chapter 1

14 0 0
                                        

Maganda dito sa Batanes mababait ang mga tao at maganda ang ihip ng hangin. It helped me forget my problems, I want to make this travel a moment that will never be forgotten. Gusto kong gawin tong memorable kahit na magisa lang akong pumunta dito. Iikotin ko muna ang lugar na ito bago ako pumunta uli sa ibang lugar.
Nakakita ako nang bilihan ng souvenir dito kaya lumapit ako.

Nagtitingin-tingin lng ako ng mga keychain na pwdeng pang souvenir. Napagisipan ko ring bilhan ng pasalubong ang kaibigan ko. Meron akong nakitang magandang bracelet nang kukunin ko na sana biglang may kumuha nito.

"Teka, ak- " natigilan ako nong napagtanto kung sino ang kumuha nito the same guy I bumped yesterday.  Sa laki ng lugar ba't ko ba laging nakikita tong taong to.

"Manong magkano? " tanong niya sa nagtitinda na parang wala siyang pake alam na may bibili sana nito.

"Teka, una kong nakita yan eh." Sabi ko. Para malaman niyang nauna naman talaga ako.

"Nauna kong kunin kaya akin to" sabi niya na parang wala siyang pakialam. Parang hindi niya talaga ako naalala, pero wala naman akong pake. Medyo suplado talaga tong lalaking to ah nakakainis.

"Bahala ka na nga jan, sayo na yan kung gusto mo!" Napagdesisyonan kong ipaubaya nalang ang bracelet at maghanap nalang ng iba at marami pa namang magaganda. Ewan ko talaga pero naiinis na talaga ako sakanya ha. Umalis na ako doon at hindi na hinintay pang makapagsalita siya. Nagtungo naman ako sa isang lugar na nakikita lahat ng magagandang tanawin. Namangha ako sa ganda nito.

"Ang ganda" sabi ko pagkakita ko na papalubog na ang araw.

"Ang ganda nga" napatingin ako sa taong nagsalita sa tabi ko at nakatingin sa akin.

"Ikaw nanaman?" Inis na tanong ko.

"Grabe ka naman, kaya kita sinundan para ibigay to" pinakita niya sa akin ang bracelet na pinagaagawan namin kanina sa shop.

"Ba't ko ibibigay sakin yan, pinaubaya ko na nga sayo diba? Kaya wag na sayo na yan." Sabi ko at paalis na sana.

"Teka lang baka akalain mong stalker ako ha gusto ko lang talagang ibigay sayo to, hindi ko naman kasi inakalang nagustohan mo din pala ang bracelet na to" Sabi niya.

Hindi niya ba talaga maalala na nagkakilala na kami sa airport noong papunta ako dito o nagpapanggap lang siyang di niya ko namumukhaan. Sa bagay sa dami rin namang tao nung araw na yon namumukhaan niya pa kaya ako atsaka hindi naman namin kilala ang isa't Isa kaya paano niya ako makikilala.

"Hindi sayo nayan" okay lang naman talaga sa akin na mabili niya tsaka di naman talaga big deal sadyang nainis lang ako dahil mas nauna niyang kunin ito.

"Ali nga pala" nilahad niya ang kamay niya. Eto naman talaga purpose ko dito diba ang kumilala ng mga bagong tao?.

"Lilah" sabay kuha sa kamay niya.

Ngumiti siya sa akin.

"Pwede bang magtanong?" panimula niya.

"Nagatatanong ka na nga" pilosopo kong sagot.

"Pilosopo mo naman, bago ka lang ba dito?" tanong niya.

"Ah oo, nagpunta lang ako dito para magbakasyon first time ko nga to eh yung mag travel mag isa" hindi ko alam kung bakit nakikipagusap na ako sa supladong to.

"Nalibot mo na ba ang lugar?" sunod na tanong niya.

"Sa totoo lang hindi pa kadadating ko lang kahapon" Sabi ko.

Napansin kong medyo dumidilim na kaya magpapaalam na ako sa kanya.

"Una na ako ha medyo malapit na kasing magdilim" kailangan ko na talagang umalis kasi hindi ko pa kabisado ang lugar baka maigaw pa ako pabalik.

"Sige uhm ah" pansin kong meron siyang gustong sabihin.

"May sasabihin ka pa bah?" Tanong ko sa kaniya.

"Uhm kung hindi mo pa masyadong kabisado ang lugar pwede mo akong maging tour guide matagal na din naman akong pabalik balik dito eh kaya alam ko ang lugar na to." Sabi niya tatangihan ko na sana pero napagisip-isip ko na hindi ko pa alam masyado ang lugar.

"Pwede naman mukha ka namang maasahan eh, sige kita kits bukas?." Sabi ko sa kanya.

"Sige, dito nalang din tayo magkita." Siya.

"Una na ako" umalis na ako dahil gumagabi na.

Alam kong hindi magandang sumama sa hindi ka kilala pero hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sakanya. Siguro dahil na rin nakita ko na siya sa airport.

Final DestinationWhere stories live. Discover now