Bad Meets Evil
Skarlette Vougnfacio
A tragedy abruptly changed my life. A tragedy that caused my father colossally distress and unhappiness. He loathe me. If only he could remove the Vougnfacio from my name, he would. Unbeknownst to him that I became a member of an organized crime, controlled by a family who amassed great wealth, connection, and power.
Banayad na kumikinang ang nakakahalinang sinag ng araw sa umaga. Ang mahahamog namang mga dahon at tangkay ng punong kahoy ay umaalog-alog bunga ng humuhuning mga ibon; tila ba ay bumabadya ang mga iyon ng isang maganda at maibiging araw.
"Good morning, Dad," malumanay at puno ng galang kong bati sa aking ama nang madaanan ko itong abala sa mga papeles na nagkalat sa kaniyang harapan.
"Magmula nang sirain mo ang pamilyang ito ay hindi na ako nakaramdam ng maganda sa umaga." Nahihimigan kong hindi ito interesadong makipag-usap. "Why don't you just focus on how to maintain your position as one of the Top Students in Westerhelle University? At tungkol naman sa nalalapit na kaarawan ni Mr. Ghazzawi, gusto kong Tornami a Vagheggiar ang kantahin mong opera song. Huwag na huwag mo akong ipahiya, Skarlette." Kapagkuwan ay ibinalik niya ang buong pansin sa mga papeles at hinabol ang katagang, "Now, leave. . . this house would be a better place without you."
Hinayaan kong kumawala ang isang buntonghininga upang mapigilan ang nagbabadyang damdamin. I should be getting used to this. Subalit bakit hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng lungkot? Ang nais ko lang naman ay maibsan ang galit at suklam na nararamdaman niya para sa akin.
If only I could change everything. . .
Bumalik lamang sa kaliwanagan ang aking isipan nang makarating ako sa Westerhelle University. Habang binibigyang-wakas ang makina ng sasakyan, dalisay kong natanaw ang isang lalaking nakatalikod habang pinapakain ang kulay puting pusa.
I smiled. I love people who love cats.
Ngunit mabilis kong binawi ang katagang humantad sa aking isipan nang masilayan ko ang mukha ng lalaking iyon. It was the Head Student of this university, Xix Xilvano, in his Forensic Psychology school uniform. Mabikas ito, matangkad, at bukod-tanging guwapo. Maliban sa kaniyang husay bilang lider ng mga mag-aaral ay matalino rin ito at mabait kung kaya nirerespeto at tinitingala siya ng lahat.
Mayumi kong binuksan ang pintuan ng aking sasakyan, subalit hindi pa man tuluyang nakakatapak ang aking mga paa sa lupa ay bumalik iyon sa pagkakasara. Walang pakundangang pumasok ang lalaking may makapigil-hiningang presensiya at kagyat na sumalubong sa akin ang kaniyang amoy. It's like a bergamot, mixed with jasmine petals, and rum. So addicting, like a Pamplemousse La Croix on a hot summer day.
"I loathe traitorous people." I heard a fascinating deep voice. "Ngayon, sabihin mo sa akin. . ." Nararamdaman kong sa akin nakatingin ang kaniyang mga mata. "Sino ang nagnakaw sa nawawalang mga droga?"
Kilabot at gulat ang kaagad na bumalot sa aking katawan nang dumampi sa aking leeg ang dulo ng isang malamig na bagay. Ito ang unang pagkakataon na nilapitan at kinausap niya ako. Bagaman at nababatid ko kung sino ang nagtaksil sa organisasyon ay mananatiling sarado ang aking bibig.
"Pull the trigger," I decisively said without looking at him. "Inuutusan kita, Xix Xilvano."
Ang ipakita na naaapektuhan ako sa kaniyang presensya ay isang pagkatalo. Lingid sa kaalaman ng lahat kung ano ang kaniyang totoong pagkatao. Hindi nila alam kung ano ang mga katangiang tinataglay niya sa likod ng nakikita nilang kabaitan. Mapanganib, mapanlinlang, at makasalanan.
![](https://img.wattpad.com/cover/365417744-288-k239878.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lawbreaker
ActionMoney. Power. Secrets. Betrayal. Love and Belonging. The Xilvano family has committed unspeakable acts of violence. They operates illicit business dealings, such as large-scale drug trafficking, protection racketeering, financial crime, gambling, an...