APAP- Chapter 5

15 0 0
                                    

Dencio's pov


"Dolly?? Why are you here?" Takhang tanong niya

"Obvious ba?! Syempre dito ako nakatira eh!" Sagot ko sakanya

Nanlaki ang mga mata niya at napaupo sa papag na tila nanghihina dahil napasapo ito sa noo niya

Bumulong naman ako sa kapatid ko para mag-utos "Andoy, ikuha mo siya ng tubig"

Tumango ito at kumaripas na sa kusina

Nakatingin lang ako sa baliw na to

Tama ba na pinatuloy ko to dito?

Kung hindi lang dahil sa kapatid ko hindi ko tutulungan to...

Hahayaan ko pa siyang magpalaboy-laboy sa kalsada. Hindi naman sa masama ako pero kasi baka karma lang yon dahil sa mga kalokohan niya.

"Dolly.. Ang sakit ng likod at ulo ko, can you please get me some medicine? Or rather take me to the hospital. I can't stand this"

Ooow kawawa naman si kamahalan tsk tsk tsk

Anung kala niya? Utusan niya pa rin ako? Utut niya!

"Ayan ang dahon ng bayabas oh" iniabot ko ang dahon sakanya "yan lang ang gamot dito. Tska simpleng sakit lang ng ulo yan! Wag kang maarte"

Pero di niya naman pinansin yung sinabe ko at parang may iniisip pa siya

"Pwedeng favor?"

"Ano yun?" Biglang nag iba ang mood ko

"Dito nalang ako sainyo.." Tas mukhang kaawa-awa abg itsura niya

"ANO??!!!" Gulat na tanong ko ulit

Aba, ibang klase na talaga ang kahibangan nitong taong to

"Kuya sige na po. Dito muna siya" pagmamakaawa ng kapatid ko na kararating lang dala ang isang baso ng tubig

"Andoy, anung pinakaen sayo niyang basagulera na yan ha? Hindi mo alam ang ugali niyang babae na yan" naiinis na litanya ko pero tinabihan niya lang si mira at nakipag-ngitian ito sakanya

"Kuya naman! Ang bait-bait kaya niya sakin" aniya

Aba tignan mo nga naman, nakahanap pa ng kakampi to

"Oo nga dencio, makinig ka naman sa kapatid mo no" ngisi niya

Hindi nalang ako nagsalita dahil sa inis. Mag kaka-altapresyon pa yata ako ~_~

***

"Tas ayun,Naramdaman ko nalang na may humampas sa likod ko" kwento ni Mira

Para kaming mga bata sa pakikinig ng kwento niya

Nandito na si Tita pati yung bunso kung kapatid galing sila sa palengke

Maya-maya ay nagsalita si Kara yung kapatid ko na bunso

"Ah! Kaya pala! Napulot ka namin ni Kuya andoy nung papasok na kami sa school."

"Buti nalang wala silang ginawang masama sayo ano?" Sabi ni tita na naghahain ng pagkain dahil hapunan na rin namin.

Tumango si Mira "kaso nga lang kinuha po nila yung mga gamit ko, tska yung kotse ko po, sana pinatay na rin nila ko kung ganun rin lang"

Nagkatinginan kami ni tita dahil sa nasambit na iyon ni Mira

Umiling nalang ako.

Hanggang ngayon pagkatapos ng nangyare sakanya mahalaga pa rin yung materyal na bagay

Ang Pulubi at Ang PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon