SPECIAL CHAPTER

240 11 2
                                    

Sabi ni Carlo Hornilla sa isa sa mga tula niya, masakit ang mamatay sa bayang walang pakialam sa ‘yo. For the past 10 years, ganoon ang nararamdaman ko kasi tila isa o dalawang linggo lang silang nagluksa sa pagkawala ni Malaya. Bakit parang wala silang pakialam? Bakit pinili nilang manahimik kaysa maging saksi sa nangyari that day? Bakit… bakit pinili nilang ipikit ‘yong mga mata nila, takpan ang mga tainga habang si Malaya ay inuulan ng bala?

I wiped my tears using the back of my hand. Ang sakit pa rin. Kahit ilang taon siguro ang lumipas, hinding-hindi maaalis ‘tong sakit. Kahit ilang taon pa ang lumipas, magluluksa at magluluksa pa rin ako sa kaniya.

Huminga ako nang malalim at saka nagpatuloy sa pagbabasa sa documentaries sa rally. Naputol lang ako sa pagbabasa nang biglang mag-pop up ang isang email mula kay…

Malaya.

From: malayasamaniego@gmail.com

To: astridsaldivar@gmail.com

Subject: Until we meet again, my hope.

04.12.20xx

You are an epitome of elegance and… hope.

Kahit sinong makakasalubong mo mahahawa sa kasiyahan na dala-dala mo. ‘Yong mukha mo punong-puno ng pag-asa. Akala ko sa mukha mo lang ‘yon pero habang tumatagal, nare-realize ko na gano’ng klase ka rin na tao.

Hindi nawawalan ng pag-asa, hindi sumusuko.

Hindi ka rin nagtatanim ng sama ng loob. Mapagpatawad ka rin. At higit sa lahat, palagi mong tinitignan sa isang tao ang kabutihan sa puso nila.

Kahit sobrang sama nila.

You never fail to amaze me, Hope. Kahit sino mapapahanga sa ‘yo. Kahit sino magkakagusto sa ‘yo kasi hindi ka naman talaga mahirap magustuhan.

Hindi ka mahirap mahalin.

Hindi ka mahirap intindihin.

Sobrang positibo ng pananaw mo sa buhay, Hope, to the point na pati ako ay ganoon na rin mag-isip katulad mo. Sabi mo kasi na magiging maayos din ang lahat kaya pinanghahawakan ko ‘yon hanggang ngayon.

Alam kong magiging maayos din ang lahat. Alam kong pakikinggan din ang hinaing namin. Alam kong magdudulot ng maganda ‘tong pakikibaka namin. Hindi ako mawawalan ng pag-asa na mangyayari lahat ‘yan kasi naniniwala ka sa akin.

Naniniwala ka sa mga pinaglalaban namin.

At dahil do’n kaya nagpapatuloy ako kahit nakakapagod na. Nagpapatuloy kaming lumaban kasi may tulad mo na naniniwala sa amin.

Thank you, Hope. Thank you kasi hanggang dulo naniwala ka. Hindi ka nawalan ng pag-asa. Pangako ko sa ‘yo na umpisa pa lang ‘to.

At babalik ako. Pangako.

Sa pagbalik ko, sasabihin ko ulit lahat ng ‘to nang personal. Sasabihin ko ulit kung gaano kita kamahal.

Palagi’t palagi,
Malaya.

“Laya…” my voice broke.

Hinayaan kong umagos nang umagos ang mga luha ko habang paulit-ulit ko siyang tinatawag. Tinatawag na parang babalik siya. Tinatawag na parang anytime kakatok siya rito sa pinto ko, yayakapin ako at sasabihin sa akin na tapos na ang laban.

Pwede na naming unahin ‘yong sa amin kasi okay na, e.

Pero hindi.

Wala ng magsasabi no’n kasi wala na siya. Hindi niya na masasabi nang personal ‘yong nasa letter niya kasi wala na siya. Tang ina, bakit kasi si Malaya ‘yong kailangan mawala? Ang daming masasama, bakit siya pa? Naging mabuti naman siya, ah. Tumintindig siya palagi sa tama. Hindi siya pumapanig sa mali kaya bakit siya pa?

Bakit kailangan Mo agad siyang kunin?

“This letter was 10 years ago. Ngayon niya pa sinet ‘yong date na mare-receive ko kasi siguro na-predict niya na ‘yong mangyayari… Laya naman, e…”

Kung alam ko lang na ‘yon na ang huling beses na makikita kita, sana niyakap kita nang mahigpit. Sana sinabi kong mahal din kita. Sana pinaulit ko sa ‘yo ‘yong salitang gusto mo ‘ko kasi ‘yon na pala ‘yong huli…

Say it again, MalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon