Third Persons POV
Naglalakad ngayon si Queen sa hallway ng Engineering Department, nagmamadali na sya dahil ilang minuto na lamang ay late na sya sa una nyang klase. Sa sobrang pagmamadali ay hindi nya na napansin na may mababangga sya.
*Boogsh
Queen: hayst.
Dahil sa nangyari ay nahulog ang mga gamit ni Queen, naiirita sya ngunit nanatili pa din syang tahimik habang pinupulot ang mga nahulog na gamit. Sa kabilang Banda naman ay naghihintay ang lalaking nakabungguan nya na sya ay humingi ng paumanhin at ang lalaking yon ay walang iba kundi si Chase
Chase: Hindi ka man lang ba magsosorry?
Tiningnan lamang sya saglit ni Queen at nagpatulog na ulit sa pagpulot ng mga gamit
Chase: what the-----
Tapos na magpulot ng gamit si Queen at handa na syang umalis ngunit hinawakan sya sa braso ni Chase at talaga namang nairita si Queen dahil ayaw na ayaw nyang hinahawakan sya ng kahit sino.
Queen: Bitaw
Chase: Magsorry ka muna.
Queen: Male late na ako sa klase ko kaya pwede bang bitawan mo na ako?
Chase: Magsosorry ka lang naman.
Queen: Okay Sorry. Now let go.
Chase: Hindi sincere
Queen: Nagsorry na ako kaya pwede ba bitawan mo na ako
Chase: Okay.
Binitiwan na ni Chase si Queen at agad naman itong tumakbo papunta sa room nya. Naiwan namang napapaisip si Chase, ito kasi ang unang beses na may babaeng trumato ng ganon sa kanya, kung pabitawin sya nito kanina ay parang nandidiri ito sa paghawak nya samantalang ang ibang kababaihan ay ginagawa na Ang lahat mahawakan lang niya. Paalis na sana si Chase ngunit may nahagip ang kanyang mata sa sahig at agad nya itong pinulot, ito ay Isang I.D at agad nyang binasa ang pangalan ng may Ari nito
Chase: Queenlie Atasha Montefalco. Oh so thats her name. It seems like were going to see each other again.
Tuluyan ng umalis si Chase habang may nakapaskil na mumunting ngiti sa kanyang mga labi.
---CAFETERIA---
Queens POV
Nandito ako ngayon sa Cafeteria, kakatapos lang ng Second Subject ko at maaga kaming pinalabas kaya dumiretso na ako dito dahil hindi pa ako nag aalmusal. Naiirita pa rin ako Hanggang ngayon dahil sa paghawak ng bwiset na lalaking yon sakin. Dumagdag pa sa inis ko ang pagkawala ng I.D ko, alam kong suot ko yon pag alis ko ng bahay ngunit pagpasok ko sa room ay wala na Ang I.D ko.
Chin: Bat nakasimangot ka Queen?
Camille: Oo nga, ang aga aga.
Queen: Nawawala I.D ko.
Chin: Baka naman naiwan mo lang sa bahay nyo.
Queen: I didnt.
Camille: Eh san naman mapupunta yon?
Queen: May nakabungguan ako kanina at nahulog lahat ng gamit ko.
Chin: Baka may nakapulot na non.
Camille: Sino ba nakabunggua------
Naantala ang sinasabi ni Camille dahil bigla na namang umingay sa cafeteria
Queen: What the he-----
Chin: Dahil na naman yan kila Chase.
Queen: Lalaki lang pala
Saktong paglingon ni Queen sa kaguluhan ay nagtama ang mga mata nila ng lalaking kinaiinisan nya.
YOU ARE READING
The Unexpected
RomansaQueenlie Atasha Montefalco---- s'ya ang nag iisang tagapagmana ng mag asawang Montefalco na nagmamay-ari ng Montefalco group of Companies. Si Queenlie na mas Kilala sa tawag na Queen ay may dalawa lamang na kaibigan at yon ay sina Camille at Chin. S...