Prologue

2.1K 37 2
                                    


MABILIS akong tumakbo nang tumakbo. Kahit nananakit na ang buo kong katawan at parang bibigay na ay wala akong humpay sa pagtakbo.
Kahit madilim man ay hindi ko inisip ang huminto.

Hindi ko alam ang lugar na ito. Hindi ko alam kung saan ako lalabas. Maraming puno at pakiramdam ko ay pabalik-balik na lamang ako sa gawi ko, ngunit hindi ko iyon pinansin pa. Ang gusto ko lamang ay ang makalabas dito.

Umaago ang mga luha ko sa pamamagitan ng sakit sa katawan at puso. Hindi ko inisip ang sakit makalayo lang sa mga hayop na 'yon.

Hindi ko maisip na magagawa nila iyon sa akin. Pinagkatiwalaan ko sila. Naging mabuti akong kaibigan at itinuri ko silang kapatid. Ngunit bababuyin lamang nila ako! Anong klase silang mga kaibigan!

"Ahh!" Naisigaw ko nang may maapakan akong malagkit na bagay na sa pagkakaalam ko ay putik iyon upang madulas ako at dumausdos sa isang bangin.

Sigaw ko ang namutawi sa madilim na kabundukan. Hindi huminto ang aking paggulong kahit ang sakit sakit na. Bugbog na nga ang puso ko pati pa buo kong katawan.

Nang huminto ang katawan ko sa paggulong, iyon din ang oras na nanlalabo na ang aking paningin hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Hindi ko mabilang kung ilang oras akong tulog sa pagkawala ng malay. Kusa na lang naimulat ko ang mga mata ko nang makaramdam akong may pumapatak sa mukha ko.

Umuulan.

Hindi ko na naman mapigilang pumatak ang aking luha dahil sa sakit ng buo kong katawan. Hindi ko maigalaw iyon. Isang dismaya rin dahil madilim pa rin ang paligid.

Pinilit kong bumangon kahit napapasigaw ako sa sakit. Isa lang ang nasa isip ko, ang maka uwi na sa amin. Gustong-gusto ko nang umuwi.

Mariin kong kinagat ang aking labi dahil sa hitsura ko ngayon. Para akong itinapon na lamang sa ere. Na parang walang pagmamay-ari sa ganitong sitwasiyon.

Pumikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang pananakit sa aking ulo. Nang kapaain ko iyon ay isang malagkit ang aking nakapa roon. Nang tignan ko iyon ay dugo iyon.

Patak ng ulan at luha ko ay naghalo na. Ngunit sa halip na umiyak ay sinimulan kong umayos.
Nang makatayo ay paika-ika akong naglalakad na may halong takbo. Iniisip na baka mahabol nila ako. Sinuyod ko ang daan kahit hindi ko alam kung saan na ako patungo.

Mas lalong lumakas ang ulan ngunit hindi ko iyon pinansin. Lakad takbo ang ginawa ko kahit pagod na pagod na ako.

Sa ilang oras kong maghahagilap sa paruruonan ay namutawi ang aking saya at pagbuhos muli ng aking luha nang makita ko ang daan.

Nagmamadali akong pumunta roon. Nanginginig ang buo kong katawan sa halu-halong emosyon.

Nang maka apak doon ay may isang tricycle na  papalapit sa akin kaya naman pinarahan ko iyon ngunit hindi ako nito pinansin.

Naghintay ako muli at nang may dumaan muli ay gano'n din ang ginawa ko. Huminto ito ngunit hindi ito gumalaw at hindi nagsasalita.

"S-sa suydad ho ng Almagro," mahinang usal ko.

Hindi ito nagsalita at pinaandar niya lamang ito. Nagtaka naman ako ngunit hindi na lamang pinansin pa iyon.

Makakahinga na ako nang maluwag. Nakatakas na ako. Malaya na ako. . .

Tuloy ang aking pagluha kahit masakit sa akin ang nangyari. Hinding-hindi ko sila mapapatawad! Bibigyan ko ng hustisya ang nangyari sa akin! Hindi ako papayag na manahimik na lamang.

Natigilan ako sa mga iniisip nang huminto ang tricycle. Nasa bahay na ako!

Bumaba ako ngunit sa pagbaba, hindi pa ako nakakapagsalita ay iyon ang pag andar ng tricycle. Nagtaka pa ako dahil ang bilis nito magpatakbo.

Umiling na lamang ako at nagtungo sa bahay nang paika-ika. Pagpasok nang pagpasok ko sa loob ay iyon ang pagpikit ko sa aking mata dahil sa liwanag na masakit sa mata.

Nang mawala ang liwanag iyon din ang pagmulat ko sa aking mga mata.

Halu-halong emosyon ang namutawi sa aking sarili nang makita ko na lamang ang aking sarili sa isang. . . lamay?

Maraming tao at puros sila naka itim. Ang ipinagtataka ko ay mga pamilya ko ang nandito pati mga kaklase, kaibigan at iba pa na familiar sa akin.

Anong meroon?

Sino ang namatay?

Doon lang tumuon ang pansin ko sa harapan nang marinig ko ang iyak ni Mama. Si Papa na hawak si Mama, si Ate at Kuya at Carol, ang kaibigan ko.

B-bakit? Bakit sila umiiyak?

Unti-unti akong lumapit sa naka higang babae. Mahimbing itong natutulog. Na parang walang nangyari sa kanya, ngunit mapapansin mong may sakit doon sa mukha niya.

Ang sarap nang tulog niya na parang walang masakit sa kanya.

Bumuhos ang mga luha ko. Umatras ako na may iling. Naitakip ko na lamang ang kamay ko sa bibig habang humahagulgol.

A-ako. . . Ako ang babaeng iyon. . .

Anong ginagawa ko riyan?

Bakit ako naka higa?

P-patay na ba ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PS #3: Bestfriends Want Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon