Chapter 1 - I'm a Fairy?

57 10 9
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Chapter 1: I'm a Fairy?

Mula sa abandonado't munting kubo kami ay pumasok upang sumilong, lumakas na kasi ulan na may nakakabinging kulob. Gabi na kaya delikado kung tatahakin pa namin itong masukal na gubat tsaka ilog pauwi.

Pwenisto ni Mina ang lampara sa mesa
na syang nagpailaw sa madilim na kubo. Wala gaanong laman ang luma at maalikabok na bahay bukod nitong
kahoy na lamesa. May mga patak nga lang ng ulan ang pumapasok sa loob pero tingin ko naman ay matibay ang marteyales ng pagkakagawa nitong buong bahay.

Mabilis na nilapag ni Emilio ang
librong hawak niya sa tabi ng lampara. Nagsiliparan naman ang alikabok sa
mesa tungo sa mukha namin pero wala
ni isa ang kumurap dahil nakatuon
ang pansin namin sa libro.

Sa mga oras na ito ay malamang tinutugis na kami ng nagmamay-ari nitong aklat kapag nalamang ninakaw ito.

Napakahalaga kasi sa'min ang bagay nato. Gaano ka halaga? Well, it holds a lot of controversy that might connected to our real identity.

Na hindi kami isang alipin lamang ng bayang ito. Na hindi kami dapat nandito para maging alipin nila. Na hindi kami ordinaryo. Higit sa lahat, laman raw ng librong ito ang tungkol sa isang bagay na taliwas sa pinaniniwala nila.

What I mean to that thing is, what they called magic. Where in our country had banned many books that are related and depicted to magic. Ang tanong may tinatago kaya sila? Ito na ang tyansa naming malaman ang katotohanan.

Napangisi ako ng bahagya nang makitang may alikabok na dumikit sa mukha ni Mina. Nasa harap ko siya ngunit balewala lang sa kanya yun'. Sersyoso kasi ang mga mata niya sa kakatutok sa libro ganun' din si Emilio.

Kung may isang bagay man ako mahusay, iyon ay basahin ang ekspresyon ng mga tao. Nalalaman ko ang bugso ng kanilang damdamin sa pamamagitan ng maiging pagsusuri ng ekspresyon sa mukha. Dahil dito madali para sa akin ang basahin ang emosyon ng mga taong nakakasalamuha ko.

Magkahalong tensyon, kaba at sabik ang ipinahiwatig ng kanilang mukha habang nakatitig sa libro. Tinuon ko na rin ang sarili dito.

At last. We have the possible key capable of revealing secrets. Could it be an opportunity to alter our fate? Or could it be a way to make things worse for us?

Inutusan ni Emilio si Mina na itapat ng kunti ang lampara sa libro dahil wala kaming nakikitang nakasulat sa cover nito. Bubuklatin na sana ni Emilio ang libro ngunit pinigilan ko s'ya.

"May nakaprinta ngunit masyadong maliit" saad ko sabay turo sa upperhead part ng book cover.

Mahirap itong mapansin dahil napakaluma na ng libro tsaka madilim ang paligid. Diniin pa ni Mina ang ilaw mismo sa itinuro ko. Sa liit ng sulat, nanliit din ang mata ko nang binasa ito.

Fairy ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon