II.

41 4 0
                                    

EMPRESS

"This is your fifth time for this week, Ms. Cruzado. Hindi ka ba nauumay kakapunta rito?" hindi ko alam kung natatawa, naiinis, o sarkastiko itong si Ma'am Winona sa akin. Kanina niya pa ako pinaparangalan tungkol sa pabalik-balik ko sa office niya. Lagi na raw kasi akong nirereklamo ng mga estudyante dahil sa iba’t ibang rason.

But then again, who gives a fuck to them? Definitely not me.

I heard Ma'am Winona sighed. May pinirmahan siya sa logbook niya at pinaalis na ako agad sa office dahil may biglang tumawag sa telepono niya.

Walang emosyon naman akong naglakad patungo sa library kung saan nakatambay si Rome. Doon ko kasi siya iniwan matapos akong ipatawag na naman sa DAC office. Inireklamo kasi ako ng isang lalaking ABM student dahil sinita ko ang opinyon niya tungkol sa mental health. Ang ginawa ko lang naman ay itama siya tungkol sa mga sinasabi niya sa barkada niya. Hindi dapat pinagtatawanan o ginagawang katawa-tawa ang mga ganoong bagay. Mental Health will never be a joke. Kaya ayon, sinampal ko siya.

"Whipped amputa." umupo ako sa tabi ni Rome na hawak ang isang baliktad na libro. Nakatingin siya sa direksyon ng isang estudyante sa library na hawak-hawak ang walong piraso ng rosas.

Napangisi naman ako. Kupal talaga si Rome kahit kailan.

"Shh!" suway niya sa akin.

I rolled my eyes at him because of his response. Napagdesisyonan ko na lang na tapusin ang mga preparasyon para sa nalalapit na Teacher’s Day celebration. Bilang Presidente ng klase at kaibigan ni Rome na Department Representative namin, kailangan kong paghandaan ang selebrasyong ito upang matiyak na mage-enjoy talaga ang mga guro na makakasama namin lalong lalo na ang adviser namin.

"Sa tingin mo mage-enjoy sila sa mga games na 'to?" tanong ko kay Rome habang pinakita ang ilang mga larong isinulat ko sa notebook ko.

Panandalian niya itong pinagmasdan at tumango. Walang imik niyang tinitigan ulit ang babae mula sa ABM Department. Nakalimutan ko na nga ang pangalan niya. Madalas kasi akong nalilito sa kanilang dalawa ng kambal niya. Magkamukhang magkamukha, e. Ewan ko ba rito kay Rome kung paano niya nalalaman kung sino sa dalawa 'yong tinititigan niya.

I suddenly felt the urge to eat. At dahil alam kong hindi rin naman ako papansinin ng kupal kong kaibigan, hindi na ako nagpaalam sa kaniya at dumiretso na lang patungong canteen.

On the way pa lang ako ay iniisip ko na agad ang mga pagkaing gusto kong kainin. May turon kaya? Ay, what if mag-banana cue ako? Hmm, masaya siguro mag-burger at fries ngayon.

"Look at her ass, gago. Kung hindi lang 'to masungit, matagal ko na 'tong kinama, men." rinig kong sambit ng isang lalaki.

Mabilis akong napa-u turn sa paglalakad at walang pagaalinlangang hinarap ang manyak na iyon. Hindi ko na kailangan pang hulaan kung sino ang nagsabi noon dahil base sa ekspresiyon ng mga kasama niya ay siya lang ang natutuwa sa sinabi niya.

I caught him off guard by dragging him away from his friends through his collar. Tumatawa kasi siya noong hinila ko siya papalayo, kaya noong ginawa ko iyon ay hindi niya iyon inaasahan.

Marahas ko siyang itinulak sa sahig. I made sure that his body’s impact to the ground could be heard all across the building. Gusto ko siyang mapahiya at makita ng mga kapwa niya kaklase because I know for sure it will affect his pride and ego.

Sino nga ba namang hindi matutuwang pagmasdan ang isang lalaking manyak na masampal ng isang babae?

Noong marami na ang lumalapit at pumapalibot sa amin ay muli ko siyang hinawakan gamit ang collar niya nang mas mahigpit.

Forgotten Pieces of Poetry (Forgotten Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon