MADNESS
Chapter One"NANDITO na tayo."
Napaangat ang tingin ko sa bintana nang marinig ang boses ni Papa.
Yep. You read it right. I gulped all the pride that I have and called Papa to pick us up. Wala naman akong choice. Kaya bakit pa ako mag-iinarte?
Bumaba na ako sa kotse at sinipat ang malaking bahay. The house is made with marbles and may terrace pa ito na pwedeng tambayan, it also have big parking lot that the car, motorcycle and van can fit inside. Ang sliding gate naman ay kulay nude. The house screams aesthetic and elegance.
"Nagustuhan mo ba, anak?"
Napalingon ako nang marinig ko siya. I just nod and hop inside. Pagkapasok ko sa bahay ay bumungad sa akin ang malaking sala with a chandelier in the ceiling, may malalaki ring sofa at flat screen TV habang may cabinet naman na puno ng antique stuffs.
Sa kanang bahagi katabi ng sala ay may hagdan patungo sa ikalawang palapag, which I think nandoon ang mga kwarto. Sa ilalim naman ng hagdan ay may space, doon siguro ang kusina. Walang cr dito sa ibaba, sa guestrooms lang. Nabanggit kasi sa akin ni Papa na may kaniya-kaniyang banyo raw ang kwarto namin kaya hindi na kailangan pang lumabas.
"Nandito na pala kayo!"
Agad akong napangiwi at umiwas nang akmang yayakapin ako ng stepmom ko. Nakita kong natigilan siya bago hilaw na ngumiti.
"A-ah," she chuckled in awkwardness. "Ku-kumain na ba kayo? Ano-uhm-naghanda ako ng makakain natin."
"Hindi ako gutom," agarang sagot ko. "Where's my room, by the way?"
Nginitian niya ulit ako. "Nasa kanan, unang kwarto. Ayun talaga ang masters bedroom, malaki tsaka kasya ang mga kagamitan mo doon kaya doon ko napiling doon ka nalang-"
I cut her off. "Yeah, whatever. Thanks."
Hindi ko na siya hinintay pang sagutin ako at umakyat na. Sinunod ko ang direksyon na sinabi niya at binuksan ang kwarto ko.
Vintage style ang disenyo ng kwarto. Hindi na rin masama. At least, nakuha nila ang kulay na gusto ko. Ayoko kasi sa masyadong matitingkad na kulay at ayoko rin sa madidilim, sakto lang.
I sighed and started unpacking my things, tsaka ko ito nilagay sa gusto kong pwesto ng mga ito. Kompleto na ang lahat kaya hindi ko na kailangang mag-isip kung saan dapat ilagay ang ganito at ganiyan.
May study table, malaki iyon at halos pwede na akong matulog doon dahil may mini sofa na katabi ng swivel chair. Ang cabinets naman ay dalawa at puro malalaki kaya minabuti kong i-organize ng maigi ang mga damit ko. Ang kama ko naman ay malaki, kasya nga ata ang limang tao rito. Sa harapan ng kama ay ang flat screen TV, sa ibaba ng TV ay may maliit na cabinet kung saan pwede kong ilagay ang iilang extra kong gamit. Ang katabi naman ng TV ay isang bookshelf, malaki rin at may mga libro na.
Napangiti ako. At least Papa does remember the room that I always wanted.
Matapos kong ayusin ang gamit ko ay nagshower ako at humiga sa kama. Nang maramdaman ko ang lambot nito ay tsaka lang ako nakaramdam ng pagod.
"This is exhausting," and I fell asleep.
"ANAK, nakapag-enroll ka na ba?" Papa asked.
Tumango ako at umupo sa sofa dito sa sala. I picked the remote and clicked Netflix. Ang boring na kasi kung sa kwarto ako magkukulong, and I want fresh air.
![](https://img.wattpad.com/cover/365414952-288-k995968.jpg)
YOU ARE READING
ARMANI CLAN SERIES #1: Madness
Ficção AdolescenteFirst entry of Armani Clan Series Annaya Izel Armani & Denzell Kyle Sullivan