"Want to join with us?" anyaya ni April sa kalalakihan. Ngumiti ang isa sa kanila at sumenyas sa mga kasamahan para kami ay tabihan.
Nasa pagitan ako ng dalawang lalaki. Amoy alak; masyadong maangas kung makatitig sa amin. Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba ako. Ang alam ko ay nasa inuman kami at anim na lalaki ang nakaupo sa aming bawat panig at umiinom ng alak.
"Hindi ka pa ba uuwi, Ms. Hidalgo?" tanong ng lalaking nasa aking kaliwang bahagi.
Umiling ako. "Hangga't hindi pa magsitigil ang dalawang iyan," turo ko sa mga kaibigan. "Hindi ako uuwi."
"Alam ba ng kuya mo na nandito ka?"
"He's busy."
"How about your sister?"
"Still the same."
"And your dad?"
Nilingon ko siya. "Do you know me?"
Ngumiti siya at sumimpleng lumapit sa aking mukha. "Bakit naman hindi?"
"Fuck off."
"Nagmumura ka na pala ngayon," giit niya at mas lumapad pa ang ngiti.
Tinungga ko ang hawak na bote at sumandal sa kanyang balikat. Ang kapal ko para gawin ito. Parang gusto ko lumandi ng wala sa tamang oras at pagkakataon.
Hinimas niya ang aking braso. Ramdam ko ang lamig sa kanyang palad. Hindi man lang ako nakaramdam ng takot sa kaniya. Komportable ako sa puwesto ko kasama siya.
"May sasakyan ka bang dala?"
"Wala."
"Ako na maghahatid sa'yo pauwi," saad niya.
"Hindi na. Kaya ko naman ang sarili ko. Salamat."
"Ayaw mo sa offer ko sa'yo?"
Inangat ko ang tingin sa kaniya. Kalmado lang siyang nakatitig sa akin. Guwapo siya.
"Ihahatid naman ako nina Bea."
"Baka mapahamak ka pa," dagdag niya.
"No, thanks." Sandali ko siyang tinitigan at hinalikan sa pisngi. Nagulat siya.
"What's that all about?"
"A kiss."
"I know. I mean, why did you kiss me?"
Tumawa ako. "Ayaw mo ba sa offer ko?"
"Hindi mo naman ako kilala para halikan mo ako."
"So, galit ka?"
"Hindi. What I'm trying to say is, huwag mo iyon ulitin. Hindi maganda."
Ngumiti akong muli. "Thank you."
"Lasing ka nga talaga."
"Hindi pa."
"Umuwi na tayo."
"Ayoko." Itinuwid ko ang upo at inayos ang sarili. Ewan. Parang ayoko nang umuwi.
"Star," tawag sa akin ni April. Binalingan ko siya.
"Umuwi na tayo." Tumango naman ako at akmang tatayo na nang hawakan ng lalaki ang aking braso.
YOU ARE READING
Into your Arms (ON GOING)
Fiksi RemajaWhen Star meets Zi; her Personal Driver. How did Zi controlled Star's flirty attitude? At paano rin ba maaakit si Zi sa kaniya? May katotohanan kaya sa pagkatao at nararamdaman ng bawat isa? Wala nga bang tinatago na sikreto ang isa't isa? Sino at a...