𝐭𝐰𝐞𝐧𝐭𝐲 𝐭𝐰𝐨

5 2 0
                                    

𝑌𝑢𝑘𝑖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝑌𝑢𝑘𝑖

"Good Morning, Yuki!" Bati agad ni Eunbi pagkapasok ko ng room. Napansin niya ata na wala ako sa mood kaya agad siyang sumimangot.

"Agang aga wala ka sa mood?" Tanong niya, I poked my cheeks.

"Wala," sagot ko, umiling na lang siya at umupo na kami sa upuan naming dalawa.

"Bakit wala?" Tanong niya kaya nainis ako.

"Kasi wala," sagot ko, umirap naman siya.

"Seriously? Is it about yesterday?" Tanong niya, agad naman akong napailing.

Bakit naman yun? Wala na nga akong pake doon eh! Kinalimutan ko na nga yun tapos binring up niya pa.

"What the heck no!" Sagot ko, nagtaka naman siya.

"You're so obvious gosh," saad niya, umiling na lang ako.

"Do you like him ba? Be honest to yourself, Kim Yuki," saad niya, hindi ko naman siya sinagot dahil hindi naman kasi talaga ako sure.

Ayaw ko kasing isipin na may gusto ako sa kanya. I hate to think about that kaya as much as possible ay binabaon ko na agad yung tanong na yun.

"Bakit hindi ka makasagot?" Tanong niya at kinulbit pa ako, nainis naman ako. She's so pushy.

"I don't know okay?! Don't mention it," sagot ko, bumuntong hininga naman siya.

"Sorry," saad niya, hindi ko na lang siya pinansin at yumuko sa table.

Bakit ba ako ganito? I'm not like this. Hindi dapat ako nab-bother kay Beomgyu. He's just my enemy. Sinadya ba niya na bigyan ako ng mixed feelings dahil hate niya ako?

I fucking hate him oh my gosh!

"Hey, Yuki!" Kulbit naman sa akin ni Eunbi kaya napaangat ako at tumingin sa kanya.

"Yeah?" Tanong ko, ngumuso naman siya kaya nagtaka ako. "What?" Tanong ko na nakakunot pa ang noo.

"Ayan na sila Beomgyu kaya umayos ka kung ayaw mong mapansin nila na there is something off with you," saad ni Eunbi kaya tumango ako at umayos ng upo.

Nagdaldalan lang kami ni Eunbi para hindi nila kami lapitan dahil hindi nga namin sila pinapansin diba.

-•-

"Bibili akong Lasagna, gusto mo?" Tanong ni Eunbi, tumango na lang ako dahil nagc-crave din naman ako sa Lasagna.

Tumayo na siya at umalis na leaving me alone on our table. Kumakain lang ako ng packed lunch ko na luto ni Kuya. Once in a life time lang 'to 'no.

Habang nakain ako may napansin naman ako na may nakatayo sa gilid ko kaya tumingin ako doon only to see Choi Beomgyu.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkain ko. "Can I sit here?" Tanong niya, hindi ko siya sinagot dahil nga hindi ko siya pinapansin diba?

Pero umupo parin siya sa tabi ko kahit hindi ko siya sinagot sa tanong niya. "Hey, Yuki," tawag niya pero nagpanggap ako na walang naririnig.

"I'm sorry for ignoring you yesterday. Wala akong valid reason kung bakit ko yun ginawa but I just wanted to say sorry," saad niya, ngumuya lang ako.

Tss... wala pala siyang valid reason eh so bakit niya ako hindi pinansin? Bahala siya diyan.

Bumalik na si Eunbi kaya I was glad. Napatingin naman agad si Eunbi kay Beomgyu habang si Beomgyu naman ay bumuntong hininga at tumayo na para umalis.

"Anong sinabi niya?" Tanong ni Eunbi, nag shrug na lang ako dahil ayaw kong sabihin sa kanya. For sure ay pipilitin lang ako ni Eunbi na pansinin si Beomgyu.

-•-

Pauwi na ako, hindi ako sinundo ni Kuya ngayon dahil may pinuntahan siya kaya naglalakad lang tuloy ako.

Kumunot naman ang noo ko ng may naramdamang may nakasunod sa akin kaya napatingin ako sa likod ko.

Napa-facepalm naman ako dahil si Beomgyu na naman. "Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya, tinikom niya naman ang bibig niya.

"Sasabayan kitang umuwi," saad niya, umiling naman ako.

"No need," sagot ko at pinagpatuloy ang paglalakad ko dahil gusto ko ng umuwi pero hindi niya ako sinunod dahil nakasunod parin ako sa kanya.

"Seriously, what's your problem?" Tanong ko at humarap ulit ako sa kanya.

"I wanted to say sorry," saad niya, umirap naman ako.

"Keep it to yourself," sagot ko at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Wala na akong pake kahit nakasunod siya sa akin.

Pagdating ko sa tapat ng bahay namin, binuksan ko na agad ang gate pero kung minamalas nga naman ay sakto pang lumabas si Mama ng bahay.

"Yuki? Andito ka na pala," sabi na Mama, tumango naman ako at napatingin naman siya sa likod ko. Agad namang tumaas ang kilay ni Mama.

Jusko! Minumura ko na ang sarili ko sa utak ko kasi naman!

"Sino 'to, Yuki?" Tanong ni Mama, napatingin naman ako kay Beomgyu na mukhang kinakabahan.

"Hello po! I'm Choi Beomgyu, kaibigan po ni Yuki," sagot ni Beomgyu, si Mama naman ay biglang nag 'ah' at tumango.

"Partner ni Yuki sa Romeo and Juliet? I see," saad ni Mama, naalala niya pa yun?

"Yuki, papasukin mo siya," saad ni Mama. "Ijo, dito ka na mag dinner," yaya pa ni Mama, si Beomgyu naman ay napakamot sa batok niya.

"Sige po," saad ni Beomgyu, nakakainis!

"May bibilhin lang ako saglit, pumasok na kayong dalawa," saad ni Mama, tumango na lang kami pareho ni Beomgyu at umalis na si Mama.

Umirap na lang ako at tumingin kay Beomgyu. "Pasok," saad ko.

𝐫𝐞𝐠𝐫𝐞𝐭𝐭𝐚𝐛𝐥𝐲 𝐚𝐭𝐭𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝 , 𝐜.𝐛𝐠 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon