sa kitchen natapon kasi yung sabaw kanina"
Hindi ko na tinapos ang sinabe niya at dumako na ko kung saan siya nandon
Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko na siya na inaalis ang mantsa sa tiles.
Kawawa naman siya. HAHA may naiisip nanaman ako ^_^
"Hi dolly!!" Pagkabati ko ay naglakad ako sa parte ng nilinisan niyang sahig
At voila! Madumi na ulit ang sahig! HAHAHA
I can see his angry face
Ang sama ng tingin niya sakin
"Galit ka? Sorry ah!" At umalis na ulit ako, syempre tumungtong ulit ako dun sa part na malinis na
Imagine? He will start all over again! Hahaha
Nakakatawa talaga siyang lokohin
Nang maglakad na ko paakyat sa kwarto ko, may hindi inaasahang sumalubong sakin
Napako na mga paa ko sa tinutungtungan ko
Tapos parang napipe na rin ako
Di ko alam kung anung gagawin
"Almira" natauhan ulit ako ng banggitin niya ang pangalan ko
Pero umaakyat lang ako at hindi na siya pinansin.
BINABASA MO ANG
Ang Pulubi at Ang Prinsesa
RandomNatural lang sa mayayaman ang magkaroon ng taga silbi. Pero pano kung ang amo mo ay napakalupit sayo? Tama pa kaya yon? Pero! Ano itong mangyayaring himala? Magkakapalit sila ng sitwasyon. Makakaganti na ang taga silbi sakanyang amo, ngunit maitutul...