𝐭𝐞𝐧

5 2 0
                                    

𝐵𝑒𝑜𝑚𝑔𝑦𝑢

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝐵𝑒𝑜𝑚𝑔𝑦𝑢

Nagulat ako nung ginawa niya yung ginawa ko din pero I acted na wala lang. Oemji, hinalikan ako ni Yuki??

Nag cut na si Eunbi kaya agad akong tumayo, nilagpasan naman ako ni Yuki kaya lumapit na ako sa mga kaibigan ko.

"Did you guys just kissed each other?" di makapaniwalang saad ni Kai, nag shrug na lang ako.

Ayaw ko na lang isipin.

"Pwede na bang umuwi, Eunbi?" tanong ko, tumango naman si Eunbi na halatang gulat parin.

Hindi ka nag-iisa. Kasalanan ko din naman kung bakit hinalikan ako ni Yuki eh, nauna kasi ako nanghalik. Nakakahiya.

"Ingat kayo, Beomgyu." saad ni Eunbi, tumango na lang ako at hinila na ang dalawang kumag paalis.

-•-

Nakadating na kami sa apartment namin at yung dalawang kumag ay agad agad pumasok, hulaan ko kung anong gagawin nila.

Malamang ay sasabihin nila ang nangyari para aasarin nila ako ng sabay sabay.

"Hoy Beomgyu! Ano 'tong naririnig namin tungkol sa inyo ni Yuki?" pagkapasok ko pa lang ay rinig ko na ang boses ni Yeonjun hyung.

Napairap naman ako. Sabi na eh, sinabi nga nila sa dalawang matanda. Hindi man lang ako pinaupo muna bago maki-chismis. Daretso agad don sa chismis.

"Pagpahingahin niyo muna ko please." saad ko at umupo sa sofa. "I-chismis mo muna!" saad ni Soobin hyung, muli akong umirap.

"Bakit ba interesadong interesado kayo?" tanong ko na parang naiinis na. "eh kaaway mo si Yuki eh!" sagot ni Yeonjun hyung.

Dahil lang don kaya interesado sila?

"So, ano na nga? Anong nangyari?" tanong ulit ni Yeonjun hyung, I groaned. Hindi ko talaga sila matatakasan nakakainis!

"Hinalikan ni Beomgyu hyung si Yuki noona tapos ganon din ginawa ni Yuki noona nung turn niya na." madaldal na saad ni Kai, sinamaan ko naman siya ng tingin.

Gago? Nauna pa talaga siyang mag-explain ha.

The two of them gasped. Speaking of the two, si Soobin at Yeonjun hyung yung tinutukoy ko.

"Oh my gosh! Nagbibinata ka na Beomgyu! Bakit ka nanghalik? Buti di ka sinapak ni Yuki." saad ni Yeonjun hyung.

Buti nga talaga hindi ako sinapak nun. Apaka sadista pa man din nung babaeng yun.

"Para lang maganda yung scene kaya ko ginawa yun. Para din manalo kami dahil alam ko naman na hinihintay yun mangyari ng mga teacher. Kunwari pa sila." saad ko.

Totoo naman kasi. Naggawa pa ng culminating activity yun lang naman gusto nila makita.

"Yuh, akala ko pa naman kung ano na." saad ni Kai, tumayo naman ako sa pagkakaupo ko.

"Since tapos na kayo sa pagi-interrogate, pwede na bang pumunta sa kwarto ko?" tanong ko habang nakataas pa ang kilay ko.

Tumango naman sila kaya tumango na lang din ako. Umalis nako at dumaretso sa kwarto ko.

Nakakapagod ngayong araw. Nagpalit naman ako ng damit na pangtulog at pagkatapos ay umupo ako sa kama ko.

Napahawak naman ako bigla sa labi ko.

Damn, that was my first kiss. I can't believe binigay ko na lang sa kanya basta basta yung first kiss ko.

What really push me to kiss her? Is it because her lips are kissable? Weh? Ah hindi ko na lang iisipin yun.

I sighed at humiga sa kama ko at unti unting pinikit ang mata ko. Naramdaman ko na din yung bigat kaya nakatulog na din ako.

-•-

"BAKIT MO KO HINALIKAN KAHAPON?" napatakip naman ako ng tenga ko dahil sa sigaw ni Yuki, tumingin naman ang lahat sa amin.

Nasa amin tuloy ang atensyon, kainis!

"Hinalikan mo din ako?" saad ko na parang wala lang sa akin pero it's a big deal din dahil first kiss ko yun pero hindi ko siya sisisihin since ako naman ang nauna.

"That was my first kiss you idiot!" eskandalosang saad niya, oh... So that is also her first kiss... Interesting.

"First kiss ko din yun pero hindi ako nag eskandalo." saad ko, umirap naman siya.

"You're bullshit!" sigaw niya, tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Okay?" saad ko at nag cross arms.

Mukhang nainis naman siya dahil sa ginawa at sinabi ko.

"Pwede bang umalis kayo sa harap ko? Naririndi na tenga ko sa inyong dalawa kung pagbuhulin ko kayo diyan?" Narinig ko naman ang saway ni Taehyun.

Napatingin naman kami sa kanya. Nandito pala siya. Sinamaan niya kami ng tingin dalawa.

"Umayos kayong dalawa. Lagi na lang kayo magkaaway. Hindi pa kayo naririndi?" tanong niya pa, napatingin naman ako kay Yuki at ganon din siya.

"Hindi." saad namin pareho, umirap naman si Taehyun. "Bahala nga kayo." saad niya at umalis na, nauna na sa classroom.

Si Yuki naman ay tumingin sa akin ng masama bago siya umalis, binangga pa nga ako sa balikat.

Kainis talaga yung babaeng yun! Bakit ba kasi siya nag transfer dito eh ang dami dami namang school dito.

Kabwesit siya!

Umirap na lang ako at pumunta na din sa classroom.

𝐫𝐞𝐠𝐫𝐞𝐭𝐭𝐚𝐛𝐥𝐲 𝐚𝐭𝐭𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝 , 𝐜.𝐛𝐠 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon