M: Four

12 2 0
                                    

MADNESS
Chapter Four




PAGKAUWI ko ay kaagad akong kumain bago umakyat sa kwarto ko. Naligo muna ako bago nagpahinga saglit. Nang matapos ako ay kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang wifi.


Napaisip ako sa sinabi ni Denzell kanina kaya naman sinearch ko kaagad ang Facebook account niya. Isang account lang naman ang lumabas kaya hindi ako nahirapan.


Kagat-labi kong pinindot ang profile niya bago nagscroll sa timeline niya. Wala naman siyang masyadong posts, puro tags iyon ng mga kaibigan niya siguro.


Siguro naka-friends only yung mga posts niya.


Nagkibit-balikat ako bago pinindot ang message. Una kong sinend ang pictures ng lesson kanina bago nagtipa ng mensahe.


Annaya Armani
hello, denz. good evening, these are the notes earlier.


Hindi kami friends, hindi ko naman siya in-add. Ano siya, sineswerte? Kaya naman baka nasa message request pa ako nun.


Hinayaan ko nalang tsaka inabala ang sarili ko sa pagbabasa. Noong isang araw kasi ay namili si Papa ng mga libro at nilagay niya dito sa books shelf ng aking kwarto. Nasa school pa daw kasi ako noon at hindi niya magawang isturbohin ako sa klase kaya marami siyang binili.


Nasabi niya rin sa akin na hindi niya alam kung anong klaseng libro ang gusto kaya bumili ng english books, tagalog, at taglish.


Pagkauwi ko noon ay maayos na iyong nakalagay sa shelf. Ang sabi ni Papa ay pumasok siya sa kwarto ko, pero wala naman daw siyang pinakealaman na kahit ano. Nilagay niya lang talaga ang mga pinamili niya.




NAAALIW na ako sa binabasa ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Binitawan ko muna ang libro na hawak ko at dali-daling dinampot ang cellphone ko.


Denzell Sullivan
Ito lang yung mga sasagutan, 'no?


Nireplyan niya iyong mga pictures na kailangan sagutan.


Annaya Armani
oo, ayan lang.


Denzell Sullivan
Sige, thank you!




SIMULA noon, palagi na siyang nagpapasend sa akin. Si Rese nga ay inaasar ako dahil bakit sa lahat ng kaklase namin ako ang napili ni Denzell na pakiusapan. Hindi ko nalang sinabayan ang pang-aasar ni Rese dahil alam ko na kung saan 'yon pupunta.


"What do you want?"


Sibal asked me, he was in front of me while looking at me directly. Nasa isang kainan kami malapit sa school, pizza house siya. Dito nalang namin naisipang kumain since isang oras lang ang break namin.


"Section One nalang," sagot ko sa kaniya. Nilingon ko si Rese na abala sa bag niya. "Anong sa 'yo, bes?"


Nilingon niya ako bago nginitian. "Kagaya nalang din ng sa 'yo," lumingon siya kay Sibal at inabot ang wallet niya. "Ayan, nandiyan yung pera ko. Hindi ko alam kung magkano kaya kunin mo nalang. Ibalik mo ha!"


Natatawang naiiling ako. Knowing Sibal, he won't let someone to pay when he's around. Ganiyan siya ka-gentleman.


"No need, Ther," Sibal said. "I have GCash."


Winagayway pa ni Sibal ang cellphone niya kung saan nakabukas ang GCash account niya, 5 digits ang laman nun kaya napanganga si Rese.


"Wow! Sa inyo nalang pala ako sasama palagi!" bulalas nito.


ARMANI CLAN SERIES #1: MadnessWhere stories live. Discover now