CHAPTER 05

5 2 0
                                    

"Star, give me the keys," mahinahong utos niya at inilahad ang isang kamay. Umiling ako. May kung anong galit sa aking puso.



"Star, kapag nagpumilit kang umalis ngayon, sa'yo sila unang magagalit. Kaya pakiusap, ibigay mo na sa akin ang susi."



"Then, fine." Ibinigay ko sa kaniya ang susi at agad na ring tumalikod para bumalik sa loob ng bahay.




Tumuloy ako sa aking silid na nasa ikalawang palapag. I locked the door at humiga. Kumawala pa ako ng hangin bago tuluyang pumikit ang mga mata.




"Okay na ako, Star. At sana, ikaw rin."



"Ang mahalaga, you fight for us at masaya na kami roon."



I heard a knocking on the door between the voice echoing.


"Damn it," giit ko at iminulat ang mga mata. I realized na hindi pa pala ako nakapagpalit ng damit.



Ang tamlay ng katawan ko, pero pinipilit na bumangon. Nagpalit ng damit pantulog. I feel hungry kaya't naisipan ko ang lumabas para makakain ng dinner.



"Gross," sambit ko nang masilayan ang madilim na kapaligiran. Anong oras na ba at nakapatay na lahat ng ilaw? Tumuloy pa rin ako kahit medyo matatakutin sa dilim.



Nasa huling baitang na ako ng hagdan nang may matiyempuhan akong isang maliit na ilaw malapit sa may bintana. Amoy usok.




"Stallion," tawag ko sa isang buong dilim na hugis tao. Hindi ako nakaramdam ng kaba o takot.



"Nagugutom ako," dagdag ko pa. Usok ay unti unting lumalamon sa akin pagkalapit dito.



"Could you please turn on the lights for me?"



"Gising ka na pala," sagot niya. Medyo ikinagulat ko nang marinig ang kanyang boses. Hindi si kuya ang kausap ko.



"Who are you?"





Biglang umaninag ang ilaw mula sa isang cellphone. Hawak niya pala ito. I saw his reflection. Hindi nga si kuya ang lalaking nasa aking harapan. It was Zi; my driver.



"Bakit gising ka pa, kupal?" 




"Bawal ba magising sa ganitong oras?" 



"At may gana ka pang manigarilyo rito sa loob ng bahay," mataray kong sabi sa kaniya.



"Gutom ka, hindi ba?"



"Medyo gutom lang. I forgot to eat dinner kanina."



"Paano kasi at inuna pa ang pagsusungit, hindi ba?"




"Sira ka ba?"



"Asar ka ba?"




"Kakain ako."



Nauna siyang naglakad. Sumunod naman ako. He turn on the lights sa mismong kitchen. I used not to talk kasi pagod ako. I need to eat and rest back after.



Hinainan niya ako ng pagkain at maging ang aking maiinom. Umupo siya sa harap ko matapos mailatag ang mga ito. I begin to eat. Grabe, ang sarap ng chicken caldereta.



"Hindi sila makakauwi," giit niya. Sandali akong huminto sa pagsubo. Hinihintay siya sa susunod na sasabihin.




"Bukas pa sila ng hapon makakauwi rito," dagdag niya. Lumagok ako ng tubig at inangat ang tingin sa wall clock.



Into your Arms (ON GOING)Where stories live. Discover now