Isang masalimuot na pangyayari ang naganap kaninang madaling-araw sa labas ng Arcadio-Institute of Science and Technology. Isang labing-walong taong gulang na babae ang natagpuang patay matapos barilin ng isang pulis.
Nakilala ang biktima bilang si Malaya Samaniego, isang estudyante sa Arcadio-Institute of Science and Technology at Presidente ng kanilang Journalism Club. Ayon sa mga saksi, sa gitna ng kanilang pagpoprotesta ay bigla na lamang naglabas ng baril ang pulis na ito at saka itinutok sa biktima. Hindi nagdalawang-isip ang pulis na kalabitin ang gatilyo dahilan ng pagbagsak ng biktima sa sahig.
Agad na dinala si Malaya sa malapit na ospital at kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan. Ang kanyang mga kasamahan sa rally ay mariing kinondena ang insidente, at humihingi ng agarang imbestigasyon at hustisya para kay Malaya.
Sa pahayag ng mga awtoridad, sinabi nilang inililipat na sa ibang puwesto ang pulis na sangkot habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon. Ngunit hindi pa rin ito sapat para sa mga kaanak at kaibigan ni Malaya, na patuloy na nananawagan ng katarungan.
BINABASA MO ANG
Say it again, Malaya
Teen Fictionpakikibaka ang ibigin ka. ••• an epistolary. ynamoreata, 2024