CHAPTER 01

14 5 0
                                    

Samyo ng sampaguita ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Umaga na at kailangan na bumangon. Ang saya ko, at palagi ang kasiyahan sa akin.

Masigla akong bumaba ng hagdan; nakangiting lumapit sa aking kapatid. She's sipping her coffee while reading something from the magazine.

"New style?" tanong ko. Tuloy lang siya sa pagtitig sa hinahawakan at nagbigay lamang ng tugon. Nilingon ko ang paligid.

"Good morning, Stallion," bati ko sa isa kong kapatid na tanaw ko naman hindi kalayuan sa amin. May ginagawa siyang hindi maganda.

Nilingon niya ako at inirapan. Agad ko naman siya nilapitan para ikompirma ang kanyang ginagawa.

"Ano 'yan?" tanong ko at nakakunot pa ang noo.

"Ano ba sa tingin mo?"

"So, mag-e-effort ka ulit sa kaniya?"

"Inggit ka?"

"May kainggit-inggit ba sa inyong dalawa?"

"Sige, asarin mo pa ang sarili mo. Malay naman natin at hindi kita ihahatid sa university mamaya."

"Edi wow. Mag-c-commute na lang ako."

"What if i-cancel ko ang allowance mo mamaya?"

"Sige, asarin mo ako at may kalalagyan sa akin ang jowa mo."

Humarap siya sa akin. Nakataas noo naman ako na tila ba hindi takot manghamon.

"How old are you again?" he asked.

"Twenty."

"How old am I?"

"Twenty-nine."

"I'm older than you, right?"

"Well, I know." I heaved a sigh.

"Therefore, you're younger than me," he said and made an evil laugh. Masaya siya sa joke niya.

"Siraulo ka ba?"

"Kinabahan ka ba?" natatawang sabi niya. Halatang nang-aasar lamang ito sa akin.

"Hindi naman. So, bakit natatawa ka?"

"May ginagawa ako, Star. Baka pwede ka na umalis." Ginulo ko ang kanyang buhok saka tumalikod.

"Kakain na ako," sambit ko at tumuloy na sa kusina para maghanda ng makakain.

"Bread or pasta?" Nag-iisip ako sa pwedeng kainin. Hindi naman kasi ako gaanong kumakain during breakfast.

"Good morning, Star." Mi greeted me with a smile.

"Mas maganda ka pa sa umaga ko, Mi," bawing sagot ko sa kaniya at ngumiti ng malapad.

"Breakfast?"

"Hindi ako gutom," palusot ko. "Pero may cravings ako at this moment."

Mi is one of our kitchen staff. She does a big contribution to our house; for the family.

"Ikaw na lang ang hindi pa kumakain."

"How about dad?"

"Maaga siyang umalis kanina."

"Saan daw siya pupunta?"

"Business."

"Palagi naman siyang busy."

Into your Arms (ON GOING)Where stories live. Discover now