Chapter 2 - The Deadly Dinner

38 8 63
                                    

The Deadly Dinner

Hindi nagawang kumawala ng aking mga mata mula sa mga lalaking labas-masok sa abandonadong resort. Kasalukuyang nagaganap ang ilegal na transaksyon ng baril sa loob nito at hinihintay kong matapos iyon bago ko ipamalas ang aking sarili. Sinabotahe ng mga taong iyon ang huling transaksyon ng organisasyon kung kaya naririto ako ngayon upang ibalik sa kanila ang pabor.

Habang abala sa transaksyon ang mga tauhan ng mga Deviliere ay isang Bugatti La Voiture Noire ang bigla na lamang dumating. Tumigil ang sasakyang iyon sa gate ng resort at puno ng awtoridad na bumama ang isang lalaki habang sinisiyasat ang buong paligid.

"What is he doing here?" tanong ko sa aking sarili habang nakatingin kay Xix. Sa pagkakataong ito ay nakatayo na siya sa ibabaw ng kaniyang sasakyan habang tinutupi hanggang braso ang suot niyang kulay itim na long-sleeve na polo.

Ilang sandali pa ay natanaw ko ang tatlong lalaking may malalaking pangangatawan. Bukod pa roon, lahat sila ay may hawak na baril at sigarilyo. Balyente nilang hinarap ang lalaking nakatayo sa ibabaw ng sasakyan at nanghahamong ngumiti ang mga ito.

I abruptly enliven. Ngayon, tingnan natin kung ano ang kaya mo, Xix Xilvano.

"You! Busybody!" nakangising bulyaw ng lalaking pinakamalaki sa tatlo. Maangas itong nakatayo habang kinakain ang hawak na sigarilyo.

"Showing yourselves to me is a self-destruction," mataimtim na pahayag ni Xix. Mula sa itaas ng kaniyang sasakyan ay tumalon siya nang mahinahon habang nakapamulsa ang mga kamay.

Napahinto ang dalawang lalaking sumalubong kay Xix nang makatanggap ang mga ito ng malakas na mga sampal. Kaagad na nawalan ng malay ang isang lalaki samantalang ang isa naman ay namimilipit sa sakit.

"Young man, it was a good hit!" namamanghang komento ng lalaking natitira. Nagawa pa nitong tumawa na tila ba ay isang komedya lamang ang sinapit ng kaniyang mga kasamahan. Muli itong nagsindi ng sigarilyo at nakangiting pinalabas ang usok sa kaniyang ilong.

"Maliban sa ayaw kong sinasayang ang oras ko, ayaw ko rin sa amoy ng sigarilyo." Sumandal si Xix sa hood ng kaniyang sasakyan at pinag-krus ang mga braso sa harapan ng kaniyang dibdib. "Give me the guns."

Umalingawngaw ang insultong halakhak ng lalaki sa payapang lugar. Ikinasa nito ang hawak na baril at tinuro si Xix gamit iyon. "You are not the boss here. Kung ako sa iyo, umalis ka na habang napipigilan ko pa ang sarili kong tapusin ang buhay mo."

Kapagkuwan ay tumingala si Xix sa kalangitan at halos hindi ko nasaksihan kung paano niya naagaw ang baril na hawak ng lalaki. Isang batibot na suntok ang ibinigay sa kaniya ng lalaki at sinubukan pa nitong itusok ang sigarilyo sa kaniyang mga mata, subalit nakuha niya iyon at mabilis na itinapon sa malayo. Idinampi niya ang dalawang niyang baril sa magkabilang gilid ng ulo ng lalaki at walang habag na nagpakawala ng sunod-sunod na mga bala. Kinikilabutang dumako sa ibang direksiyon ang aking mga mata nang masaksihan ko kung paano sumabog at dumaloy ang dugo mula sa ulo ng lalaki.

"I kill everyone who disagrees with me." Nahihimigan ko ang bugnot sa tinig ni Xix. Pinalipad niya ang kaniyang baril patungo sa mukha ng lalaki na siyang nagpatindi sa dugong patuloy na dumadaloy sa basag nitong ulo. Ilang sandali pa ay tinahak niya ang daan papasok sa loob, ngunit bago ito nawala sa aking paningin ay bahagya siyang lumingon sa direksiyong kinalalagyan ko at sinabing, "Idiots don't live long. Don't you know that?"

Walang dudang nababatid niyang palihim akong nagmamasid. Ngunit sa ngayon, ang ipinagtataka ko ay kung bakit bigla na lamang siyang lumutang gayong ako ang naatasan sa bagay na ito. Gayunpaman ay maliwanag sa akin na wala na akong rason para manatili pa sa lugar na ito. Kaagad kong binuhay ang makina ng aking sasakyan at mabilis na nilisan ang lugar.

The Lawbreaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon