To my dearest, Malaya
Hi. It’s been a while. Na-miss kita.
Ang dami kong gustong sabihin sa ‘yo pero kukulangin yata ang tinta ng ballpen ko kapag isinulat ko lahat. Pero bibili na lang ako ng bagong ballpen kung sakaling kulangin ako.
Malaya, I wanted you to know that I am very proud of you. Sobrang proud kami sa ‘yo kasi hindi ka natatakot makibaka para sa ikabubuti ng kapwa mo. Gusto kong sabihin sa ‘yo na nandito kami lagi. Kasama mo kami sa laban mo. Hindi ka namin iiwan. Hindi ka nag-iisa.
Matatapos din lahat ng ‘to.
Maraming naghihintay sa pag-uwi mo. Mag-iingat ka palagi kung saan ka man dadalhin ng mga sapatos mo.
Thank you kasi tinuruan mo ‘ko maging matapang kaya heto ako, I’m writing all of this in order for you to know that I like you and I want to be with you. Gusto pa kitang makita. Gusto pa kitang makasama. Gusto ko sabihin sa ‘yo ‘to nang personal pero hindi ko alam kung kailan ka babalik.
O kung babalik ka pa ba.
But whatever your decision is, I’m always here. We are always here. We’ll support you no matter what. Maghihintay kami sa pagbabalik mo.
Maghihintay ako.
With love,
Hope
BINABASA MO ANG
Say it again, Malaya
Teen Fictionpakikibaka ang ibigin ka. ••• an epistolary. ynamoreata, 2024