Chapter 4 - Waves And Explosion

22 7 27
                                    

Waves And Explosion

Unti-unti nang lumalalim at lumalamig ang gabi. Tuluyan nang namayani ang nakakabighaning buwan na kanina pa nagbabadyang magpamalas. Masaya na ring umaandap-andap ang mga butuing mala diyamante ang ganda. At tanging liwanag ng buwan at sasakyan na lamang ang naglalaro sa madilim na paligid.

"And you are unforgettable
I need to get you alone
Ooh, why not?
A fuckin' good time, never hurt nobody
I got a little drink but it's not Bacardi
If you loved the girl then I'm so, so sorry
I got to give it to her like we in a marriage
Ooh, like we in a hurry
No, no I won't tell nobody
You're on your level too
Tryna do what lovers do. . ."

Bumaling ang aking mga mata sa lalaking kasalukuyang nagmamaneho nang patayin nito ang musikang nagbibigay buhay sa tahimik na biyahe.

"Sa mga oras na ito ay pinapahanap niya na ako," guhit ng seryosong tinig ni Saint. "Patay man. . . o buhay." Isinabit niya ang kulay itim na lukbutan sa kaniyang daliri at itinapat iyon sa aking mukha.

Ibinuhos ko ang laman niyon sa aking palad at kagyat akong nabighani nang makita ko ang nilalaman ng lukbutang iyon. "You're so dead, Saint."

Nakapikit ang mga matang humipak siya sa kaniyang hawak na sigarilyo bago iyon itinapon sa labas ng tumatakbong sasakyan. "One hundred twenty-seven pieces of Earth-Mined Diamonds." Binuhay niya ang kaniyang layter at muling nagsindi ng sigarilyo. "Each carat is worth eighty-three thousand and eight hundred eighty, to five hundred fifty-nine thousand and two hundred forty. . . or more."

Hinintay kong tumapat sa liwanag ang isang pirasong hawak ko. Sandali ko iyong pinagmasdan at pagkatapos ay kinagat. "You better hide for yourself, robber." Hinagis ko sa ibabaw ang pirasong iyon at sinalo gamit ang aking dila.

"That old man, Cattaneo is easy to kill." And he let out a soft laugh. "Lulunukin ko ang mga diyamante at wala akong kahit isang pirasong ititira."

Bumuntonghininga na lamang ako at hindi na sumagot pa hanggang sa makarating kami sa isang pribadong beach house. Mula sa tabing-dagat ay dalisay kong natanaw ang isang yateng nagpapaakyat ng mga bisita. Maliksing gumawa ng butas sa buhangin ang lalaking kasama ko at inilibing roon ang lukbutang naglalaman ng mga diyamante.

Matiwasay kaming nakaakyat sa yate dahil sa dalawang invitation card na ipinakita ko. Ilang sandli pa ay lumayo si Saint sa akin at nakita ko itong tumingala sa kalangitan habang mahigpit na hinahawakan ang kaniyang rosaryo. Kapag magkasama kami, madalas ay napapansin kong naglalaan siya ng oras para gawin ang bagay na iyon. Marahil ay dinadasal niya ang kapatawaran para sa makasalanang gagawin niya.

Pinagtuunan ko ng pansin ang mga nakapaligid sa akin. Hindi maipagkakailang anak ng mga mayayamang tao ang mga panauhin ngayong gabi. Kung pagbabasehan lamang ang kilos at pagsasalita ay masasabi kong jeproks ang mga ito.

As the yacht began to run, I saw this beautiful woman with a heavenly body. Nakasuot ito ng kulay pulang bikini. At kahit na malayo ito sa aking kinatatayuan ay nababatid kong si Nhatalia Delagarza ang babaeng ito.

Napatingin ako sa direksiyon ng dalampasigan nang sa wakas ay tuluyang tumigil ang yate. Halos hindi ko na matanaw ang mga liwanag na nagmumula doon dahil sa layo na nito. Doble na rin ang nararamdam kong lamig kumpara sa hanging sumalubong sa amin nang makarating kami sa dalampasigan kanina.

Biglang naghiyawan ang mga panauhin at nakita ko si Nhatalia na naglalakad ng kaakit-akit. May bitbit itong kahon at isa-isa niyang nilapitan ang mga panauhin upang maglagay ng pera sa kahong iyon. It was too late when I noticed that she was already standing in front of me and Saint, waiting for us to put money in the box.

The Lawbreaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon