𝐭𝐰𝐞𝐥𝐯𝐞

4 2 0
                                    

𝑌𝑢𝑘𝑖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝑌𝑢𝑘𝑖

Ngayon ang araw na mage-edit kami ng film namin. Parang gusto ko na nga mag back out eh knowing that kasama pala si Beomgyu sa page-edit.

Bwesit.

Sa bahay daw kami nila Taehyun mage-edit sabi ni Eunbi. Sabi niya ay sabay na lang kami pupunta doon.

Tinignan ko naman ang phone ko para tignan kung nasa labas na siya. Siya na lang kasi hinihintay ko, ready nako.

But I'm still contemplating kung sasama ba ako or what. Tumunog naman ang phone ko at si Eunbi yung nag chat.

Sabi niya ay nasa baba na siya kaya agad agad akong bumaba. Bahala na nga, sasama na lang ako.

"Ma, aalis po ako!" paalam ko, asan ba kasi siya? "Saan ka na naman pupunta?" tumingin naman ako sa likod ko, luh?

Kung saan saan nasulpot eh. "Project po." sagot ko, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa para tignan kung nagsisinungaling ba ako or what.

"Wag magpagabi." saad niya, tumango na ako at umalis na. Naghihintay kasi si Eunbi sa labas.

Paglabas ko ay hinila ko agad siya. "Ay wow, excited!" saad niya, umirap naman ako at umiling.

"I'm not excited baka lang lumabas Mama ko bigla." sagot ko, napa 'ah' naman siya.

"Saan ba bahay ni Taehyun? Alam mo?" tanong ko, tumango naman siya. "Oo, malapit lang sa inyo. Kayang lakarin." saad niya, tumango na lang ako.

-•-

Hindi nga malayo yung bahay ni Taehyun dahil nakadating agad kami. "Ikaw na kumatok." sabi ni Eunbi, umiling naman ako.

"Ayaw ko nga, hindi naman ako ganon ka-close sa kanila." saad ko, umiling na lang siya at kumatok na.

Naghintay naman kami ng ilang minuto at binuksan na ito ni Taehyun na mukhang kakaligo lang dahil basa pa ang buhok nito.

"Oh, hi guys!" bati niya, we greeted him as well at pinapasok niya na kami sa bahay nila.

Medyo malaki yung bahay nila or tingin ko lang dahil malaki yung sala. "Walang tao sa inyo?" tanong ni Eunbi, nauuna siyang maglakad.

"Yup." sagot ni Taehyun, in fairness malinis yung bahay nila. "Okay lang ba dito tayo sa sala?" tanong ni Taehyun, tumango naman kami ni Eunbi.

"Okay lang." saad ni Eunbi, umupo kami sa sofa. Wala nga talagang tao, wala pa din si Beomgyu at Kai.

Buti naman.

"We can start na. May binibili lang si Kai at Beomgyu hyung sa convenience store." saad ni Taehyun, akala ko naman wala pa talaga.

Tumango na lang si Eunbi at kinuha ang laptop niya mula sa bag niya habang ako naman ay tumitingin tingin lang sa bahay nila Taehyun.

Nagsimula naman silang mag-usap. I felt so left out omg. Nag-uusap sila about dun sa kung paano yung edit nung film.

Tahimik lang ako sa gedli, hindi ako sanay shete.

Maya maya ay biglang bumukas ang pintuan ng bahay nila Taehyun, dumating na yung dalawa. Napairap agad ako ng makita ko si Beomgyu.

"Nagsisimula na pala kayo." Saad ni Beomgyu at lumapit sa amin, umirap na naman ako. "Obviously not." Bulong ko sa sarili ko, tinignan niya naman ako na nagtataka kaya tinaasan ko siya ng kilay.

May dala nga pala silang snacks, mabuti naman. Hindi na lang ako nagsalita dahil nagii-start na din kami mag edit kaya tahimik na kami.

But suddenly, naging chaotic na ulit dahil nag-aaway kami ni Beomgyu. Hindi kasi kami magkasundo. "Mas maganda na wala ng music dyan!" Argue ni Beomgyu, umiling naman ako.

"No! Mas maganda na may music para malaman nila na dramatic yung part na yan!" Argue ko naman, sinamaan niya naman ako ng tingin kaya sinamaan ko din siya ng tingin.

"Wag niyong lagyan ng music." Saad niya, I sarcastically laughed. "Lagyan niyo ng music." Saad ko.

"No."

"Yes."

"No."

"Yes."

"No nga!"

"Yes nga sabi!"

"Hep hep! Tigil na!" Awat ni Eunbi, nag facepalm naman si Taehyun dahil ang ingay namin.

"Ah.. pwede ba tumigil muna kayo, kahit ngayon lang? Kahit isang araw lang. Nakakahiya naman sa inyo 'no?" Saad ni Kai, natahimik naman kami ni Beomgyu.

"Dapat talaga hindi kayo pinagsasama eh. Kailan ba kayo titigil kakaaway? Di ba kayo napapagod?" Tanong ni Taehyun halatang naiinis na din siya.

"Ganto na lang para walang away. Tama naman si Yuki na kailangan na may music sa part na 'to dahil dramatic yung scene, hinaan na lang yung background music, okay lang ba yun, Beomgyu?" Saad ni Eunbi, tumango na lang si Beomgyu.

Bumuntong hininga naman si Eunbi at inayos na ulit yung page-edit. "At saka mag-ayos na din kayo. Hindi pwedeng ganyan kayo laging dalawa." Saway ni Eunbi.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Pano kami mag-aayos eh magkaibang magkaiba kaming dalawa? We're completely opposite to each other.

Hindi kami pwedeng magsamang dalawa dahil hate namin ang isa't isa kahit ano pang mangyari. Di mababago yun.

𝐫𝐞𝐠𝐫𝐞𝐭𝐭𝐚𝐛𝐥𝐲 𝐚𝐭𝐭𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝 , 𝐜.𝐛𝐠 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon